Darkness Twenty Eight: Envious Prince

26.6K 1K 372
                                    


Summer Diarhney's POV

"Tara na Renze, uuwi na tayo"-papa

Hindi nya pinansin si Papa at nanatiling nakaupo sa lupa, kaharap ang puntod ng kanyang ina.

"Mauna na kayo Papa, ako nang bahala" nakangiting sabi ko

Tumango sya at inaya na sina Lay. Halos kami kami nalang ang tao rito at nagsialisan na ang iba, ilang oras na rin kasi ang nakalipas mula ng mailibing si Reema … pero ayaw paring umalis ni Renze dito, wala syang kibo at nanatiling nakatitig lang sa nitso. Hindi sya nagsasalita, hindi rin sya umiiyak gaya nung mga mismong araw ng pagkamatay ni Reema kaya mas lalo akong nagaalala.
Three days. Sa loob ng tatlong araw na pagluluksa bago ilibing si Reema ay ni minsan hindi na muling umiyak si Renze, wala syang reaksyon at nanatiling tahimik na nakatulala sa isang tabi. Hindi sa gusto ko syang umiyak, okay? Talagang nakakabahala lang yung katahimikang meron sya ngayon.

Naupo ako sa tabi nya diretso ring tumingin sa nitso. Awkward, pero ayos lang. Ramdam ko kasing kailangan nya ng makakasama sa katahimikang ito.

Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa kanya pero wala parin syang reaksyon, parang ang lalim rin ng iniisip nya.

"What are you thinking? Please let me know" mahinang pakiusap ko sa kanya

Pakiramdam ko kasi kung sasarilinin nya lahat ng saloobin nya ay maaari syang sumabog sa lungkot. I don't want that to happen, I don't want him to feel alone … like nobody's there for him.

"I can't. Kahit ako hindi ko na alam ang iisipin ko"
"Then tell me what's bothering you"

Panandalian pang katahimikan ang nanaig sa aming dalawa. It's like he's analyzing the situation first, nadadalawang isip sya kung magsasalita ba sya or what.

"My Mom …" hinintay ko lang sya magsalita at dugtungan ang sinabi nya
"I don't know what to do without her, all my life I've been with her. Do you get me, Summer? Every. Single. Day. Of. My. Life. Ano nang gagawin ko? Sino nang makakasama ko? Sya lang kasi yung pamilya ko eh. Sya lang"

"Hindi lang naman sya eh …" I held his hands "Nandito pa ako, si Papa … pamilya tayo Renze" nakangiting saad ko

Gulat syang napatingin sa akin matapos ay niyakap ako na ginantihan ko rin ng mahigpit na yakap. I know this is what he needs, someone who'll stay with him. Someone who'll listen despite of his silence.

— — — — —

"This is your school?"
"Our school" sagot ko

Kunot noo naman syang napatingin sa akin.

"Pagaaralin nyo talaga ako dito?"-renze
"Oo at dito ka na rin titira" nakangiting sabi ni Papa sabay akbay kay Renze

Sabay sabay na kaming pumasok, pero hindi pa man kami nakakatapak sa building ng dorms ay may humarang na kaagad kay Papa at sinabing may kailangan daw silang pagusapan. I remember that guy, isa rin sya sa mga Master o teacher dito. Inutusan kami ni Papa na kami na ang maghatid kay Renze sa dorm nya, he's in 4th floor. Pagkarating doon ay sinalubong sya ng isang guy, room mate nya daw.

Ngayon ko lang nadiscover na may room mate pala yung ibang students at kami pang sa Elite Circle ang solo, at mas malaki rin ng dalawang beses ang room namin sa kanila. Condo style ang mga dorm dito, may kitchen, living room at bedroom kaya talagang malaki, ang kaso mas malaki talaga yung amin. Unfair diba? Hahahaha

Kinabukasan

Sinundo namin ng maaga si Renze para itour sa buong school at para na rin kaya nya kahit magisa. After that ay deretso kami sa cafeteria para mag breakfast.

Facing Darkness | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now