Darkness Twenty Five: Peach Island

25.1K 1K 105
                                    


"Waiter! Oorder na kami"
"Miss, tubig naman!"
"Kuya yung bayad po!"
"Nasaan na yung order namin?"
"Miss, menu nga!"

Tumakbo kaagad ako sa counter at kinuha yung order nung nasa table six, then kumuha din ako ng menu para sa table eleven. Muntik pa kaming magkabanggaan ni Lay sa pagmamadali. Bakit ba kasi ang daming tao ngayon dito sa Cloud Nine Café? Sa pagkakatanda ko dati halos daan daanan nalang to ng mga studyante, pero bakit ngayon punong puno at may pila pa sa labas? Mygash!

"Kuya chef! Isang slice ng black forest at strawberry short cake!" Sigaw ni West

Feeling lost sa mga pangyayari? I-GPS na yan! De joke, oo joke yon kahit di kayo natawa.

Basta nandito kaming lima sa Cloud Nine Café at nag tatrabaho bilang waiter. Bakit kami nagtatrabaho? Kasi nga nahuli kami.

Diba nung nakaraang chapter tinulungan namin sila Flame? Nakatakas naman kami sa Underworld, pagkatapos non dumiretso kami sa Edulas at ipinagamot si Frost. Then dahil sa super speed ni Lay ay nakuha namin yung gem ng Edulas at napalitan ng fake ng hindi nila namamalayan. Kaya lang, the worse part is … hindi kami pinayagang umalis ng Edulas hanggat hindi ang Headmaster ang sumusundo sa amin. Pinagdududahan nila ang pagpunta namin doon ng sugatan, kataka taka naman talaga kami. Alam naming darating sila Papa kaya doon palang umalis na sila Flame at Frost, nagbukas sila ng lagusan at bumalik na ng future. Tutal nasa kanila na ang lahat ng tatlong gem.

Pagbalik namin dito sa Academy, kwinestion kami ni Papa. Ano daw ang nangyari sa amin at nawala kami ng dalawang araw. Wala kaming nagawa kundi ang ikwento ang nangyari, pero hindi namin sinabi yung tungkol sa gem at yung nanggaling sila Flame sa future. Ang sabi ni Aeon (dahil sya ang spokesperson namin), may isang taga Sky ang humingi ng tulong sa amin dahil dinukot ang asawa nya; at si Flame at Frost yon. Oh diba? Pwede ng Writer si Aeon. Although mukhang hindi masyadong naniniwala sa amin si Papa, wala na syang nagawa dahil tapos na at nangyari na.

Pero dahil nilabag nanaman daw namin ang rule na bawal umalis ng Academy, pinarusahan kami. At ito na yon, magtatrabaho kami ng isang buong lingo, without pay!

"KYAAAAAAAAAHH! Em so tired! Huhu" sabi ni Lay sabay higa sa damuhan
"Ang sakit nga sa binti, maghapon tayong nakatayo"-west na nakahiga rin sa damuhan

Actually lahat kami nakahiga sa damuhan, sa ilalim ng puno. Tanghaling tapat na at kakatapos lang ng shift namin sa Café, nakakain na rin kami ng lunch. Mamaya after class na ulit ang balik namin doon. Yes guys, papasok parin kami kahit na nagtatrabaho kami. Dukhang working Student ang peg namin. Tapos sandamakmak pa ang kumakain sa café, yung iba pa kung umorder paisaisa kaya pabalik balik kami sa table nila. May nagpapapicture pa! Hindi naman namin matanggihan kasi nagagalit yung manager, pagbigyan daw ang costumer at baka umalis.

Three days na kami ganito. Could you imagine that? Ang isang dyosang gaya ko, pinahihirapan nila magtrabaho? Ajuju

"Uhmm excuse me po?" Tawag pansin ng isang babaeng student sa amin

"You're excused! / Dumaan ka! / Walang yelo! / Shut up! / Tss! " sabay sabay na sabi namin

See? Parepareho kaming pagod at nagsusungit, daig pa ang menopause na babae.

"Uhh kasi kanina pa po kayo pinapatawag sa Head master's office, may emergency daw na nangyari po"

Emergency?

"What?! Bakit di mo agad sinabi?"-aeon

Tamo si Aeon. Nagalit pa eh sya nga tong ayaw pansonin yung sinasabi nung lalaki. Haha buhay nga naman, parang life.

Kaagad kaming tumakbo papauntang office, emergency daw eh.

"What took you so long? Alam nyo ba ang ibig sabihin ng emergency?" Bungad sa amin ni Papa
"Emergency is an unexpected happening"

Facing Darkness | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now