Chapter 40

6.4K 135 4
                                    

[Chapter 40]
-Harelline-

"Tapatin mo nga ako, umiiwas ka ba dahil mahal mo ako?" Napatitig ako kay Rage.

Kararating ko lang ng condo nya at ang akala ko makikipag-toot-toot na agad sya sakin pagkatapos ito pala ang gagawin namin?

It is not that I am dissapointed. It just that I do not want to talk about it.

"May kamahal-mahal ba sayo?" Sarcastic kong tanong. Gusto kong i-congratulate ang sarili ko dahil sa pang-iinsulto ko sakanya

Ang hirap gawin yon ha?

Ngumiti sya sakin ng nakakaloko. "Maliban sa pagiging guwapo ko. Madami pang kamahal-mahal sakin."

I rolled my eyes exasperately. "What the? Ang kapal kapal talaga ng pagmumukha mo, oi."

"Bakit, hindi ka ba nag-gwapuhan sakin?"

Minsan hiniling ko din na maging ganito sakin si Rage. Playful and happy. Pero hindi sa pagkakataong ito.

"Hindi!" Matigas kong sagot kay Rage.

Bumalik sa pagkaseryoso ang mukha nya. "Sinisigurado ko lang, Harelline. Alam mong hinding hindi ko masusuklian ang nararamdaman mo pag nagkataon. Guard yourself!"

Ouch!

Huli na yang warning mo, mahal na kita!

"O-Okay! Hinding hindi naman kita mamahalin Kahit kailan!"

~*~

Napapikit ako ng mariin.

Hindi ako makaramdam ng antok ngayon.

Hindi pwedeng hindi ako matulog. Kailangan naming matulog ni Baby Loki para healthy sya paglabas.

Bumangon ako sa pagkakahiga.

Nakalimutan ko palang uminom ng gatas.

Dahan dahan akong tumayo.

Ambigat na ng katawan ko. Nahihirapan na akong maglakad dahil kay Baby Loki.

Pero ayos lang. Masaya naman ako e.

Ngingiti akong lumabas ng kwarto pero napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ni Rage.

Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko ng marinig ko ang mahinang paghahalakhak nya.

"Na-miss din kita Elise."

Kaya pala, ganon nalang ang trato nya sakin kasi may Elise na pala sya.

Hindi parin talaga sya nagbabago.

Hmp!

"Ayos naman sila." Narinig kong nagsalita si Rage.

"Ayos din naman si Hare. Umaayon yung plano natin. Mukhang apektado na sya... Yeah... You're the best baby!"

Ouch! Anong plano?

Baby pala ang tawagan nila. Hmp!

Saka, bakit kilala ako ng Elise na yon?

Pakiramdam ko may masama silang balak sakin.

Dahan dahan ulit akong pumasok sa kwarto ko para hindi nya mahalatang narinig ko ang usapan nila ng Elise na yun.

Baby Loki mamaya na tayo iinom ng milk. Nandoon kasi  ang tatay mong demonyo.

Dahan dahan akong humiga at tumagilid.

Ingat ang pagkilos ko kasi mahirap talaga ang magbuntis.

Napapikit ako ng marinig kong bumukas ang pinto pagkatapos ng ilang minuto kong pagkakahiga.

Naramdaman kong gumalaw ang kama at may Umupo.

Kahit nakapikit ako, alam kong si Rage ito dahil sa pamilyar nitong amoy.

Gusto kong iwaksi ang kamay nya ng haplusin nya ang pisngi ko.

"Hinding hindi ako susuko, Hare. I'll make you mine again."

Pinigilan kong hwag magsalita. Pinigilan ko ang nagbabadyang luha sa mata ko.

Mahal ba talaga nya ako?

Kasi ako kahit ilang beses kong itanggi sa ibang tao pati sarili ko.

Ilang beses ko na bang niloko ang sarili ko na hindi ko sya mahal?

I'm fooling out of myself.

Akala ko sa ginagawa kong ito, mawawala yung nararamdaman ko.

Pero hindi naman ibig sabihin, tinatanggi mo ang nararamdaman mo, hindi na totoo.

"I love you, Harelline." He kissed me on my forehead.

Ilang beses na ba nya akong hinalikan sa noo sa tuwing ang akala nya himbing na himbing na ako sa pagkakatulog? Sa tuwing nasa bahay ko ata sya.

I love you Rage...

For the first time, I admitted myself that I still love Rage Vergara.

Pakiramdam ko, may kumawalang mabigat sa dibdib ko. I felt strange. Pero gumaan na ang dibdib ko.

"Good night, Hare ko." Gusto ko syang pigilan na hwag syang umalis kasi gusto kong ianticipate yung pakiramdam na naamin ko na sa sarili kong mahal ko parin sya.

Pero lintek na pride yan. Inunahan ako.

~*~

"Saan ka nagpunta?" Tanong sakin ni Rage.

"Sa convenience store. Bakit?" Nakakapagtaka na kinakausap na ako ni Rage ngayon.

"Bakit hindi ka nagpakita sakin ng tatlong buwan?" Tanong nya ulit sakin. Akala ko naman, yung pag-alis ko kanina.

Gustong gusto ko ng umuwi kanina. Gustong gusto ko na syang iwan pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung Bakit paulit ulit nalang ako. Paulit ulit ko nalang sinasaktan ang sarili ko.

Oo, palagi akong nawawala. Sa tuwing nasasaktan ako, palagi kong sinasabi sa sarili ko na, last na to. Hinding hindi na ako magpapakita sa kanya.

Pero isang text lang nya sakin, para akong aso na nagkukumahog pabalik sakanya.

Sabi nila, matalino ako. Pero bakit nagpapakatanga ako kay Rage?

"Nag-out of town ako." Madali kong sabihin yun sakanya kasi wala namang akong permanenteng trabaho.

Dakilang tambay ako e.

"Saan ka nag-out of town?" Akala ko tatahimik na sya katulad ng palagi nyang ginagawa pero himala. nag-follow up question pa sya.

"S-Sagada."

Tumango tango sya. "Pasalubong ko?"

Tengene Rage. Manahimik ka na please.

"P-Pinamigay ko na lahat kay Hanna!" Liars go to hell, Hare.

"Hindi mo man lang ako tinirhan?" Buset!

"Uuwi na ako!" pag-iiwas ko.

~*~

AUTHOR'S NOTE:

~~~ malapit na malapit na itong matapos. malapit na malapit na din akong mainis kay Hare. Sa totoo lang! Haist...

kaya nyo ba akong bigyan ng  250 reads, 30 votes at 20 comments para sa chapter na ito?

Alam ko namang hindi. 😢😢

Yearning For Love(VS#1) Where stories live. Discover now