HVB 7: Two Lines

61K 921 33
                                    

HVB 7: Two Lines

<Colyn's POV>

"Mukha kang Zombie." Napatingin ako kay Rits. Kapitbahay ko iyan. Lalaki. Matipuno. Mukhang bagong ligo at higit sa lahat habulin.. habulin ng mga aso! Wala lang.. Aso lang ang gusto kong banggitin.

"Ewan ko sa iyo." Wala akong ganang sumagot. Wala akong ganang makipagusap. At wala akong ganang makipagasaran.

"Init naman ng ulo mo."

"Oo. Lalo na sa iyo." Gusto niyo ba ng sikreto sa amin ni Rits? Eh.. Wag na lang.. Maiirita lamang kayo.

Oo. Pramis wag niyo na akong pilitin kapag ganitong mainit ang ulo ko.

Sinabing huwag na! Makulit? Paulit-ulit.

Arrrggh! Oo na! Sige na. Sasabihin ko na.. Tss.. Hirap sa iyo eh.. 

Ano, kasi si Ritz.. Ano iyan.. Lalaki diba? Tapos.. Diba lalaki siya.. Babe ako.. Ahm.. Ano kasi..

Si Ritz.. Siya yung...

Siya yung lalaking nakaUNA sa akin! Oo siya nga! Siya nga iyon! Nagkapikitan kami eh! Pero hindi kami! Bestfriend lang kami! Tapos... Hindi nga namin sinasadya na nagkapikitan kami nung araw na iyon! Kakabreak lang namin sa mga Syota namin nun! Eh, Brokenhearted! Nagkainuman... Tapos iyon na!

Hah! Grabi! Hirap magpaliwanag kapag Guilty!

"Bakit ansama mo makatingin sa akin?" sabi nito.

"Ewan! Umalis ka na nga sa harapan ko!"

"Sus!" Inakbayan ako nito. "Magpapakipot ka nanaman mahal kong kai--- Teka.." Hinipo nito ang noo ko. "Ang init mo ah!"

"Alis nga!" Tinulak ko ito palayo. Saka ako naglakad palayo din sa kanya. "Huwag ka ngang makaakbay-akbay sa akin. Baho mo!"

"Tss.. Di kita maintindihan ngayon."

"Oo! Di mo talaga ako maiintindihan!" Galit nanaman akong umalis.

Di ko alam kung bakit nagagalit ang pangit ata kasi niya ngayon. Ayaw ko sa pangit.

Sumimangot na lang ako at naglakad.

Mayamaya namalayan ko na lang na nasa school ako. May mga bumati sa akin na mga kabarkada ko pero di ko pinansin.

Parang pagod na pagod ako na hindi ko maintindihan. Tapos medyo naiinitan ako. Iritable.

Namalayan ko na lang na nakapasok na ako ng room at nung nakita ko kaagad yung upuan ko. Umupo agad ako kahit alam kong nagtatanong si Polly at Khristel.

"GooodMorning... Colyn?"

"Huyy, Colyn. Ayos ka lang?"

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon