Darkness Eighteen: A Heart's Desire

27.4K 1.1K 234
                                    

Elaysha Yula’s POV

Nang sandaling mateleport na kami sa loob ng gubat ay kaagad akong naging alerto, hindi ko maaaring ibaba ang depensa ko sa mga ganitong pagkakataon. Gamit ko ngayon ang lahat ng senses ko, which is sobrang talas dahil sa pagiging Hybrid ko. Adjusted ang mata ko kaya kahit madilim ay malinaw ang paligid, maging ang pandinig ko ay napakalakas na kahit ang mahinang pagsipol ng hangin ay rinig ko. Laking tulong talaga nitong powers ko. Ang hindi lang naman maganda dito ay yung pagkauhaw ko sa dugo every midnight, good thing binibigyan nila ako ng stock ng animal blood sa ref ko.

Ilang oras na rin akong naglalakad at feeling ko ay wala akong nararating, paulit ulit lang na mga puno ang nakikita ko. Malamang Lay, gubat nga diba? Taka ka kung may building jan. Lels. Kinakausap ko na tuloy ang sarili ko. But seriously, para talagang nagpapaikot ikot lang ako.

I summoned my laser gun through my watch. I forgot to tell na binigyan na rin nila kami ni Summer ng Z watch na to para hindi hassle sa pagdadala ng weapons. Pinaputukan ko yung isang puno bilang marka, gusto ko lang makasiguro na hindi ako paulit ulit na nagpupunta rito.

After some minutes …

"Shit" I mumbled

Tama nga ang hinala ko. Nagpapaikot ikot lang ako rito.

"Anyare?"

Naupo ako sa mismong puno na nabali dahil sa baril ko kanina at nagpangalumbaba.

Naliligaw kaya ako? Impossible. Diretso lang naman ang lakad ko at ni hindi ako lumiko kahit isa. How is that possible? Di kaya nanuno ako?

Sa Enchanted Forest, may nuno? Ano ba tpng iniisip ko.

"Ahihihi"

Luh? Ano yun?

"Ahihihihi"

Napatayo ako at itinutok ang baril ko sa iba ibang direksyon. Sino ba yun? Tunog bata, pero paano namang magkakaraon ng bata dito? Tyanak? Sige Lay, sa Enchanted Forest may tyanak.

"Sino yan?"

Naging mas alerto ako ng may marinig akong tunog ng nabaling mga sanga sa likod ko, tapos sa kaliwa, meron sa kanan, pati sa harap. Sheeeeet! Ang dami naman yata?

"Ahihihihi" ayan nanaman yung tawa, nakakaloka ah!

"Wag kang duwag, magpakita ka!" Asar na sigaw ko

"Nandito ako"

Kaagad kong pinaputukan yung nasa likod ko pero nakaiwas din sya.

"Oy oy, Lay! Kalma, ako to!"
"West?"
"Ako nga, ako si West" lumapit sya sa akin kaya mas naaninag ko na ang mukha nya, si West nga
"Akala ko naman kung sino, tinakot mo ako!" Sinapak ko sya ng mahina sa braso
"Ahahahaha"
"Tara na nga!"

Buti nalang si West ang nakita ko, akala ko talaga may makakaharap na akong monster dito.

"Sige, tara na" akangiting sabi nya

Bigla akong kinilabutan ng ginawa nya yun. Goosebumps? Palangiti naman si West kaya hindi na dapat ako manibago pero … parang may iba? Ewan.

—————

West’s POV

"Hoy Summer, alam mo ba talaga kung saan tayo pupunta?" Tanong ko dito sa katabi ko. Kanina pa kasi kami naglalakad pero parang wala naman kaming nararating.
"Oo, sigurado ako" sabay ngiti nya

Facing Darkness | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now