String #12 (Out with the old, in with the new)

Start from the beginning
                                        

"Hi! Ano pong pangalan mo ate? Are you kuya's girlfriend? Kagabi ka pa nandito? Anong ginawa nyo ni kuya?" Kung anong kinatahimik ni Shin, sya naman kinadaldal ng kapatid nya. 

"You can call me ate Elle. And no, I'm not his girlfriend. Classmates lang kami. Nagkataon lang na inabutan kami ng bagyo nung nasa theme park kami at malayo pa ang bahay ko."

Kumislap naman yung mga mata nyang parang nahukay nya yung Yamashita Treasure. "Ikaw yung kadate ni Kuya? Pwede ba kitang interviewhin, Ate Elle? Lalagay ko lang sa blog ko. Ako nga pala si Riri, ang cute little sister ni Shin" At nagpeace sign sya.

"No." Biglang sumulpot si Shin from nowhere. May sa kabute talaga 'to we. "Nasaan na si Butler John? Kahapon pa dayoff ng mga maids at butlers, kaya siguro naman nandito na sila. Gutom na 'ko."

"Eto na po ang breakfast nyo, young master." Biglang may lumabas na lalaki mula sa isa pang pinto. Ano daw, young master? Pfffft. HAHAHA.. Di bagay. Baka Young Monster ibig sabihin nya. Sunod sunod lumabas yung mga trollies ng pagkain. Teka nga.. May fiesta ba? O.O Hinain na sa mga plato yung mga pagkain. Nagulat siguro yung mga maids kasi natigilan sila nung sineserve na yung pagkain sakin e. 

"Ate Elle, kain ka lang ng kain ha. Payat mo eh, pataba ka ng onti." Nilagay ni Riri yung napkin sa lap nya at nagsimula na kaming kumain. 

Ang tahimik.

Mahaba pang katahimakan.

Nguya.. nguya.. nguya...

"Shin......" Nakakabingi na yung katahimikan. Sabog na ang eardrums ko!

"What?" Sagot nya ng hindi nakatingin sakin.

"Nakipagaway ka ba kagabi o eye bags yan?"

"Tsss. Shut up."

Wag mong sabihing binantayan nya ko buong gabi? Pero ang labo naman non. Uulan muna ng chocolates bago maging concern sakin yang lalaking yan. Galing ko din magjoke e. Nahawa na ko kay ate Freya. 

"Kuya Shin, hatid mo 'ko maya kela kuya Rence ha? Sabi nya bisita daw ako sakanya eh."  Sinong Rence? May kapatid pa si Shin?

"Ayoko." Sabi nya with authority. 

"Kuya naman! Sige na oh. Namimiss ko na si Kuya Rence e."

"Ayoko nga e."

"Parang bata naman 'tong si Kuya. Sige na, pretty pretty please with cherry on top?" Ano daw? Hahaha. Pacute na bata.

"Bahala ka nga." Ay di rin nakatiis? Haha. Love na love ang kapatid. "Dalian mo kumain, ihahatid na kita senyo." Atat much sa pagpapalayas sakin? 

"Yah! Kuya wag muna. Maglalaro pa kami ni Ate Elle!" - Riri

"No. Baka hinahanap na yan sakanila." - Shin.

"Ehhhhh. >.< Ate Elle, bisita ka ulit  dito ha? Asahan ko yan ha! Pagbalik mo, papakita ko sayo mga baby pictures ni Kuya Shin!" Di pa nga ako um-o-oo we. -__-" Pero mukhang masaya  nga yong ipapakita nya sakin yung mga baby pictures ng kumag. Dami ko lang sigurong tawa non. 

"Do that, and you're dead." Tiningnan ng masama ni Shin si Riri. 

Pagkatapos namin kumain, hinatid na 'ko ni Shin sa hotel namin. Nagpasalamat ako sakanya tas kinuha si Miracle don sa compartment. As usual, masungit nanaman sya at snob lang. 

Pagkadating ko sa suite, sinalubong agad ako ni Manang.

"Elle! Anong nangyari sayo? Nasan ka ba kagabi? Ayos ka lang ba?  Jusko, bakit di ka naman nagtetext? Papatayin mo ko sa pag-alala." Ganyan talaga si manang. Parang sya na yung pangalawa kong ina. Swerte ko lang, dba. ^_^

Strings of FateWhere stories live. Discover now