Habang pinapanood ko ang tubig na ianod lahat ng ibedensiya ng sakit na dinanas ko kanina, umangat ang ulo ko upang sipatin ang sarili sa malaking salamin ng comfort room.

Oh my God!

Ang tumambad sa akin na itsura ay sapat upang mapasinghap ako dahil sa gulat. Maaari na kasing manalo ng horror face of the year ang mukha ko sa sobrang sagwa niyon. Ang kaninang perpektong pagkakamake-up ay naging perpektong pagkakasira ng make-up para lalo akong magmukhang true to life zombie.

Nakakahiya lang kung haharap ako kay Ruzz ng ganito. To think na kanina pa akong nakikipagtitigan sa kanya na ganito kasama ang itsura ko.
Lupa, lamunin mo na ako!

Ibinalik ko ang mga mata ko sa aking kabuuan at muling nagpakawala ng isang nanlulumong ungol. Ang foundation na inilagay ko ay nag-cake na sa buong mukha dahil sa pawis at sa mga luha, ang eyeliner at mascara ay nagkalat sa mata ko, at namumutla na ang labi ko dahil sa pagkawala ng lipstick dito.

Sa tagiliran naroon ang dugo na pinunas ko mula sa aking sugat at kung susumahin, mukha na akong nasaksak ng magnanakaw sa kalagayan ko ngayon.

Sinubukan kong ayusin ang make-up ngunit sa huli, lumala lang ang naging dating dahil umabot na sa may pisngi ang pagkalat ng mascara at eye liner. Nanggigigil na kinuskos ko ang nalalabing kolorete sa mukha ko gamit ang tissue paper kaya't namula iyon na para nang inilutong hipon.

"Damn it. Hindi niya ako pwedeng makita ng ganito. Mamatay na nga ako tapos ito pa ang huling mukha na makikita niya, walang hiya naman talagang buhay to, oo!" sigaw ko sa salamin.

Parang nawala lahat ng sakit ng sugat ko habang nagkukumahog akong ayusin ang sarili ko upang makaalis. Hahayaan ko na lang muna ang gamit ko sa office niya at babalikan ko na lang maya-maya pag nakaayos na akong muli. At siguro ay tatawagan ko na lang muna si Giana upang ipaayos ang office ni Ruzz.

Mabuti na lang at medyo natatagalan si Ruzz. Kung hindi kasi ako nagkakalamali, kinuha niya pa sa suite ang first aid kit kaya kailangan ko nang kumilos habang hindi pa siya dumarating.

Sa naisip ay agad akong kumilos sa banyo upang tumakbo palabas ngunit unang tapak ko pa lang sa malamig na tiles ay nalaman ko na ang unang kamalian sa plano na gagawin ko. Iyon ay ang katotohanang wala akong sapin sa paa at wala din sa akin ang susi ng kotse ko.

Ibinaling ko ang tingin ko sa nakapinid na pinto ng office pagkatapos ay inilipat iyon sa nakasara ding pinto ng elevator.

"No choice." bulong ko sa kawalan saka tinakbo ang daan patungo sa opisina. Kinuha ko ang susi kotse ko sa bag, isinuot ang pumps saka binuksan muli ang pinto.

Ng dahan-dahan.

Kung hindi lang ako seryoso sa ginagawa ko ay baka matawa ako dito. Mukha kasi akong magnanakaw gayong ang totoo ay gusto ko lang magpalit ng damit.

Nanlaki ang mga mata ko ng marinig  ang pag-tunog ng elevator at di nga naglaon ay lumabas din ang bulto ni Ruzzia na may hawak-hawak na tatlong kit.

Agad akong nagtago saka pinanood siyang maglakad patungo sa CR. Mukhang kaya siya natagalan ay dahil kinuha niya din ang kit ng mga kapatid niya. Kung anong gagawin niya sa mga iyon ay hindi ko alam. Para siyang mag-oopera sa dami ng gamit na dala-dala niya at hindi na ako magugulat kung may scalpel din siya at cadaver bag sa loob ng mga kit na iyon.

Plano ko sana ay kapag nakapasok na siya at nagsara na ang pinto ng CR, tatakbuhin ko ang elevator na ginagamit ng lahat para makababa. Bago niya pa malaman na nawawala ako ay paniguradong nakasara na ang elevator na sasakyan ko. At poof, goodbye!

Give or take ilang seconds para sa margin of error pero kaya pang makatakas.

Habol ang hiningang pinanood ko ang kanyang kamay ng hawakan nito at iikot ang knob hanggang sa tuluyan na nga siyang makapasok sa loob.

Montereal Bastards 3: To Chase A Playboy (COMPLETED) #WATTYS2017Where stories live. Discover now