Darkness Twenty Three: If You Can

28K 1.1K 578
                                    

Dedicated sa grade 8 Darwin na pinagbawalang mag wattpad pero patuloy paring nagbabasa. Haha wag masyadong pasaway guys, pag bawal bawal. Lels. (Kahit miski ako hindi susunod kapag pinagbawalan.)

~•~×~•~×~•~×~•~×~•~


Author's POV

Magkakasama ang anim na nakaupo sa mapunong parte ng kakahuyan. Nakatanaw sa daang tinahak ng kanilang mga kalaban, ang gawi kung saan nagsara ang lagusan. Ang lugar kung saan nila huling nakita si Frost.

"Pupunta ako sa Underworld" biglang sabi ni Flame sabay tayo
"Ano? Mapanganib doon, hindi ka pwedeng umalis magisa. Sasama ako" may pagaalalang sabi ni Summer

Sa isip nya'y hindi naman nya mapipigilan si Flame kaya bakit hindi nalang nya samahan.

"Then, let's go"-aeon
"Where are we going?"-lay
"To the Underworld"-west

Naglakad ang anim sa kabilang direksyon, ang daang tinatahak nila ay ang daan papunta sa Underworld. Papunta kay Frost.

Sa sobrang pagiisip kung ano ang dapat gawin para mailigtas mula sa mga kalaban si Frost ay hindi na nila napansin ang tahimik na usapan ng dalawang kasamahan sa gawing likuran.

"I know what you're doing" sabi ng isa
"What are you saying?" Sagot ng isa na may masamang tingin

"You are the reason behind the lost students and the information leakage at the Technology Department, admit it, you traitor!" bakas ang galit sa boses ng nagsalita ngunit nanatili parin ito sa blangkong ekspresyon. Samantalang ang kausap naman ay binigyan lang rin sya ng blangkong tingin, tila ba walang pakialam

"Matagal mo ng alam, hindi ba? But you never say a thing, why?"

Hindi nakasagot ang kausap sa tanong ng isa. Sa isip nito'y hindi nya pa masasabi dahil ayaw nyang masaktan sya.

"I won't tell them, not now … but when the time comes, I know you'll regret what you're doing. Specially to Summer, she trusts you so much" huli nitong sinabi bago binilisan ang paglalakad

Si Summer, alam nyang sa kanilang lahat … si Summer ang pinaka maaapektuhan paglabas ng katotohanan. Si Summer ang higit na masasaktan dahil sa laki ng tiwalang ibinigay nito sa traydor na kaibigan. Si Summer.


~•~×~•~×~•~×~•~×~•~

Summer Diarnhey’s POV

"Uyy Lay! Anyare? Ang bagal mo maglakad!" Tawag ko, nahuhuli na kasi sya. Si Flame pa naman, ang bilis maglakad, palibhasa ang hahaba ng binti. Baka maiwan sya jan, mahina pa naman sya sa direksyon.

"Heto na" tumakbo sya at tinabihan ako maglakad

Matapos ang ilang oras ng paglalakad biglang nalang tumigil si Flame.

"Malapit ng magdilim, sa tingin ko dapat na muna tayong huminto para ngayong gabi"-flame
"So … camping tayo?"-lay

Automatic akong napatingala at nakita ang mamula mulang langit, papalubog na nga ang araw. Lumalamig na rin ang hangin at mas lalo pang dumidilim itong madilim ng gubat. Napakalalaki kasi ng mga puno dito at ang yayabong pa, halos matakpan na nito ang langit.

"Malayo pa ba tayo?"

Sa pagkakatanda ko kasi magaalas dos kami umalis sa Sky kingdom, halos kalahating araw na kaming naglakad pero wala parin akong ibang nakikita maliban sa mga puno.

Facing Darkness | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now