HVB 15: I'm Starting to...

52.4K 931 142
                                    

Ang kapal ng  mukha kong maginquire kung magkano ang membership fee, lot, houses, at kung ano ano pa tungkol sa HighLands :) Haaaaaaayy. Gusto ko talaga tumira sa TAGAYTAY HIGHLANDS :)

-------------------------

<Colyn's POV>

Akala ko, okay na kami eh.

Sa pinapakita niya sa akin, parang gusto na niya akong papasukin sa buhay niyang kinulong ng isang babaeng iniwan siya.

Akala ko, wala na eh.

Hindi siguro mawawala sa puso niya si Lime. Pero kung patuloy niyang gagawin iyon. Tuluyan na siyang mahuhulog sa bitag na siyang mismo ang gumawa sa sarili niya.

Akala ko... mahal niya na ako eh.

Iyan ang hirap sa atin eh. Puro ka akala. Akala mo ganyan. Akala mo ganito. Assumera kasi ako masyado. Oh? Anong nangyare? Eh di tunganga ka sa isang tabi. Iniwan ka sa kama niya habang umiiyak ka sa pagaakalang kaya ka na niyang mahalin.

Umupo ako mula sa kama. Ilang araw, pagkatapos nung eksena namin sa kwarto niya. Bumalik siya sa dati. Hindi na siya nagdadadaldal. Wala na yung sobrang pagaalaga sa akin. Nawala din yung kwentuhan namin tuwing gabi bago matulog saka niya ako yayakapin kapag mahimbing na siyang natutulog.

Hinahanap hanap ko yung lambing niya. Lalo na pagkinakausap niya si Baby Ericka.

Hinaplos ko ang Tummy ko para maramdaman ng anak namin na ayos na ang lahat. Saka ako napatingin sa gilid kung saan nakalagay ang Crib ng magiging anak namin. Puro Pink ang kulay dahil ang alam namin, at nararamdaman namin na Babae ang anak naming dalawa.

Wala sa sariling tumayo ako at hinaplos naman ang hawakan ng Crib.

Lime, ibigay mo na sa akin si Edrick. Please..

Nagbabadya nanaman ang mga luha ko kaya wala sa kalooban kong lumabas ng kwarto ng hindi ko sinasadyang mapadako ang mata ko sa pintuan kung saan sinabi ni Edrick na huwag kong galawin.

Nakakacurious kung anong meron sa kwartong iyon. Pero sa pagkasabi niya, prinoprotektahan niya kung ano man ang nasa loob ng kwarto na iyon.

Pero dahil pakielamera ako. Naglakad ako papunta sa harapan ng kwartong ipinagbabawal. Hinawakan ko ang doorknob at inikot.

Bukas.

Nang makapasok ako ay nakita ko ang mga nakatakip na appliances. Nakatakip ito ng puti. Pumasok ako sa loob. Malinis ang kwarto. Walang alikabok kaya paniguradong malinis din ang gamit.

Pumunta ako sa isang appliances at tinanggal ang kumot na puti. Isa itong study table. Inilabas ko ang upuan para umupo. Dahil pakielemera ako tiningnan ko ang laman ng mga Drawer.

May mga papel doon, na alam kong dati pa nakalagay doon at matagal ng naimbak. Kumuha ako ng isang papel at binasa ang isa sa nakasulat.

Her Virgin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon