Chapter 1: Introductions

55 1 0
                                    

*KRIIIING!*

Nagising ako sa napakalakas na tunog ng alarm clock ko. Hayss! Kaimbyerna. Ang ganda-ganda na ng panaginip ko. Nandun na eh. Nandun na. Makikita ko na yung mukha ng aking knight in shining armor *Q*

*BLAG!*

Naalimpungatan ako sa aking pagde-daydream. Napatingin ako sa pintuan ng kwarto dahil sa marahas na pagkakabukas dito.

"ATEEEEE!"

Napatakip ako sa tenga ko, dahil sa tinis ng boses ng babaeng nasa loob ng kwarto ko.

"Fudge! What's your problem? Ang aga-aga sumisigaw ka. Dinaig mo pa ang wang-wang ng ambulansya dahil sa lakas!" Iritado kong sagot sa kanya.

"*pout* ang hard mo naman ate. Tsaka concern lang naman ako sayo!"

Huh? Anong connect nung concern? Psh.

"Hoy. Hoy. Hoy. Wag ka ngang magpout. At anong sabi mo? Concern ka? Sakin? Wow! San banda? Eh halos masira na ang eardrums ko diyan sa malakas mong sigaw. Isama mo pa yung kawawa kong pintuan!"

"Aah Hehe, sorry ate *peace sign* uhmm. Yun! Bago ko makalimutan *ehem* *ehem*"

"..Si mama naman kasi ang nagpapunta sakin dito. Sabi nya gisingin na daw kita kase may pasok ka pa para daw makapag-ayos ka na, eh ang bagal mo pa man din daw kumilos. Tsaka--"

"Oo na.Oo na. Ang dami mo pang sinasabi. For sure dinagdag mo na lang dun yung 'mabagal kumilos' ."

Tignan mo to. Ang lakas at ang tinis na nga ng boses, ang bilis pa masalita. Pinutol ko na ang kanyang sunod pang MGA sasabihin (-__-)

Tsaka yung sinabi daw ni Mama na mabagal ako kumilos? Im sure! Dinagdag nya na lang yun. Pero, wait nga.. Shoot! May pasok nga pala ako >.<

"FYI ate! Sinabi din yun ni mama! Hmp! Dyan ka na nga. At! Para malaman mo ate, 11am na po. At ang oras ng klase mo po ay 12. Kaya kung ako sa--"

Tumayo ako sa kama at itinulak sya palabas ng kwarto ko. Ang dami pa kasing sinasabi (-__-) Well siya lang naman ang nag-iisa kong kapatid. Si Kerlin Fortel. Ahead ako sa kanya ng 5 years, bale 11 years old na siya.

Eto ako ngayon doing my morning rituals. By the way, kahit ayaw ko pero kailangan pa din gawin, magpapakilala muna ako. Im Czailyn Jane Fortel (pronounce as Zaylin). 16 years existing in this world. I am a grade-10 student. Tahimik lang naman ang buhay ko, well medyo gumulo ng konte simula ng makilala ko ang mga baliw kong kaibigan. Yan na lang muna. Katamad eh. I told you, I really hate introductions (-.-) Ts.

Lumabas na ako ng kwarto at nagpaalam kay mama.

"Ma! Pasok na po ako." sabay halik sa pisngi nya.

"Osige. Teka, hindi ka pa kumakain ah?" oo nga pala. Aist! Hindi nya ako papapasukin pag sinabi kong hindi pa talaga ako kumakain.

"Ahm. Tapos na po Ma. Sige po babye!"

Nagmadali akong lumabas ng bahay.

"Hoy! Czailyn jane! Ayst! Ang batang yun talaga..."  Nadinig ko pang sigaw ni mama. Hahaha.

Sumakay na ko sa service kong tricycle. Kay kuya Day-ar. Tuwing wala si papa, sa kanya ako nasabay. Katulad ngayon, nasa Maynila siya.

"Saglit lang ineng ha? At tatawagin ko la'ang si Christina."

"A-ah. Sige po kuya. Pakibilisan na lang po sana."

"Osya sige."

Si Christina naman ang kadalasang nakakasabay ko sa tricycle. Tiyuhin nya si Kuya Day-ar. *yawn* Inaantok pa ko (-___-) Sino ba naman kasing may sabi na magpuyat ako? Ts.

"Nandyan na po ba si Ate Czailyn?" dinig kong tanong ni Christina kay kuya Day-ar.

"Oo neng. Ayun oh, nasa loob." napatingin sya dito sa direksyon ko. At dito na rin naupo sa tabi ko.

"Hi ate!" Bati nya. Maya maya lang ay pinaandar na ni kuya ang tricycle.

"Hello. Pumasok ba ate mo?"

"Ummm. Ang ate? Tss." lumungkot bigla yung mukha niya. "Hindi na daw sya papasok." Nagulat naman ako sa sagot nya. Kaya pala naman. Tsk. Tsk. 

Hindi naman nagtagal ang byahe namin papuntang school. Siguro mga.. 8-10 minutes lang.

"Kuya Day-ar. Bayad ko po."

Bumaba na ko ng tricycle. Nauna na ko kay Christina.

BLACK  NHSWF. Yan ang pangalan ng school na pinapasukan ko. Nasa labas ka pa lang ng gate, mababasa mo na agad ang pangalang yun. Curious nga ako kung bakit ba 'Black' e. Baka.. surname nung may-ari. Actually, mag fo-4years na kong nag-aaral dito pero hindi ko pa din alam. Yung NHSWF? National High School ang meaning nun. Ewan na lang dun sa WF, baka naman Walang Forever? Wahahaha. Just kidding.

"Czailyn Jane!!" -kate

"Pisngiii!" -ji

Oh no. Eto na. Eto na ang mga taong MEDYO nagpaingay sa tahimik kong mundo TT.TT

It all started in: 2 Days RelationshipWhere stories live. Discover now