Darkness Twelve: Barrier

32.8K 1.3K 303
                                    

Dedicated to AcinajNica

Yung picture sa multimedia, bigay ng isang reader. Sila yung characters na nasa unang book cover ko. Cute, right? ツ Galing sila sa Hyouka Anime Hihi Gusto ko sanang sila nalang ang characters ko, kaya lang kulang ng isang lalaki at hindi sakto sa description ko. Kayo nalang bahala kung mas gusto nyo sila, at kung like nyo sila eh sino kila Night, Aeon at West ang mawawala =]

- - - - - -

Harrix Aeon's POV

Alam nyo yung boring? Ito yun eh, itong ito.

Nakasakay na ako ngayon sa chariot at kasalukuyang naglalakbay papunta sa Lavender Island, sa bahay ni Evergreen. Magisa lang ako dahil yun ang utos ng Hari, sana manlang hinayaan nyang isama ko si Night, nakakaburyo kaya magisa. Kahit naman madalas ay nice talking si Night, at least may sasagot sayo diba? Eh ngayong magisa ako, promise tatakbo talaga ako kapag may sumagot sa monologue ko, kahit pa nasa himpapawid ako.

*Yawn*

Nakakaantok tuloy. Pagtingin ko sa bintana ay tirik na tirik ang araw, malamang ay tanghali na. Ano na kayang ginagawa nila? Simula kasi ng umalis sila sa Headmaster's office ay di ko na sila nakita, malay ko kung saan na nagsuot yung mga yun. Di manlang ako hinintay. Tss.

Evergreen, King Leonel, Kariza. Silang tatlo ang may gawa ng malakas na Barrier sa Edulas. Sabi ng Hari, si Evergreen ang kausapin at tanungin ko dahil sya daw ang mas madaling mahagilap.

Evergreen. Sya ang pinakamalakas na Witch sa buong Sky, matanda na sya pero mukha paring bata dahil na rin sa lakas ng kapangyarihan nya. Immortal? Nah. Sadyang malakas lang sya. Maybe because of her witchcrafts. Yearly ko syang nakikita tuwing dumadalo sya sa Anual celebration ng pagkapanalo ng Sky sa nakaraang digmaan, iyon din kasi ang Death Anniversary ng Specials, ang mga tagapagligtas ng Sky. Sa pagkakaalam ko rin apo nya ang isa sa Specials, si Charm Scarlet yata? Magaling din syang witch.

Then King Leonel, the King of Edulas. Madalas ko syang makita dahil na rin isinasama ako ng Hari sa mga meetings kasama sya. Sa totoo lang ay nakakatakot ang presensya nya, he's like a dictator. Pero mabait naman daw sya at maaasahan, tinulungan nya rin ang Sky sa nakaraang digmaan. Sa pagkakaalam ko rin ay kasama ang anak nya sa mga namatay sa digmaan, which is ang dapat na successor nya, good thing may isa pa syang anak na lalaki.

And lastly, Kariza. Ang diwatang naninirahan sa Enchanted Forest, hindi ko sya madalas makita dahil lumalabas lang sya sa Forest kapag may ibinabalitang Prophecy. She's powerful and kind, really kind. Pero ayaw ko sa kanya, hindi ko alam kung bakit pero mabigat ang loob ko sa kanya. Maybe because she's my Dad's ex-love. Tss

*YAWN*
Napatingin nanaman ako sa bintana. Kung kausapin ko kaya itong salamin ng bintana? Tapos tanungin ko, Mirror mirror on the window, who's the craziest of them all? Sasagot kaya ito?

Shit. Pag talaga dito may lumabas na mukha at sumagot, takbuhan na!

After decades~

"Nandito na po tayo, Prince Aeon"

Nang marinig ko iyon ay kaagad akong nabuhayan at lumabas na ng carriage. Pagkalabas ko ay bumungad sa akin ang maraming puno at halaman, may nakita rin akong maliit na lawa at isang bahay sa di kalayuan. Iyon na siguro ang bahay ni Evergreen.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon