TulipRose: Yes sir!
Naglog out na ko and nagbihis. Suot ko pa din kasi yung damit ni Riri.
"Eunice!!!" Bati agad sakin ni Ate Freya sabay hug. Sya lang ang tanging tumatawag sakin ng Eunice. Mas maganda kaya ang Eunice kesa Elle. Tsss. Tiningnan nya ko from head to toe. "Tumangkad ka wa!"
"Talaga? Sabi ko sayo kuya we!" sabay belat kay kuya Kleint.
"Galing mo magjoke Freya. Husay." Kung wala lang dito si Ate Freya, kanina pa nakatikim ng suntok 'tong kuya ko.
"Sige lang. Epal ka kuya. Teka, bat ba kayo nandito nga pala?" Tumabi ako kay kuya sa may sofa.
"Wala, nangangamusta lang. Kamusta school?"
"Ok lang naman. May bagong friends na 'ko."
"Good for you. Buti wala kang nakakaaway?" Ganon ba ko kasama para magkaroon agad ng kaaway. -___-++
"wala! Kala mo sakin?"
"Gangster? Bad girl? Amazona? Kung ano mang tawag sa mga babaeng kalahi mo."
"Wah! Wag mo ngang ginaganyan si Eunice, Kleint!" Pinitik bigla ni Ate Freya si Kuya sa noo. "Hindi lang pala ayos, pero ang cute cute ng kapatid mo. Tignan mo, parehas kami!" Dinikit pa ni ate Freya yung mukha nya sakin. Model 'tong si Ate Freya ng Vogue. Kaya ano pang ineexpect nyo. Syempre maganda sya. "Wala ka pa bang lovelife, Eunice?"
"Wala e. Walang nagtatangka."
Totoo, wala naman talaga. Di ko nga maintindihan kung bakit eh. Sabi ko sa inyo, ampon lang talaga ko we. Ang pogi ng kuya ko kasi kamukha nya si Papa, si mama naman sobrang ganda din. Samantalang ako, hindi naambunan. Kahit patak lang. Wala naman kasi akong oras sa pagaayos. Tsaka kung may manligaw man, si Knight lang ang lalaking papakasalan ko. Hehehehe ^___^v
"Pano naman kasi may magtatangka sayo, baby sister. Eh tignan mo yung sarili mo. Baka hindi ka pa makapag-asawa nyan." Anong ibig sabihin ng kuya ko don, aber? Tinignan ko yung suot ko.
"Ano namang masama sa pants, tshirt at nakapony na get up? Simple lang, pero cute pa din ako." Pagbigyan nyo na. Hinihila na nga ako pababa ng kuya ko, hihilahin ko pa ba sarili ko. Haha
"Alam ko na!!" Sigaw ni Ate Freya habang kumikinang yung mga mata at may bumbilya sa ulo.
"What?" Sabay naming tanong ni Kuya.
"Uhhhh.... Anong ginagawa natin sa salon nyo, ate Freya?" Bat dinamay pa nila ko kung magpapagupit lang naman sya. -___- gusto kong magpahinga sa bahay eh.
"Ano pa, ade imemake over ka." sabi nya habang may lapad na ngiti. ^__________________^
"Aaaaah. Angas ng idea mo!" Sabi ni kuya sabay apir nilang dalawa. Para lang silang magbestfriend. Hihi
"Lika na." Hinila na ko papasok ni Ate freya. Pero promise, hindi ako natithrill sa idea nyang 'to. +_______+
"Hi Freya! Buti dumalaw ka sa salon." Nagbeso beso silang dalawa nung babae. Isa yata sya sa naggugupit dito. "Oh, hi Kleint. Gumagwapo ka ah." Natawa lang si Kuya. Sus, pahumble!
"Jane, gusto kong imake-over mo 'tong kapatid ni Kleint. Wala daw kasing magtangkang manligaw e. Alam mo na. Kailangan mo nang paganahin ang powers mo." Kumindat si Ate Freya don sa Jane. Powers? Di ba salon 'to? Bat may powers pa? Ano 'to, may magmamagic? Carnival? -__-a
"Ohhhh. Challenge 'to para sakin. Maganda naman sya, kailangan lang ibahin yung style ng buhok mo. Ayos lang ba kung hihiklian natin? Nagmumukha kang manang e." What?! Hihiklian? Noooooo! Ang tagal kong pinahaba 'tong buhok ko we. Pero bago pa ko makapiglas, hinila na nya ko at pinaupo. At nagsimula na ang pagmumurder nya sa kawawa kong buhok.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #12 (Out with the old, in with the new)
Start from the beginning
