HVB 14:

55.2K 880 127
                                    

Thank you SassyNinnie.. Paulit0ulit mo kasing binabasa ang TVW at HVB kahit madaming Flaws ang kwento kaya ito :'> Para sayo :)

To EVERYONE: Merry Christmas! Second Time kong MagChristmas gamit ang Wattpad :) Hehehehe!

---------------------

HVB 14

HVB 14

Nakakapanibago ang lahat. Unti-unti kong nakikita na nagbabago si Edrick pero wala pa rin siyang sinasabi kung gusto na niya ako o anuman. Mas gusto kong ienjoy kung ano man ang meron kami.

Masarap sa feeling na inaalagaan niya ako, hindi dahil gusto ko o sinabi ko. Ginagawa niya kasi gusto niya. Hinahayaan ko lang naman siya kasi gusto ko rin naman yung pakiramdam na inaalagaan ako.

Ganito pala yung feeling ng inaalagaan ka. Ang tagal ko na kasing namuhay magisa. Nakalimutan kong masarap pala iyong ganito.

"Edrick." Tawag ko dito. Nasa loob siya ng CR at inaasikaso ko naman yung damit niyang susuutin. Ang galing diba? Hinahayaan niya akong gawin ito. Hindi ito normal sa kanya.

"Oh?"

"Aalis sana ako mamaya, pagkatapos ng klase."

"Saan ka pupunta?"

Napangiti ako. Another sweet gesture..

Umupo ako sa edge ng kama. "Niyaya kasi ako ni Ritz na mamili ng mga Maternity Dress at mga gamit ng bata." Nagkamot ako. "Alam ko medyo maaga pa, pero nagpumilit siya kasi regalo niya sa akin iyon bago siya pumunta ng Russia para sa-----"

Napatigil ako sa Pintuan ng CR, nang pabalibag itong bumukas. Halos napanganga ako ng makita ko siya sa ganitong ayos.

TopLess. Nakatapi ng tuwalya ang pangibaba. Nakatingin ito sa akin. Habang basa ang buhok. Nakasandal yung isang kamay niya sa kabilang gilid ng pinto.

"Who?"

"A-ahm.." Napalunok ako. Nakatingin ako sa basang dibdib niya. "A-ano.." Nadidistract ako. Di ito ko kaya. "S-si.. A-ano."

"Sinong kasama mo?" Lumabas na ito at dumaan sa harapan ko. And swear, gusto kong himatayin.. Naghalo yung amoy ng shampoo at aftershave. Aaaah.. Heaven.. Napapikit pa ako habang unti-unti siyang inaamoy. Ambango.

"Anong ginagawa mo?"

Napadilat ako sa sinabi nito. Nakatingin ito sa akin at takang-taka. Nakakahiya. Pinagnanasahan ko sa harapan ko si Edrick.

"Ahmm.." Lumayo ako at ngumiti ulit. "Ang bango mo."

 At halos gusto kong tumakbo papunta sa kanya ng ngumiti siya sa akin sabay umiling.

"Magpaalam ka naman kung gusto mo akong amuyin."

Inikot ko yung mata ko. Infairness, alam niya yung nasa utak ko. Humarap ito sa akin at namewang kaya mas lalong nafocus yung utak ko sa Broad Shoulders niya.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon