Darkness Thirteen: In between Life and Death

31.6K 1.2K 97
                                    


Ang mas pinabatang version ni Headmaster Dylan sa multimedia, ang gwapo nya *Q* MyGash! Mikorin my labs~ I-imagine nyo nalang yung 40 year-old version nya. Magkamukha sila ni Summer!! ♡ω♡

One more thing guys, yung part 1 to 6 ay nagyari lahat sa loob ng isang araw, pati yung part 10 to 12 ay isang araw lang din. Yung part 7 to 9 ang ang naiba.


~•~×~•~×~•~×~•~×~•~


"Summer? Summer gising!"

Dahan dahan akong nagmulat ng mata ng maramdaman ko ang marahang pagtapik sa aking pisngi.

"West?"

Medyo nagulat pa ako ng bumalandra sa akin ang pagmumukha ni West, mukha syang sobrang nagaalala sa mukha nya.

"Summer? Anong nararamdaman mo? Ayos ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Ano? Magsalita ka, uy!" Hysteric na sabi nya
"Sandali lang! Kalma, okay? Ayos lang ako. Medyo, masakit lang yung leeg ko" sagot ko na iniistretch pa yung leeg, nang himasin ko naman yun ay may nahawakan akong parang malagkit na natuyo sa balat ko

Ano ba ito? Minasahe ko pa iyon kasi pakiramdam ko ay ngalay ang leeg ko, maayos naman ang pagkakahiga ko sa kama. Wait, kama? Paano pala ako nakarating dito sa kwarto ko? At isa pa, ano ba itong nahahawakan jo sa leeg ko?

"Ano ba ito?" Kinuha ko yung maliit na salamin na nakapatong sa side table ko at tiningnan ang leeg ko

Nanlalaki naman ang mata ko ng marealize ko kung ano yun. Natuyong dugo.

Tsaka ko lang naalala yung mga nangyari kanina, or should I say kahapon? Nakita ko kasi na may araw na sa labas ng bintana, umaga na yata. Sa Lay nga pala ... si Lay!!

"West! Nasaan si Lay?" Kaagad kong baling sa kanya

Tiningnan muna ako ni West at parang nagdadalawang isip pa kung sasagot o ano.
"Nandun sya sa kwarto nya kasama si Night at Aeon"
"Ano na bang lagay nya? Naging bampira sya?"
"Uhh ano maligo ka na muna at magayos, then puntahan natin sya" alangan pang utos nito

Hindi na ako nagsalita pa at ginawa nalang ang sinabi nya, sya naman ay naghintay sa may living room.

Habang naliligo ay naiisip ko parin yung mga nangyari, para kasing masyadong biglaan. Sa loob ng maikling panahon ng pananatili ko dito ay ang dami na agad nangyari. Yung pagpunta ko dito sa Magic World, ang pagkikita namin ng long lost Daddy ko, yung pagkakaroon ko ng malakas na kapangyarihan, pagiging Wolf ni Lay at ngayon ay Vampire naman. And note to myself, kinagat nya pa ako!

Pagkalabas ko ay nakita ko agad si West at tinungo na namin ang  dorm daw ni Lay na nandito lang pala sa katabi kong dorm.

Pagkapasok namin ay umalingawngaw agad ang malakas na sigaw ni Lay na nanggagaling sa kwarto nya. Nakita ko na nakaupo sila Night sa sofa dito sa living room.

"A-anong nagyayari kay Lay? Bakit ganon yung sigaw nya?"

Pansin ko kasi na parang hirap na hirap yung boses nya at nakakatakot.

"She's changing. Nakainom na sya ng dugo ng tao kaya nagiging bampira na rin sya, pero dahil may dugo na nang pagiging Wolf sa sistema nya, nahihirapan sya. Kailangang may mag dominate na dugo sa kanya"-night
"At alin naman ang mag dodominate?"
"Depende, kung alin ang mas malakas na dugo"-night
"Kaya nga nagkakaganyan sya, kasi nagtatalo na yung dalawang dugo sabloob nya. That's quite tough"-aeon

Facing Darkness | PUBLISHEDWhere stories live. Discover now