Chapter 9: Walking Ampalaya

7 1 0
                                    

"Pisnge, sa Tuesday na tayo mags-start ha! Dapat may mahanap ka ng lalaki na magpe-pretend na boyfriend mo." -Kate

"Ano?! Sa tuesday na?! Langhiya naman! Wala pa nga akong idea kung sino ang kukuntsabahin kong lalaki!" Nakabusangot na mukhang sagot ko.

Taena. Sa Martes na agad?! Ang bilis! Eh ano bang araw na ngayon? Friday na! Nak ng! San naman ako kukuha ng lalaki? Eh ni wala nga ata akong close na boys, meron nga binabae naman!

"Aba, gawan mo ng paraan. Para makapag-umpisa na tayo.." sagot ni Johanna na naggagayat ng saging.

Gagawa kasi kaming lima ng priter. Napagtripan e.

Nasa bahay kami ngayon nina Jireh, parati naman ata.

"Eh san nga ko maghahanap!? Parang ang dali lang manghagilap ng lalaki ha!" Gigil na binalatan ko ang hawak kong saging. Ts.

"Eh ikaw Ji? Meron ka na?" Pagbaling ko naman sa kanya na naghihiwalay ng wrapper.

"Hm-mm. Meron na.." tango niya.

"Weh?! Ang duga naman! Hati na lang tayo!" -ako

"Baliw!" Sabay-sabay nilang apat na sigaw. Napasimangot na lang ako.

Kainis naman kasi.

"Johanna, ikaw, meron ka na?" Tanong ko.

"Yes. Ako pa!" Nakangiting wagas na sagot niya.

Naparoll-eyes na lang ako.

Peste. Ako na lang talaga ang wala.

"Ts, sabi ko nga. Bakit ba tinanong pa kita? Ikaw pa nga ba naman!" pasiring na sagot ko sabay hagis sa kanya ng balat ng saging na kakaalis ko lang.

"Ouch naman!" -johanna

"Arte." -ako

"Bitter." Ngisi niya naman.

Napatawa naman sina Ji, Ate Nat at Kate.

"Tigil-tigilan mo ko at hindi ako bitter." Tumayo ako at dinala kay Ate Nat ang mga saging na nabalatan ko na.

"Thank you Ms Ampalaya." Pang-aasar naman ni Ate Nat pagkalapag na pagkalapag ko ng plato sa mesa.

"Ano gang ampalaya!? Naman. Tao ako! Kelan pa ko naging gulay? Ts." Inis na bumalik ako sa pwesto ko.

Napagtripan na naman ako ng mga to. Leche e.

"Hindi nga ba?" Ate Nat/Kate/Johanna/Jireh

"Argh! Bwiset!" Inis na umupo ako.

"Hahahahaha!" Tawa naman nila.

Sige lang Czai, pasensya lang.. nababaliw lang talaga ang mga animal mong kaibigan.

"Hays Pisnge.." naiiling na salita ni Kate sa akin. "Pano ka niyan makakapagpretend na may boyfriend ka, kung ang bitter-bitter mo.." patuloy niya pa.

"Hay nako Kate, kating-kati na tong kamay kong ibato tong kutsilyo na to sayo.." kunwariy naiiling ko din na sagot.

"As if kaya mo." Ngisi niya.

Taji. Ang babaeng to. Kuuuuh~

"Hinahamon mo ba ako?"

"Oy oy oy. Itigil niyo nga yan! Mamaya.. magkapatayan pa kayo diyan. Tsk." Awat samin ni Ji na nagpri-prito na ngayon.

"Tsss."

Tumahimik na lang ako, actually pati sila. Busy e. Lalo na at para sa mga tiyan namin tong ginagawa namin. Hahah!

It all started in: 2 Days RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon