Chapter 45

6.8K 122 3
                                    


[Chapter 45]

-Harelline-

I wanted to give back what I said after I saw the pain in his eyes.

Pero tapos na e. The damage has been done.

Akala ko naging manhid na ako sa sakit. Pero mali ako. Masakit tignan si Rage na nasasaktan lalo na at ako ang dahilan. Mas masakit tignan si Rage na umalis sa harapan ko na wala man lang sinabi.

He just stared at me with tears in his eyes before he left our house.

Gusto kong magduda sa sarili ko. Bakit ba ako natatakot masaktan e ako naman ang nang-iwan?

Hindi nya naman ako sinadyang saktan no'n. Nagkataon lang na minahal ko sya kahit hindi naman nya sinabing mahalin ko sya.

I feel guilt.

Sa aming dalawa, ako ata ang mas nanakit. Akala ko ako ang mas nagmahal. Pero sa ginagawa ko, mas nagmahal sya.

Oo, he hurt me before. Just like I am feeling right now. I'm hurting because of the past.

Nagmula naman ng bumalik si Rage sa buhay ko, hindi na sya gumawa ng paraan para saktan ulit ako.

Puro pagdududa lang ang akala ko pinagloloko nya ako.

I got jealous with Monique and Elise. His sisters.

Naiisip ko ngayon, ang babaw lang ng nararamdaman ko sa kanya kasi kulang ako sa pagtitiwala.

"Mom." Napatingin ako kay Lucy na titig na titig sakin.

"Will he leave us again?" Tanong nya sakin. Hindi ko tuloy napigilang hwag mapaluha sa harapan nya.

"C-come here, beh. I'll tell you s-something." Tumalima naman sya at Umupo sa harap ng upuan ko.

Napangiti ako ng mapatitig ako sa mga mata ng anak ko. Her eyes looked like Rage's.

I caressed her face. "H-Hindi naman tayo iniwan ng Dad mo, beh. Si Mom yung nang-iwan." 

I sighed heavily. I feel like my heart's heavier than the usual. "Sorry, 'nak..."

Nakanguso syang lumapit sakin na ikinangiti ko. Bibihira nyang gawin yon.

"Mom, h'wag ka ng umiyak." She kissed me on my cheek before she hugged me tight.

Malambing din naman si Lucy. Pero miminsan lang mangyari yon. At ngayon lang ulit nangyari ang miminsan na yon.

"Beh, h'wag kang magagalit kay Dad ha? Wala namang syang kasalanan."

She slightly nodded. "Mom, hindi mo ba talaga love si Dad?" Mahinang tanong nito.

"Huh?" Did Lucy hear us?

"I heard you talking to Dad."

"Lucy, I love your Dad--"

"But you're scared, right?" Tanong nya ulit sakin.

Grabe, nakalimutan kong genious pala si Lucy oara maintindihan ang bagay na yon.

"Y-Yeah."

Ngumiti si Lucy ng matamis. "Mom, hug nalang ulit kita. Para di ka na matakot."


Parang may humaplos sa puso ko dahil sa assurance na sinabi sakin ni Lucy.

I need to talk to Rage. Para maliwananagan na ang lahat. At para hindi na rin maapektuhan ang mga bata.

-Rage-


"I made a mistake. I really didn't love you at all, Rage. Forget it already!"

Ang sakit. Posible palang
m

asaktan ng ganito dahil lang sa salita. Tangna!

Ito na ba ang sign na i-give-up ko na itong nararamdaman ko kay Harelline?


Ayoko pa. Pero ilang ulit na ba akong pinagtabuyan? Ilang beses ba nyang ipinamukha sakin na wala akong kwenta sa kanya?

Maybe, it's already time.


Napatingin ako sa phone ko na nag-vibrate.

One Message Received

Harelline:
We need to talk. Message me if you're ready. Take your time. Thanks.

Napabuntong hininga ako sa nabasa.

Kailangan oo. Pero hindi muna ngayon. Mahirap makipag-usap kapag emotionally unstable.

Hindi na ako nag-type ng reply. Wala naman akong maisip na sabihin.

Sorry, Hare. But I'll take your advice. I need time.

-To Be Continued-

~*~
A/N: I'm really sorry po for reading a lame update. Nawalan ako ng drive for writing. Saka pasensya na po kung ni-r-rush kong tapusin ito.

Ayoko pong iwan ang story nila Hare at Rage. lalo na't mag-p-paschedule na po ako for operation.

Three chapters left po. (will be posted within this month.)

I-p-private ko siguro ang Epilogue. (Not sure.)

May bonus chapters pa pero indefinite ang schedule ng pag-u-update.

-

Yearning For Love(VS#1) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora