HVB 18: Manipulative Hawk

55.4K 890 56
                                    

Short Story pa ba kapag 20Chapters? Haha! Maigsi po talaga yung kwento ng HVB. Wala lang. Trip.

At dahil maraming may gusto sa kanya, bibigyan ko siya ng pagkakataong mag-Shine.

-----

HVB 18: Manipulative Hawk

<Colyn's POV>

"Kamusta ka na?"

Napalingon ako kay Polly. Nakadungaw ito sa bintana ng Condo Unit ni Edrick. Dumalaw kasi sila kasama ni Hawk at Terrence para malaman ang totoong kwento sa aming dalawa ng kapatid niya.

At dahil gusto ni Polly ibang environment, nagpasama siya kay Hawk pumunta dito. Kung tatanungin niyo kung paano nakasunod si Terrence, ay dahil kay Polly na din. Hindi ko alam kung anong gayuma ang binigay nito at bakit ganoon na lang ang pagkuhamaling ni Terrence sa bestfriend ko.

"Parang KFC.." sagot ko dito. "It's finger, licki'n, kick'n good!"

"Parang di ko ata gusto iyang naririnig ko."

Ngumisi ako. Makalipas ang ilang linggo. Halos hindi kami mapaghiwalay ni Edrick. Ganoon pala siya magmahal.. Nakakatuwa.. Nakakaaliw.. Nakakakilabot..

Nasa malalim akong pagiisip ng may tumama sa aking Tissue Paper. Napalingon ako sa bumato.

"Polly naman eh!" Hinipo ko yung nasaktang noo ko. "Malapit na eh!"

"Huwag ka ngang magisip ng ka-berdehan ng utak mo sa harapan ko." Inirapan ako nito bago umalis ito sa bintana, umupo ito sa Edge ng kama.

Tinali ko na yung last na plastic kung saan may laman ng gamit ni Baby Ericka. Cribs, Damit, Walker, Toys.. Hindi nanamin kasi siya magagamit.. Mas magagamit ito ng may nangangailangan.. Katulad niya..

Katulad ni Polly.

Tiningnan ko ang tiyan nito medyo halata na ang mukhang humps sa bandang puson niya.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na buntis siya. Si Pollyanna Garcia? Grabe. Iba talaga yung Mint na yun! Hindi talaga makapaghintay! At ang masaklap pa...

.. Iniwan niya si Polly sa hangin! Makita ko lang talaga iyon, hindi lang sapak ang aabutin niya sa akin. Puputulin ko yung pinagmamalaki niya para magtanda!

Umupo ako sa tabi ni Polly. "Ano? Nagparamdam na ba yung walang kwentang lalaking iyon?"

Wala itong naging reaction. Halata naman kasing ayaw niyang pagusapan.

Oh well.. "Anong ipapangalan mo sa Baby mo, Polly?"

Hinipo nito yung Tummy niya. Naalala ko yung mga panahon na nasa ganoong sitwasyon ako.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon