Chapter 44 - Hardening

Mulai dari awal
                                    

"Hala! Hindi ah!" sabi ni Pepe sabay tawa. Si Pia naman ay tumatawa na din.

"At kaya pala may kakaibang drama yung pag alis ni Pia," sabi ni John, "PIAAAAA!" sabi niya habang ginagaya ang boses at pagsigaw ni Pepe mula sa bintana ng retreat house.

Nagtawanan naman ang tatlo at pagkatapos ay si Pia ang unang tumigil, "But seriously, akala ko talaga hindi ko na tayo magkikita ulit because that's what usually happens. Nasira yung ring ko that time kaya biglang dumating si Lolo pero in the past bigla na lamang kaming aalis ng hindi ko alam ang dahilan. Tumira kami sa iba't ibang countries, never nagtagal sa isang lugar kaya hindi na ako nag-eeffort magkaroon ng friends. Nalulungkot lang kasi ako everytime na aalis kami."

Natahimik ang dalawa sa sinabi ni Pia at sa kanilang likuran naman ay gumalaw ang mga dahon at lumabas ang isang matandang lalaki. Malinis ang gupit ng matanda; nakapantalon ito; puting t-shirt at sa paa naman ay tsinelas ang suot niya.

"Ma'am Pia!" sabi nito. "Yes! Mang Celso!" sabi ni Pia. "Nawala po kanina yung bangka ko. Pero nakita ko na po nalate tuloy ako."

Nanlaki ang mga mata ng dalawang binata, "Bangka po ninyo iyong ginamit namin?" sabi ni John.

"Ah, Mang Celso, friends ko po sila," sabi ni Pia. "Magandang gabi po sa inyo," sabi ni Mang Celso sabay yuko ng bahagya.

"Pepe, John, si Mang Celso ang katiwala namin dito," sabi ni Pia.

"Kayo siguro ang nagpunta doon sa lumang bahay? Maglilinis sana ako ng templo kaya lang may narinig akong gumuho sa lumang bahay. Nagpunta agad ako pero wala naman akong naabutan na tao tapos nawala na yung bangka ko pagbalik ko," kwento ni Mang Celso.

"Pasensiya na po kayo," sabi ni Pepe.

"Ayos lang po. Kaibigan naman pala kayo ni Ma'am Pia. Sayang hindi ko alam na dadating kayo. Pang isahan lang tuloy ang dala kong pagkain," sabi ni Mang Celso sabay abot ng isang bagay na nakabalot sa tuwalya. "Dalhan ko kayo ng pagkain?"

"Wag na po, kumain na po kami!" sabi ni Pepe. "Ay siya, sige po Ma'am! Aalis na po ako," sabi ni Mang Celso. "Thank you po!" sabi ni Pia at ng dalawang binata.

"Anong oras kaya dadating yung lolo mo?" sabi ni John. "I'm not sure. Gusto ko sana kayong dalhin in our house pero may pangako ako kay Lolo na dito lang ako hangang matapos siya. Are you tired? Gusto ninyo magpahinga?"

"Ah ako hindi naman," sabi ni John. "Si Pepe ang pala tanungin mo, siya yung lumaban!"

Tinignan ni Pia si Pepe ng maigi, "Oh my! Injured ka pala!" sabi niya at lumapit ito bigla sa lalaki. "Ah, eh, okay lang naman ako," sabi ni Pepe habang hindi mapakali dahil sa lapit ni Pia sa kanya.

"Libro! Tent!" sabi ni Pia.

"This is fascinating!" sabi ni John na titig na titig sa librong nakalutang sa kaliwa ni Pia. Tinitignan niya ang Libro na tila gumagalaw depende sa galaw ni Pia na ba parang assistant niya ito. Gumalaw ang mga pahina ng libro at tumigil sa umiilaw na salita. "Anong sulat yan?" sabi ni John.

Pinunit ni Pia ang papel at binitawan ito. Natangay ito ng hangin at naging abo at pagkatapos ay isang usok ang lumitaw sa kanilang tabi. Unti-unti nawala ang usok at pagkawala nito ay mayroon ng malaking tent na kulay pink doon. Inalalayan ni Pia si Pepe papalapit sa tent at ikinaway pataas ang kanyang kamay na nagbukas sa pinto.

"Ang ganda naman dito," sabi ni Pepe ng makita ang loob ng tent na parang triple ang laki mula sa labas. Para itong totoong bahay na kumpleto ang gamit. Meron itong tatlong kwarto bukod sa malaking lugar na kanilang unang pinasukan.

"Of course! Mahiga ka muna," sabi ni Pia matapos silang pumasok sa isang kwarto. Lumabas si Pia at pinapasok din si John sa kabilang kwarto.

"Ano palang ginagawa ni Lolo mo?" tanong ni Pepe kay Pia pagbalik nito sa loob.

Kumuha si Pia ng isang kumot at ipinatong iyon kay Pepe. "Bagong singsing. Yung nasira natin," sabi ni Pia, "that night pinagpromise ako ni lolo na huwag gagamitin ang abilities ko. Baka kasi malaman nina Kirusa na nandoon ako at madamay kayong mga kaklase ko sa problema namin."

"Okay lang, Pia. Naiintindihan ko," sabi ni Pepe at sunod ay napapikit siya dahil sa kumot, "hhmm, sarap," sabi niya ng maramdaman ang init nito.

"Good! This blanket will heal your injuries," sabi ni Pia. Bigla naman nagmulat ang mga mata ni Pepe, "Ay! Teka! May dala ako para sa iyo!" sabi ni Pepe, "UBelt! SPIRIT 101! DIGNUM 101!"

"Oh? Books? Pero meron na ako niyan. Wala nang iba?" sabi ni Pia matapos umupo sa tabi ni Pepe. "Ay sorry! Yan lang eh," sabi ni Pepe. "Okay lang. You know Hardening?" tanong ni Pia habang hawak ang dalawang libro. "Ha?" sabi ni Pepe, "gardening? Konti lang, noong bata ako nagtatanim kami sa probinsiya."

"Nope! Hardening, Pagpapatigas," sabi ulit ni Pia. Nagkatinginan ang dalawa subalit hindi pa rin ni Pepe maintindihan si Pia. "Pagpapatigas, Pagpapagalaw at Pagpapasabog," sabi ni Pia habang nakatingin kay Pepe.

Nagulat si Pepe sa narinig, "Ano tong sinasabi niyang Pagpapatigas, Pagpapagalaw at Pagpapasabog?" isip niya. Ilang beses pa niya ito inulit sa kanyang isipan habang nakatingin kay Pia.

"Pagpapatigas, Pagpapagalaw at Pagpapasabog"

"Pagpapatigas, Pagpapagalaw at Pagpapasabog"

"Pagpapatigas, Pagpapagalaw at Pagpapasabog"

Lumaki ang mata ni Pepe at hindi makapaniwala sa naiisip, "Oh PIA!" isip niya habang nababasag sa kanyang imahinasyon ang inosenteng larawan ni Pia.

Isang malakas na hampas ng libro ang tumama sa mukha ni pepe, "Aray!" sabi niya.

"Anong iniisip mo? It's evident you don't know what I'm talking about! Englishin ko na lang, Hardening, Control and Combustion! The three main spirit techniques," sabi ni Pia.

"Ah! Hindi ko pa alam yan!" sagot ni Pepe. "I'm disappointed! Hindi ka nagbabasa!" sabi ni Pia na parang galit ang mukha. "Anyway, you need to learn all of these techniques as soon as possible!"

"Ha? Paano?" sagot ni Pepe. "I can teach you the first one, Hardening!" sabi ni Pia, "It's simple!"

"Yung pagpapatigas?" sabi ni Pepe.

"Yes!" sabi ni Pia sabay palo ulit ng libro sa mukha ni Pepe.

***********************************************************************************************

20k reads na ang Aswang Hunter! Ano sa tingin nyo ang Pagpapatigas o Hardening? Please vote at comment! Thank you!


Aswang Hunter | New BloodTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang