HVB 16: DEAD

54.2K 868 70
                                    

Hello Guys!

HVB 16: DEAD

<Colyn's POV>

"Edrick koooo!"

Yumakap ako sa likuran niya habang naghuhugas siya ng pinggan. Wala lang gusto ko lang siyang yakapin.

Simula nung malaman kong nagkakagusto na siya sa akin. Gusto kong lagi ko siyang nilalambing, kahit naiirita na siya. Pero sa huli, pagnapagod na ako tapos uupo ako sa iisang tabi siya naman yung parang lintang ayaw umalis sa tabi ko.

Masaya ako. Nagkaaminan na eh! Kayang-kaya ko pang maghintay. Malapit na.. Nararamdaman kong malapit ko ng makuha yung mailap na puso ni Edrick.

Lalo pa akong yumakap sa kanya. Yung madiin. Yung mapipipi siya sa pagmamahal ko. Naks! Ang sweet ko.

"Ano ba, Colyn. Umalis ka nga sa likod ko. Di ako makakapaghugas mabuti."

Tingnan mo? Pakipot pa eh! Kung talagang gusto niya akong paalisin eh di sana tinatanggal niya yung kamay ko. Sus!

"Pakipot ka pa eh!" Inangat ko ng kaunti yung ulo ko. "Gustong gusto mo din naman." Inilagay ko ulit yung ulo ko sa likod niya. Hmmm. Ang bango talaga niya.

Hindi na ito kumibo, hinayaan na lang ako nitong yumakap sa kanya.

Sana lagi na lang ganto.

"Edrick." Hindi ito sumagot. "Mahal mo na ba ako?" Wala sa sariling tanong ko.

Huminga ito ng malalim. "Colyn---"

"Oo na! Oo na! Hindi pa.." Yumakap ulit ako dito. "Curious lang, paano mo malalaman kung inlove ka na sa akin."

"Alam ko. Kasi naramdaman ko na iyon dati."

"Parang hindi naman." Umalis ako sa tabi nito saka umupo sa dining table. "Parang ang hirap i-distungish kung mahal mo na talaga ako."

Bahagyang lumingon ito sa akin. "Huwag mo sabihing.. hindi ka naiinlove?"

"Ikaw lang kasi Love ko." Ngumisi lang ito saka bumalik sa paghuhugas. "Hmm.. Basta alam ko ikaw na talaga para sa akin."

Nagkibit-balikat lang ito.

Muli ko siyang tiningnan. Nagbabanlaw na ito ng pinggan. Kung palagi ba naman ganito, aba, okay lang kahit maghapon ko siyang titigan. Hindi nakakasawa.

"Edrick ko. Pwede magtanong?"

"Kahit sabihin kong hindi, magtatanong ka pa din." Binanlawan nito yung kamay nito bago pumunta sa harapan ko. "Ano iyon?"

"Bakit ang laki ng pwet mo?"

Nalukot ang mga kilay nito. Bago ako winisikan ng tubig sa mukha.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon