Epilogue

16.8K 230 12
                                    

"You wanted to grab the chance of being with the person you love, but you're too late... she had already give up!" -Yours Truly

Epilogue

"Kaya mo ba talaga?" Hindi man deretso ang tanong, naiintindihan ko ang point ni Mommy.

"I-I don't know, Mom." Dalawang buwan na akong ganito. Dalawang buwan na nabubuhay ng wala sa katinuan.

I made it clear. I gave up on waiting. I am still in love with that person, but love weakens people. And love made me weak.

Love made me the person I was not.

Love made me the person I'm not expecting to be me.

Tama ba ang naging desisyon ko? Tama bang ayoko na syang mahalin?

O tama ba ang mga sinabi ko sakanya na wala na talagang chance na maging kami?

Di ba yun naman ang gusto ko? Ang ma-realize nya na all this time, kami ang para sa isa't isa.

I've been yearning for her love. Just like every in love, they unconsciously yearn to be loved.

May mga tao lang talagang sinasabi nila na okay lang na kahit hindi sila kayang mahalin ng taong mahal nila pero sa loob loob nila, hinihiling ng mga puso nila  na kahit konting pagtingin lang, magiging masaya na sila.

Masaya na ba ako? Akala ko noong una, oo. Nung mga panahon na kahit tignan lang nya ako, masaya na ako.

Mga panahon na alagaan nya lang ang mga anak ko, masaya na ako. Mga panahon na pinapayagan nya akong matulog ako sa bahay nilang mag-iina, masaya na ako.

Mga panahon na nahuhuli ko syang nakatingin sakin, masaya na ako. Minsan pinapakilig nya ako kahit na wala syang ginagawa.

And I missed those moments I'm with the person I love.

Pero dumating yung puntong gustong gusto ko ng lumayo sakanya. Kasi nga kahit pala mahal ko sya, hindi parin sapat yun para labanan ang sakit sa puso.

Oo nga pala, mahal ko sya kaya nasasaktan ako sa mga araw na binabalewala nya ako.

Yung paulit ulit nyang sinasabi sakin na hindi nya ako kayang mahalin? At kahiy kailan hindi nya ako minahal, kasi nga mali na mahalin nya ako? Tang ina. Ang sakit.

Ayun, nag-give up ako. Minsan kasi ang sumuko ang pinakatamang gawin kahit na karuwagan. Kasi nga sobrang sakit na.

Ibinigay ko naman lahat e. I have given too much. Naisip ko kasi na baka kapag sumuko ako, saka lang nya malalaman ang worth ko.

Sa apat na buwan na hindi ko sya nakita, araw araw kong hiniling na sana kahit konti, ma-miss nya ako.

Kaya nung nagpakita sya sakin, gusto kong suntukin ang sarili ko kasi baka nag-h-hallucinate lang ako. Na dahil sa kaaasa ko, nabaliw ako. Kaya kung ano-ano ng na-iimagine ko.

Tang ina, ang bading! Tang ina lang talaga. Mas bading yung ginawa ko. Mas bading na pinakawalan ko sya. Mas bading na hindi ko n-grab ang opportunity.

Huli na. Huli na ako, tang ina!

Kung kailan nakapag-isip isip na ako, saka naman sya nawala ulit.

"Rage!" Napatingin ako kay Mommy. Tang ina. Natulala na naman ako.

"Huh?" Kanina pa pala sya nagsasalita. Wala naman akong naintindihan na Kahit ano maliban sa una nyang tanong.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Yearning For Love(VS#1) Where stories live. Discover now