Chapter 33

7.3K 168 6
                                    

Chapter 33
-Rage-


"Daddy…"

Napatingin ako kay Lucy.

I was glad because it was her first time to talk to me first.

"Bakit baby?"

Gusto ko syang kargahin katulad ng palagi kong ginagawa kay Leya pero hindi na naman ata maganda ang gising ng bunso ko.

"Paano kung mabuntis si Mama dahil katabi mo sya natulog kagabi?"

Ngumiti ako.

"Magiging masaya ako, syempre! Mahal ko si mommy e." Malaya kong nasasabi ang nararamdaman ko dahil wala si Harelline.

Pagkatapos ng argumento namin kanina, nagpaalam sya sa mga bata na may importane syang lalakarin.

Gusto ko sanang makasama sya pero maghahapon na wala parin sya.

Nasaan na kaya  yung mahal ko?

Sumimangot si Lucy na ikinangiti ko naman. Ang ganda parin nya kahit na lukot ang maamo nitong mukha.

"Daddy, may sasabihin ako."

"Ano yun baby?" Nginitian ko sya para ituloy ang sasabihin nya.

"You know I don't lie, right?"

Tumango ako. It was true. Hindi ko kailanman narinig na nagsinungaling si Lucy sa kahit na sino.

Magiging mabuting tao ang mga anak ko paglaki nila.

"Will you hate me if I tell you I hate you?"

Napalunok ako ng ilang beses. Hindi naman mukhang serial killer si Lucy pero bakit natatakot ako kapag kakamuhian ako ng anak ko.

"Hindi kailanman magagalit sayo si Daddy nak. Pero malulungkot ako kapag sasabihin mong galit ka sakin." Seryoso kong sagot sa tanong nya.

"Hmm. I hated you, daddy!"

Aray.

Yung sakit sa salita ni Lucy ay parang yung sakit na nararamdaman ko sa tuwing n-r-reject ako ni Harelline. Mas lamang nga lang yung sinabi ni Lucy.

"T-talaga? Why did you hate me?" Medyo nahimasmasan ako ng maalala ko yung sentence.

I hated you...

Ibig sabihin tapos na.

Nagkibit balikat lang sya. "I hated you for one and only reason, daddy! I hates you because I can feel that you only did is to hurt or make Mommy cry." Hindi sya kumurap habang sinasabi yon.

Namamangha ako na kaya palang akong saktan ng anak ko sa isang lintanya lang nya.

Napabuntong hininga ako. "Nagsisisi naman na ko, anak. It's just that, hindi ako binibigyan ng chance ng Mommy para ipakita na hindi ko na sya sasaktan ulit."

Huminga din siya ng malalim. "Maybe, mom was jut afraid of getting hurt again because of you." Inosente nyang tanong.

Maganda lang talaga na advance na talaga ang utak ni Lucy para ma-comprehend lahat ng nasasabi ko.


Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi nya.

"Daddy!" Napangiti ako ng lumabas sa kwarto nya si Leya.

"Masarap ba tulog mo baby?" Nagpakandong sya sakin.

Hinaplos ko naman ang kulot na kulot nitong buhok.

"Yes, daddy!" Masigla na sagot nito.

Tumingin ako kay Lucy.

She was in her usual mood again. Cold and quiet.

"Hindi pa ba dumadating si Mommy?" Tanong ni Leya sakin.

"Hindi pa baby."

"Call Mommy, daddy." pakiusap nya sakin.

"Baby, diba nasira yung phone ni Mommy?" Kanina ko pa sya gustong tawagan pero nasira nya ang phone nya e. Rather sinira.

"Ay, antagal nya na kasi. Namimiss ko na sya!"

Napabuntong hininga kami pareho.

I miss Harelline too.

"Dadating yun, baby. Antayin nalang natin." Pag-aalo ko sakanya.

Ilang minuto lang ang nakalilipas, dumating na si Harelline.

"Mommy!" Leya and Lucy exclaimed. Agad naman silang lumapit dito at niyakap.

Gusto ko din sanang gawin yun sakanya kasi kanina pa ko nagaalala sakanya pero baka sigawan lang nya ako.

"Saan ka galing?" Sabay sabay naming tanong na tatlo sakanya.

Napangiti naman ito sa inakto namin.

"May inasikaso lang." Sagot nya.

Napatango naman kaming tatlo.

"What is it?" Lucy asked again.

"I'll tell you later, baby."

Tumingin sya sakin pagkatapos. "Let's talk." mahina nyang sabi na ikinakaba ko.

"Babies, mag-uusap lang kami ng Daddy nyo."

Agad naman silang tumayo papunta sa kwarto nila.

"Anong pag-uusapan natin?"

I stared at her beautiful face.

"Rage, buntis ako."

"W-what?" Nagkamali yata ako ng rinig.

Huminga muna sya ng malalim. "Buntis ako!" Maliwanag na ang pagkakasabi nya.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi nya.

I should be happy, right?

"Hui, tulala ka na!" Inis na sabi nya sakin.

Napailing naman ako. "Sorry!"

Napabuga sya ng hangin. "Sorry saan? Kasi nabuntis mo ulit ako? E sa tanga ka naman palang ugok ka e. Alam mong may posibilidad na mabuntis ako kasi hindi ka nag-ingat. Hindi ako nag-ingat!" I can see her having the red face because of anger.

Gusto siguro nitong sumigaw kung wala lang kaming ibang kasama sa bahay nya.

"Hindi yon. Sorry kasi natulala ako." Lumapit ako sakanya at walang babala ko syang inakap.

"A-anong ginagagawa mo?" Pilit syang kumawala sa pagkakayakap ko pero hinigpitan ko pa ito lalo.

"Thank you, Harelline."

~~~

Yearning For Love(VS#1) Where stories live. Discover now