"Nasa theme park po kasi kami kahapon. Eh since delikado na pong bumyahe, nagoffer yung kaibigan ko na don muna ko sakanila."
"Baka naman bahay ng lalaki yan Elle." May pagdududa sa tono ni Manang. Uh-oh. Anong sasabihin ko? >.<
"Ano... Hindi po. Bago ko pong mga kaibigan yon. Babae po sila. Si ano.. Si Allison tsaka si Gorje. Tama, sila nga!" Whew. Kung humahaba lang ang ilong ko ng parang kay Pinocchio, siguro 1 kilometro na 'to. Nga pala, lagot sakin yung dalawang yon! Sila may kasalanan ng lahat ng kamalasan ko eh!
"Ah ok. Sige. Pupunta nga pala kuya mo dito kasama si Freya. Di mo daw sinasagot yung tawag nya."
"Nawala po kasi yung phone ko. Pasensya na po. Akyat na po ako." Ano naman kaya ang naisipan ni Kuya at biglang dumalaw? Si Ate Freya nga pala yung girlfriend ni Kuya Kleint.
Umakyat na 'ko sa kwarto ko at pinicturan si Miracle. Ipopost ko sa blog ko tapos ikekwento ko kela Grey at Esji yung mga nangyari. Sana naman online na this time si Esji T_T
Say hi to miracle, my pig stuffed toy! *insert picture ni Miracle here*
Grey: From whom? Tagal mong di nagonline ah.
TulipRose: From my friend. Sorry, been busy eh.
Grey: Friend? Hmmmmm.
TulipRose: What???
Grey: Nvm. Bat naman binigyan ka ng ganyan?
TulipRose: Eh nakyutan kasi ako nung nakita ko sa theme park e. ^_^v
Esji: Sabi na, pinagpapalit mo na kami e. May kadate ka na agad? Di mo man lang pinakikilala samin.
TulipRose: Wah?! Wala akong kadate no. Nagkita lang kami sa amusement park. Yung mga bagong kaibigan ko kasi, iniwan ako bigla. T___T Teka Esji, bat nga pala di ka OL last time? Usually naman ganong oras tayo naguusap-usap eh.
Esji: Busy.
TulipRose: Oic.
Grey: So.... kamusta na yung paghahanap mo sa Knight mo?
TulipRose: Still no progress. =___=
Grey: Haha. Ang laki naman kasi ng Pilipinas. What do you expect?
TulipRose: Naman e. Malamay mo bigla na lang syang mahulog mula sa langit.
Grey: Wow naman. Ano yon, sya si Dumbo?
TulipRose: Haaay. Nakakabaliw naman. *_*
Grey: Bakit kasi hindi mo na lang sya kalimutan. Maghanap ka ng iba. Ang dami daming lalaki sa mundo e.
TulipRose: Ayoko. First love never dies kaya!
Grey: Gasgas na yang linya mo. Haha
TulipRose: Ah basta! Kaya ko 'to! Mahahanap ko din sya.
Grey: Sabi mo eh. ^____^
TulipRose: Esji, anjan ka pa?
Esji: Oo.
TulipRose: May problem ba? Lagi ka na lang iwas.
Esji: Sorry, may ginagawa kasi ako. Gtg.
TulipRose: Problema non?
Grey: Dunno. Pabayaan mo nlng. May iba din yang ginagawa sa buhay nya.
*ding dong*
"Elle, bumaba ka na jan! Nandito na kuya mo!" Sigaw ni manang mula sa baba.
"Opo, eto na po!"
TulipRose: Gtg Grey. Nandito si kuya. Out na ko ha.
Grey: Ok, bye. Keep us updated ha.
YOU ARE READING
Strings of Fate
Romance"Ang true love parang cellphone na nahulog sa toilet. Makukuha mo lang pag may lakas ng loob ka." Meet Elle, ang babaeng naghahanap sa childhood first love nya na bigla na lang nawala. Then there's Shin, ang lalaking takot magmahal dahil minsan nang...
String #12 (Out with the old, in with the new)
Start from the beginning
