HVB 19: FIVE Reasons

Start from the beginning
                                    

"Pakilala na lang kita sa kaibigan ko." Naisip kong bigla si Hawk. Kahit medyo galit ako doon, siguro bagay silang dalawa ni Khristel. "Gwapo yun."

"Mas gwapo ito! Aye!" Nagjog-in place ito. "Alis na us! Bye!"

Nawala na ito sa harapan ko pero tumatak pa rin sa utak ko ang mga pinagsasasabi ni Khristel.

Kailangan ko bang paringgan yung side niya?

Hindi siguro...

-----

<Edrick's POV>

"Kakatext lang ni Khristel na sa bahay niya si Colyn." Napatingin ako kay Polly. Tinaas-taas pa nito ang kilay. "Magisa.."

Pumito naman si Terrence na nakahawak sa bewang ni Polly. Agad akong lumapit sa kanila at tinanggal yung kamay ni Terrence sa bewang ng kapatid ko. Tatawa-tawa lang ito.

"Bakit kailangan may hawak pa sa bewang?" Tanong ko dito.

"Sorry, Kuya." Sabi ni Terrence tapos nagPeace-sign.

"Kuyahin ko iyang mukha mo." Ngumiti lang si Terrence sa akin bago ako tumingin kay Polly. "Effective ba itong gagawin natin?"

"Malambot puso nun. Kantahan mo lang iyon!" Paniguradong sabi ni Polly. "Halika na."

Mayamaya, nasa harapan na kami ng bahay ni Khristel ng mga ala-una ng hapon. Makulimlim, tamang-tama.

Tumingin ako sa likod. Nakita kong nakathumbs-up si Polly at Terrence nasa taas naman ng kotse namin yung malaking Speaker.

... at hawak ko yung Mic.

Kailangan ba ganito sumuyo ng babae? Kahit kailan hindi ko sinuyo si Lime ng ganito. Argh. Enough with Lime.

"Ehem.." NagDoorBell ako. Ilang sandali lang lumabas ng pinto si Colyn. Mukhang nagulat ito saka namewang.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sorry na, Colyn." Sabi ko.

Tinalikuran ako nito at pumasok ng bahay. Nilingon ko sila Polly. Sumenyas ito na kumanta na ako. Nagkamot ako. Hindi ko alam kung bakit ako nagpatulong sa kanila. At bakit ganito ang pinagagagawa nila sa akin.

Mayamaya naramdaman kong tumugtog na ang kantang "Binibini."

Alanganin akong napangiti at tumingin sa pinto. Para kay Colyn.

"Go Kuya!" Sigaw ni Polly at Terrence.

Pwedeng ipa-remind niyo sa akin na suntukin si Terrence mamaya, salamat ah.

Her Virgin BrotherWhere stories live. Discover now