HVB 2: The Stripper

80.8K 991 74
                                    

HVB2: The Stripper

<Colyn's POV>

Hellooo! Natutuwa ba kayo sa akin? O sa pinagagagawa ko kayo natutuwa? Ganon talaga! PagMahal mo! Go! Alam niyo kasi 50-50 yan eh. Masasaktan ka o Magiging masaya ka sa taong gusto mong mahalin. Eh, kung masaktan? So what? eh di MOVE ON. Eh what if diba kung mahal ka din pala? Nagpapakiputan lang pala kayong dalawa, ganyan ang nangyayari sa amin ngayon ni Kuya Edrik kong mahal.

Nagpapakipot lang iyon. Pero alam ko mahal niya talaga ako. Paano ko nalaman? Dahil nasesense ko na mamahalin at mamahalin niya rin ako.

Tss.. Kaya nga naniniwala ako sa katagang 'Girls courting Boys'. I Agree!

If the guy is really worth it. Why not? Liligawan ko siya.

Huminga ako ng malalim, at tiningnan ang papel na hawak ko. Yeah. Nakalagay doon ang address kung saan ang susunod na next stop ko para makuha siya.

Kung una sa ELEVATOR.

Ngayon sa BACHELOR's PARTY.


Paano ko nalaman na may Bachelor's Party na aattendan si Kuya Edrik kong mahal?

Eh, di sa Ever Reliable source niyang kapatid na si POLLY!

BWAHAHA! BLACKMAIL is the perfect advantage.

BWAHAHAHAHA! Magagamit ko din pala ang mga nalaman kong lihim. Buti na lang uh-huh.

Teka, gusto niyo din ba malaman kung bakit ako ang nandito?

Yay! I'm the STRIPPER!

Ako yung sasayaw sayaw at gigiling-giling sa gitna ng mesa kapag may Bachelors Party!

Kaya ang Formula:

Me (as the Stripper) + Bachelor's Party = KUYA EDRIK

Oh diba? Di mo naisip yon? Well, paano naman ako nakapasok bilang stripper.

Well, nakipagkaibigan ako sa isa nilang kaibigan na si Hawk. Diba? Pangalan pa lang parang mangangalmot na?

At iyon nga. Nakwento niya sa akin na naghahanap sila ng Stripper! Then nagprisinta ako. Aba, pagkakataon!

At iyon na nga ang kwento ng aking pakikipagsapalaran para makuha ang puso ni Kuya Edrik. O, kaya niyo yon?

Inilibot ko yung Tingin ko sa Hotel. Maganda. Maganda. Pang-Sosyal.

Napagpasyahan ko munang pumunta don sa may.. Ano bang tawag don? Sa may bilihan ng coffee na di na kailangan ng Tindera?

Ah, basta pumunta ako don. Gusto ko ng kape. Kahit di ako masyado mahilig para- sosyal akong tingnan.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon