Chapter 8: Scenarios

52 2 7
                                    

Kasalukuyan kaming kumakain ng dalang isaw ni Kuya Mac.

"Saan mo to binili kuya Mac? Ang sarap e!" pananalita ni Kate habang ngumunguya ng isaw.

"Dun sa Barangay Cinco, sa may tapat ng gotohan." Sagot naman ni Kuya habang pinaglalaruan ang ilang hibla ng buhok ni Ate Nat na nakaupo sa sahig habang kumakain, ang nangyari si kuya mac ang nakaupo sa sofa.

"Ay! Ang layo naman pala dito." Sagot ulit ni Kate sabay kagat sa kinakain nya.

"Bakit? Wag mong sabihing kulang pa yan sayo?" tanong naman ni Ate nat na kumakain din.

"Oo! Ang sarap kaya. Bakit kasi ganun? Ang layo ng Brgy. Cinco dito sa Brgy. Sais?! Samantalang magkasunod lang naman sila sa number?!" walang kwentang tanong ni Kate.

"Bakit mo sa'min tinatanong yan? Baliw." Sagot ko.

"Baliw kay Kevin." parang nagtwinkle yung mata nya sa pagkakasagot nya.

"Huh! Kunwari ka pang naiinis kapag sobrang sweet sayo ni Kevin, eh pag wala naman yung tao, banggitin mo lang yung pangalan nya kinikilig ka na! Tsk." Naiiling na sagot ni Ji.

"Di hindi naman!" Pagprotesta ni Kate kasabay ang isang role eyes.

Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko. May nagtext siguro.

Guys, nakauwi na ko.

Ah, si Johanna pala.

It's a group message, para sa aming lima. Ganyan naman kami.

At ang mga babaitang to, mukhang di alam na may nagtext.

"Nakauwi na daw si Hannah."

Nagpaalam kasi sya kanina na pinapauwi na daw siya ng Ate nya.

"Ah, nagtext na ba?" -Kate

"Oo. Tignan nyo kasi ang cellphone nyo.... kain na lang ng kain e." Binalik ko na sa bulsa ko ang cellphone.

"Ts, ang sarap kaya kumain!" -Kate

"Hoy! Kayong dalawa dyan! Wag naman kayong masyadong sweet!" Puna ni Ji kay na Kuya Mac at Ate Nat.

Nakaupo na ngayon sa sofa si Ate Nat, si Kuya Mac naman nakahiga sa lap nya.

"Asus, yung kaibigan mo Nat nabi-bitter na naman." Natatawang sagot ni kuya mac.

Tss.

"FYI! Hindi ako nabi-bitter no! Hmp!" -Jireh

Napapailing na lang ako.

Pano ba naman, bitter naman talaga yang si Ji, parehas kami. Hahah!

Well, wala kaming magagawa ganun ang tingin namin e. Nakakainis kaya.

Tsaka, sanay na naman yang si Ate Nat at Kuya Mac na nasusungitan ni Ji, pagminsan ako din. Lalo na pagnakaka-amplaya talaga.

Tsk.

____________

Kakauwi ko lang galing kay na Ji.

Nakakapagod ang araw na to!

Guess what kung anong mga nangyari..

Nagstroll lang naman kami sandali! Wow!

Matatawag pa bang sandali yung 2 and a half hours?! Gahd. Ang sakit sa paa. Pano naging masakit? LAKAD KAMI. Can you see that? Naglalakad kami tapos silang dalawa ni Kuya Mac, naka-motor. Shet. Karansa talaga!

It all started in: 2 Days RelationshipTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang