HVB 9: First Step

57K 848 46
                                    

HVB 9

<Colyn's POV>

"Kuyaaa! Walang hiya ka! Bakit mo binuntis si Colyn?! Ano ng magiging kinabukasan niya! Akala ko ba ayaw mo sa kanya?! Bakit ngayon magkakababy na kayo?! Sagutin mo ko, Kuyaaa!"

"Alin doon ang gusto mong sagutin ko?"

"KUYAAAAA!"

Alanganin akong napangiti kay Polly na nakatayo sa harapan ni Edrick at galit na galit.

Kanina pa ito nag-hyhysterical habang nakatayo at hindi alam kung saan pupunta.

Napatingin ako kay Edrick. Kinamot lang nito ang kaliwang gilid ng kilay nito na parang naguguluhan na din sa dami ng tanong ni Polly.

"Ahm.. Polly.." Nagsalita na ako. "Huminahon ka muna para---"

"Huminahon!" Halos mapapikit ako sa lakas ng boses nito. "Paano ako tatahimik kung nabuntis ka ng mismong kuya ko?!!!"

"Pollyanna." Napatingin kami sa mga magulang nito na nasa harapan namin at nagiisip kung ano ang pwedeng gawin sa aming dalawa ni Edrick. "Pumunta ka muna sa kwarto mo."

"Pero.."

"Isa.." Bilang ng Tatay nito.

"Hindi pa tayo tapos, Kuya." Umirap ito kay Edrick bago tumingin sa akin. "Sabihin mo lang kung hindi ka pananagutan ng Kuya ko, patay siya sa akin."

Tumango na lang ako para makaalis si Polly dahil kahit ako naguguluhan sa sigaw niya.

"Hay, salamat.."

Napalingon ako kay Kuya Edrick. Sumandal ito sa upuan na parang pagod na pagod. Parang gusto kong hilutin yung ulo niya para mawala yung pagod niya.

Baby, Look mo si Daddy oh.. Pagod na pagod na siya..

Hinawakan ko ulit yung Tummy ko. Hindi dapdt maramdaman ng magiging baby ko na nagtatalo-talo kami ng dahil sa kanya..

"Edrick." Nagsalita ang tatay nito. Biglang umayos ng upo si Kuya. "Wala akong nabalitaan na naging girlfriend mo after Lime. Pero bakit ngayon, biglang may anak ka na at worst, bestfriend pa ng kapatid mo ang nabuntis mo?. Anong nangyari?"

"Ahm.. " Nagtaas ako ng kamay. Tumingin yung mga magulang niya sa akin. "Huwag niyo po sisihhin si Edrick. Ako po talaga----"

"Shut Up. Hindi ikaw ang tinatanong." Napasimangot ako sa sinabi ni Edrick. "Unang-una, Tay, Nay, Hindi ko siya Girlfriend." Nagulat ang mga ito.

Nagtaas ulit ako ng kamay kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Pero malapit na po niya akong maging girlfriend."

"Wag ka ngang sumingit!" Baling sa akin ni Edrick.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon