HVB 19: FIVE Reasons

Start from the beginning
                                    

Tumayo ako at inalis ang headset sa tenga niya.

"Ano ba?!"

"Sorry." Sabi ko habang isinusuot nito yung Headset sa tenga niya. "Mainit lang talaga ulo ko."

"Huwag kang mangdamay sa mga inosenteng katulad ko."

"I know.." Sumandal ako sa pader. "Siguro talagang nasaktan lang ako sa mga sinabi niya."

"Malay mo, hindi naman yun talaga ang gusto niyang i-point out."

Lumingon ako dito. "At anong gusto mong iparating sa akin?"

"Na baka nagkamali ka ng pagkakaintindi.. at pagkakarinig."

"Hindi ako nagkamali ng pagkakaintindi, at pagkakarinig. Anong akala mo sa akin bingi?"

"Ikaw na ang nagsabi sa kwento mo, hindi mo tinapos ang sinabi ni Edrick."

Lumapit ako dito. "Teka, kinakampihan mo ba siya?"

"Teka din." Nakipagdibdiban ito. Medyo malaki yung sa kanya kaya lumayo ako. "Hindi mo alam ang buong pinaguusapan nila. Sabi mo naguusap sila ng kung sinong Hawk matanglawin na iyon, at saka niya sinabi yung mga nagpasakit diyan sa puso mo. Pero ang tanong, hinayaan mo ba siyang pakinggan ang side niya?"

Napaisip ako. Oo nga. May point si Khristel pero narinig ko lahat nung sinabi niya. Na pampalipas-oras niya lang ako. Naaawa siya sa akin. At kung ano pang masasakit na hindi ko akalain na lalabas sa bibig niya.

"Feeling ko hindi." Conclusion nito. "Iyan kasi ang hirap sa mga relationship na ganyan. Pagnasaktan na akala niyo kayo na yung niloko at sobrang nasaktan. Syempre, mas maganda kung paparinggan mo yung explanation nila. Saka ka magdecide kung papaniwalaan mo o hindi." Tumingin ito sa akin. "Usap ka siguro ng usap. Daldal ka ng daldal kaya hindi niya na nasingit yung gusto niyang sabihin kasi lagi mong pinangungunahan. Kasi ang alam mo ikaw ang nasaktan, hindi siya." Tinapik ako nito. Bago dumaan sa harap ko. "Isip-isip din pag may time."

May kinuha ito sa Cabinet. Hindi ko na nakita kung ano iyon, pero hindi ko maiwasang magisip sa mga sinabi ni Khristel.

Dapat ba hayaan kong magexplain sa akin si Edrick? Dapat ba tinapos ko kung ano man yung sasabihin ni Edrick tungkol sa akin.

Napailing ako. Narinig ko siya. Sinabi niya iyon sa akin.

Naramdaman kong may kumiliti sa bewang ko.

"Wag kang close minded." Si Khristel. Teka, paano niya naman nasabi iyon. "Jogging muna kami."

"Kami?" Tumingin ako sa paligid. "Nino?"

"Ito oh!" Pinakita nanaman niya yung picture ng Lead Singer ng bandang >soundcheck! sa Cellphone niya. "Ang gwapo niya talaga!"

Her Virgin BrotherWhere stories live. Discover now