HVB 10

51.9K 862 50
                                    

Ingat sa Habagat at Bagyo guys. Sana tumigil na ung ulan. Grabee lang. :(

******

HVB: 10

<Colyn's POV>

"Wow. Ang ganda ng condo mo."

Nilock nito yung pintuan at saka binaba ang bag ko. Nakatayo lang ako sa salas niya.

Lahat ng madaanan ng paningin ko, nagpapatunay na nagiisa lang siya sa Condo niyang iyon.

Black and White ang theme ng condo niya. Paano kaya siya nagkaroon ng ganitong Condo kung student pa lang siya?

Napangiti ako. Magkasama na kami sa isang bubong.. Para na kaming pamilya kung titingnan. Isa-isa ng mabubuo yung pangarap ko sa buhay.

"Hey."

Napatingin ako dito. Nasa may Bar ito at naglagay ng water sa baso bago uminom.

"Yun yung CR." Tinuro niya yung nasa kanan niya. "Kwarto. Katabi ng CR. May CR din sa loob ng kwarto. Yung isa don, Library ko. At yung isang pinto doon, wag mong buksan."

"Eh, nasaan iyong kwarto ko?"

"Sa kwarto ko."

Mas lumaki pa yung ngumiti ko at lumapit sa kanya.

"Magkasama tayo sa iisang kwarto? Ang saya-saya naman, Kuya Edrick. Ikaw, Ako, tayong dalawa, plus the baby.. Ang s---"

"Sa sahig ako matutulog sa kama ka." Blank Stare. Tumingin ito sa akin bago tumayo. Tiningnan ko ang bawat kilos nito. Binuhat nito yung bagahe ko saka binuksan yung pinto ng kwarto, niya.. namin.

"Pagkatapos ko magbihis, magbihis ka na din."

"Diba pwedeng sabay na tayo magbihis?"

"Stop teasing. Walang magagawa iyan." Then padabog na sinarado nito yung pintuan.

Hinipo ko yung tiyan ko. Sana di mamana ni Baby yung kasungitan ng Papa niya.

"Pasensya ka na, Anak ha? Medyo.. hindi pa tanggap ni Daddy na nasa buhay niya na tayo.. Basta papangako ni Mommy na di kita iiwan okay?"

Kahit hindi pa naiintindihan ni Baby yung sinasabi ko. Kahit wala pang paa, puso, kamay, yung Baby ko. Kakausapin ko talaga siya.. siya lang kasi ang mayroon ako.

*****

"Paabot ng Tapsi. Kuya,"

Nag-aagahan na kami ng araw na iyon. Naka uniform na kaming dalawa. Pumapasok pa ako sa ngayon. Hindi pa kasi alam sa school na buntis ako. Siguro sa Senior Year ko na sasabihin para hindi na magulat yung mga chismosa kung kaklase at kaschoolmate.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon