HVB 11: *Pagkain*

53.1K 838 52
                                    

HVB 11

TikTock. TikTock.

10pm.

Huminga ako ng malalim. Saka tiningnan yung hapagkainan kung saan nakalagay yung mga niluto ko para kay Edrick.

"Nasaan na kaya siya?"

Halos magiisang-linggo na akong nandito sa Condo niya. Hindi ko nga alam kung paano ako nakatagal ng hindi ako masyadong pinapansin ni Edrick. Ganoon pa din siya. Ang lamig pa rin ng pakikitungo niya sa akin.

Lagi ko siyang hinihintay tuwing uuwi siya. Para naman masabi niyang nagaalala ako para sa kanya. Na may sasalubong sa kanya tuwing gabi.. Na may pagkain siyang makikita sa lamesa kapag nagugutom siya.

Biglang tumunog yung tiyan ko. Nagugutom na ako. Pero kailangan ko talagang siya hintayin para sabay kaming kakain! Ang sweet nun diba?

Pagod na pagod ka tapos may naghihintay para sayo. Hahainan ka, Tatanggalin yung pagod mo.

Biglang nawala ang malalim kong pagiisip ng may narinig akong nagbubukas ng ceradura ng pinto.

Si Edrick..

Binubuksan nito ang pintuan. Agad akong tumayo at naglakad sa pintuan para pagbuksan siya.

Agad na bumungad yung nagtatakang mukha ni Edrick.

"Bakit gising ka pa?"

Agad itong pumasok at dinaanan ako. Nilock ko naman ang pintuan at saka lumapit sa kanya.

"Hinihintay kasi kita." Nakangiti na sabi ko sa kanya.

"Dapat hindi mo na ako hinintay. Diba, sinabi ko na sayong gagabihin ako?"

Umupo ito sa Sofa upang magtanggal ng sapatos. Umupo din ako saka ngumiti.

"Kumain ka na, Edrick?"

"Tapos na."

Biglang nawala yung ngiti sa mga labi ko. Tyaka ko tiningnan yung Table na may nakatakip na niluto ko.

"Hindi ka ba nagugutom ulit?"

"Busog pa ako." Nakatingalang tiningnan ko ito ng tumayo siya upang ayusin yung gamit niya. "Matatulog na---"

Napahinto ito sa sasabihin ng bigla siyang may narinig na tunog.

"Ano iyon?"

"A-aah.." Nagkamot ako. Napapahiya ako sa kanya. Tiyan ko kasi yung tumunog. Hinihintay ko talaga kasi siyang dumating para magkasabay kami kumain. "W-wala iyon! Ha! Ha!"

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon