Chapter 32

7.7K 172 1
                                    

Chapter 32
-Harelline-


"Masakit sakin yun, Rage. But I fell in love with you hard that time. Hindi ko lang kayang sabihin sayo kasi you said I'm not Hannaline."

For the first time, I admitted it him that I was in love with him before.

"Hare, it's not what you think!"

Umiling iling ako.

"Okay na ko, Rage. Naka- move on na ko sa sakit! Magpapaliwanag ka man sakin o hindi, wala akong karapatan noon. Mas lalong wala ngayon."

"Hare, hear me out!" He begged but I shook my head.

"Rage, you don't have to.  Just please don't tell me you love me because it irritates me!" Reklamo ko.

Nakatitig lang sya sakin. "Nakakairita pala akong magmahal!" Inis ang nakalakip sa gwapo nyang mukha.

Did I say gwapo?

I sighed.

"Rage. Sinaktan mo ko noon
. Alam mo ba kung bakit ako nawala ng isang buwan pagkatapos noon. Kasi masakit sakin. Ako yung kasama mo. Pero iba ang mahal mo. Pero bumalik rin ako kasi hindi kita matiis." Huminga ako ng malalim. Nakailang beses ko na bang ginawa yun.

"Alam minahal kita sa mga oras na magkasama tayo. Kaso, wala naman akong karapatan na mahalin ka. Kasi gago ka." Gusto ko syang sampalin para maramdaman nya ang sakit na pinaramdam nya sakin noon pero kapag ginawa ko yun. Iiipin nyang mahal ko parin  sya.

"Kaya kung sasabihin mong mahal mo ko. Mas gago ka. Mahal mo lang naman ako kapag nasa kama tayo. Don't worry, Rage. You can fvck me everytime you want. Yon lang naman ang kailangan mo sakin diba?"

Tumitig sya sakin na parang hindi makapaniwala. "This is not you, Harelline."

Ngumisi ako ng nakakaloko. "Ul*l. Hwag kang umasta na parang kilala mo ko." Inis kong sabi.

"Hare, mahal mo pa ba ko?"

Ngumiti ako ng mapait. "Sa tingin mo?"

He sighed. "Paano tayo? Paano ang mga anak ko?"

Pinag-isipan ko to ng matagal. Alam kong iisipin nya ang estado namin kasama na doon ang mga anak ko. Sana nga hindi ako magkamali sa desisyon ko.

"You can be a father to them. Pwede kang maging pamilya sakanila. Pero hindi sakin"

Napabuga ito ng hangin. "Hare, I'm willing to marry you. And what about their surname. Mananatili nalang ba silang Phillips? I want to give my name they deserve."

"You can change their surname without marrying me!"

"I can't believe this, Harelline!" Halos pasigaw na sabi nya.

"Tapos na ang usapan na to." Pinal na sabi ko.

"But---"

"Mommy! Bakit po nakalock ang pinto?" Reklamo ni Leya ng pagbuksan ko sya ng pinto.

"Baka kusang nag-lock baby." Alanganin kong sagot. Hindi ako nag-l-lock ng pinto para malayong makapasok ang anak ko.

"Daddy, dito ka nag-sleep?" Inosenteng tanong nito pagkatapos nitong magpakarga.

"Yes baby." Kung meron man akong nagustuhan kay Rage magmula ng bumalik sya sa buhay ko, yun ang pagmamahal na binibigay nito sa mga anak ko.

"You slept beside Daddy?" Bulong sakin ni Lucy na hindi ko namalayang pumasok din sa kwarto.

Namula ako sa tanong ng anak ko. Pero tumango nalang ako.

Napatitig ako sa mukha nya. Nakakunot ang noo nya na parang tutol sa pagtango ko. "Diba umiyak po ikaw dahil sakanya. Bati na po kayo?" Inosenteng tanong nito. Hindi maipagkakailang  mataas ang IQ ni Lucy pero hindi parin maalis na likas na bata ito.

Tumango ulit ako kahit na katatapos lang namin mag-diskusyon ni Rage.

"Lucy, anong nisasabi mo kay Mommy? Ba't ikaw bumubulong?" Tanong ni Leya sakanya.

Mas naunang lumabas si Leya ng five minutes kesa kay Lucy pero mas childish ang nauna.

"Wala yun, Leya. Sekreto lang namin yun ni Mommy." Mahinang sagot nito pero halatang naiilang parin ito kay Rage dahil nasa loob kami ng iisang kwarto.

"Andaya mo naman e. Sige na sabihin mo na." Pilit nito sa kapatid pero kontodo iling naman si Lucy na ikinapadyak ni Leya ng paa.

"Mommy, anong sinabi sayo ni Lucy?" Lumapit ito sakin.

Ngumiti lang ako. "Sekreto nga beh."

"Naman e. Daddy. Hindi natin bati sila Mommy at Lucy." Ngumiti lang si Rage kay Leya.

"Di ko rin kayo bati." Galit na sabi ni Lucy sakanila pero nakatitig ito kay Rage.

"Anla ka Daddy. Galit si Lucy sayo. Sayo nakatitig e." Banta ni Leya sa Daddy nya.

Ngumiti naman ng alanganin si Rage. "Galit ka sakin nak?" Gusto kong ivideo ngayon si Rage dahil iilang beses ko palang sya nakikitang kabado kung wala lang talagang namagitan samin na away/diskusyon.

Tumango umiling si Lucy. "Galit ako sayo kasi hindi ka pumunta dito ng two weeks. Umiyak si Mommy dahil sayo."

Tumingin sakin si Rage at halata sa mukha nito ang saya na ikinainis ko.

"Lucyanna." Saway ko sa anak ko. Kung kailan hindi ko gustong dumaldal sya saka naman ito dumaldal.

*~*

Yearning For Love(VS#1) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang