Chapter 10: Extended

10 0 0
                                    

"CJ dali na naman!"

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagkain ko.

Nandito pa din kami sa school garden. Hindi pa naman time ng next subject namin kaya okay lang.

Ang kaso mo lang, ang babaeng to. Kanina pa ako kinulit ng kinulit =______=

"Ikwento mo na! Malay mo matulangan kita dyan sa problema mo, diba?" Pamimilit niya ulit.

Saglit ko siyang tiningnan..

"Malabo." at binalik ko na ulit ang atensyon ko sa pagkain.

"Hindi yaaan! Ako pa?" Tinuro nya pa talaga ang sarili niya gamit ang thumbs niya. "Ako na ata ang the best helper slash superhero!" Masiglang sabi niya na para bang sure na sure siya na matutulungan nya ko sa problema ko.

Napaisip na naman ako kung magkwe-kwento ba ako sa kanya.

Wala naman sigurong masama? Ok. Go na nga.

Ibinulsa ko muna yung balat ng pinagkainan ko.

"Tss. Sige." I sighed. "Wala naman na kong laban sa kakulitan mo."

"YES!" tuwang-tuwang sagot niya. Ts.

"Ok, ganto yun..……"

At nagsimula ko ng ikwento sa kanya yung plano naming magkakaibigan.

Pati yung puno at dulo ng lahat sinabi ko na.

Ng matapos kong sabihin sa kanya...

Para bang napaisip sya.

"AHA!" napatingin ako sa kanya.

"Oh ano? May maitutulong ka? Tsk." tanong ko.

"Oo naman! Ako pa!" -Alex

Hm, tingnan nga natin.

"Diba sabi mo dun ka namo-mroblema ng husto sa paghahanap ng boylet?" tanong niya habang nakahawak sa chin nya.

"Oo." maikling sagot ko.

"Pwes!" tumigil siya saglit. "Be thankful to me, kasi problem solved ka na!" may malalaking ngiting sabi niya na para bang sobrang ganda ng naiisip niyang ideya.

Ni hindi pa nga niya nasasabi sa akin, tapos problem solved nagad? -____-

I sighed.

"Oh eh ano nga yun?" tanong ko ulit.

"Si Vaughn!" sabi niya kasabay ang isang palakpak.

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

Hindi naman ako slow para hindi agad magets yung ibig niyang sabihin.

Sa dinami-dami ng naisip kong isu-suggest niya sa akin, hindi ko naisip yung isang yun.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ay bahala na.

"Seriously?" natanong ko na lang.

"Oo naman. Oh diba? Sabi sayo e. Ako ang bahala sayo!" tumataas baba ang kilay niya ng sumagot sakin.

"Tsaka diba! Tingnan mo ha.." hindi man lang hinintay ang sagot ko =______= "Swerte mo na! Kasi yung crush mo ang magiging first boy friend mo! Yieeeeh~" pang-aasar niya.

"Hah! Sinong may sabi na crush ko yang so-called mong pinsan?" Hindi ko na natiis kaya yan.

"Ako! Hahahahah!" Tawa niya pa. Baliw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It all started in: 2 Days RelationshipWhere stories live. Discover now