HVB 19: FIVE Reasons

63.8K 1K 181
                                    

This will be the 2nd to the last CHAPTER of HVB :( Nakakalungkot. Pero kailangan ko na i-let-go ang couple na ito :( Ang sakit pala nun? Pag napamahal na sa iyo ung Story. :)

HAPPY NEW YEAR! Sinong naputukan? Sana wala!

------------------

HVB 19: 5 Reasons

<Colyn's POV>

Magkasuyo buong gabi
Masaya't magkatabi
Magkayakap sa buong magdamag

Napalingon ako kay Khristel na mukhang tanga habang sinasayawan ang Poster ng paborito niyang banda. Diring-diri ako sa kanya kasi puro siya kendeng na hindi mo malaman kung may pinagkaiba ba sa Macho Dancer at Baliw.

"Tigilan mo nga iyan, Khristel."

"Huwag ka maingay.." Nakapikit pa ito habang nagwawal-ling. "Morning Ritual ko ito. Lalalala.." Pabaling-baling pa ang ulo nito. At totoo, nakakahiya siyang tingnan.

Pinuntahan ko yung Amplifier niya saka ko tinanggal sa saksakan. Napahinto naman agad ito saka matalim na tumingin sa akin.

"That's my morning ritual!"

"You look stupid." Umupo ako sa kama nito. "At kahit kailan, hindi maiinlove sayo yang lalaki sa Poster."

"Hindi mo alam ang salitang HOPE!"

"Sigarilyo ba yun?!" Lalong nalukot ang mga kilay niya. Binuksan nito ulit yung Amplifier at sumayaw ulit sa saliw na tugtuging, Magkasuyo buong gabi. "At saka, ang dami mo ng nagawa para sa kanya. Sinubukan mo na siyang gayumahin, painlove-in, and worst kidnappin tapos anong nangyari wala?! Isang lumalagapak na Wala."

Bigla nitong pinatay yung sounds tsaka galit na pumunta sa akin at namewang.

"That's Hope! Hindi biro mainlove sa taong hindi ka naman kilala at hindi nageexist! Katulad ng mga Pilipina sa mga Koreanong hindi naman sila magkaintindihan. Alam mo kung bakit, kasi may mga kaunting pagasa sa amin na pwede kaming magkakilala at maging mala-cinderella ang buhay namin."

"Huwag kang mamuhay sa mundong akala mo ay Fairytale, kasi kabaligtaran noon ang nangyayari sa totoong buhay."

"Tss. Ganyan ba talaga nagagawa ng mga BrokenHearted?" Napahinto ako. "Huwag kang mangielam ng Trip. Kung may problema kayo ni Edrick, huwag niyo akong idamay sa away niyo."

Umalis sa harapan ko si Khristel. Doon ko lang napagtantong naibubuntong ko sa ibang bagay ang galit ko kay Edrick. Katulad sa Gobyerno, Teleserye, Damit at ngayon sa paghumaling ni Khristel sa Lead Singer ng Bandang ">soundcheck!"

Pagkatapos ng panunumbat ko kay Edrick, hindi niya na ako sinuyo, pinatunayan niya ulit sa akin na wala lang talaga ako sa kanya.

Tss.. Dapat talaga kinakalimutan ko na yung lalaking yun katulad ng pagkalimot ni Polly sa walang kwentang lalaking iyon.

Sinundan ko ng Tingin si Khristel. Natawa naman ako sa itsura niya. Hindi niya talaga tinigilan ang "Morning Ritual" niya. Hindi talaga siya huminto. Nakaheadset ito habang naglilip sing sa kanta.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon