Darkness Nineteen: Think I lose

27.6K 1.2K 154
                                    

Summer Diarhney's POV

"Good luck" napapitlag pa ako ng may pumisil ng mahina sa kanang kamay ko ... pagtingin ko, yung kamay ko pala hawak ng kamay ni Night. Tiningnan ko sya at nakangiti sya sa akin, half smile lang. Pero wagas, laglag puso ko. Swear!
"S-salamat. Good luck din" ngumiti rin ako bilang tugon
"Good luck talaga sa akin. Si Aeon eh"
"Nako kayang kaya mo yun. Ikaw pa?"

Napatawa sya ng mahina sa sinabi ko. Alam ko namang malakas si Aeon, ramdam ko yun sa tuwing nasa training kami. May kakaibang tindig kasi si Aeon na kapag lumalaban sya at seryoso ay maiintimidate ka talaga, yung mga galawang mapapasabi ka na Prinsipe talaga sya. Pero si Night naman, tingnan ka palang ng seryoso matatakot ka na. May maitim kasi syang aura kapag lumalaban kaaya talagang mapapaatras ka. Haay ewan. Para tuloy mas gusto ko nalang manood ng laban nila kaysa lumaban. Haha

"Ikaw rin, galingan mo. At magiingat ka, mapanganib syang kalaban." Sinabayan ng announcement na pumunta na sa mga ring kaya hindi ko na narinig yung huli nya sinabi

"Sige, gagalingan ko!" Tumakbo na ako palapit sa itim na ring

Itim talaga? Lakas maka horror. Pagakyat ko doon ay nakatayo na sa gitna si Chad, yung kalaban ko.

"Hi" ngumiti sya sa akin na sinuklian ko rin "I'm Chad Walter, from section Hades. Nice meeting you" at ngumiti nanaman sya

"Uhh Summer Sylvan, from section Chaos. Nice ... meeting you?" Awkward naman nito. Dapat ba talagang magpakilala kapag maglalaban? Whatever, ganun din siguro yun.

Tiningnan ko syang mabuti. Well, he seems nice pero may iba parin akong feeling, mukha syang harmless pero mapanganib. Harmless na mapanganib? Ang contrast yata ng sinabi ko. Pero ganon eh, di ko maexplain yung kakaibang pakiramdam ko sa kanya. Ano kayang powers nya? Sana naman kaya ko.

Nang iannounce na magumpisa na ay dumoble yung kaba ko. Lord, unang laban ko to, sana naman swertihin ako.

Nagulat ako ng ilahad nya ang kamay nya at nagumpisang may magform na itim na usok doon, ilang sandali lang ay napapalibutan na sya non. Anong powers nya? Dark energy? Shadow?

"Gusto kong makita ang buong kapangyarihan mo, Summer. Kailangan kong makasiguro na kaya mo nga silang pigilan"

Pabulong nya lang na sinabi yung bandang huli kaya hindi ko naintindihan, binalewala ko nalang yun dahil naghahanda na syang sumugod.

"Sin of Gluttony I summon you! Leone!" Pagka tawag ko sa kanya ay ramdam ko agad ang lakas na dumaloy sa buong katawan ko, I felt all my muscles hardened. Nagbago ang anyo ng kamay ko na naging kapareho ng sa lion, pero may limang daliri parin ako, nagkaroon din ako ng buntot at ears ng lion.

"Woah, Master. Let's get it on!" tuwang tuwa na sabi ni Leone
"Sin of Gluttony?"-chad

I saw his both fist coated with dark shadows habang tumatakbo sya pasugod kaya sinalubong ko na rin sya at inamba ang kamao ko. So, mano manong laban talaga?

Our fist collided and from that, the battle has begun.

Elaysha Yula's POV

Spell malas? E-L-A-Y-S-H-A, ang dali noh? Kasing dali ng pakikipagtitigan ko sa talanding hipon na to. Grrrr! Konti nalang talaga kakagatin ko na tong babae na to, hindi para inumin ang dugo nya, duhh! Mahawa pa ako sa kalandian nya, kahit mamatay ako sa gutom hindi ako iinom ng dugo na naggaling sa kanya. Kakagatin ko sya ng matauhan! Hindi yung ganyan na mukha syang nilamon ng sistema.

Facing Darkness | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon