"Chapter 49: Paalam Sayo"

Start from the beginning
                                    

Pagkalabas ko ng building sa parking lot ako dumiretso. Hindi ko ginamit ang shortcut sa kitchen para makapasok kaagad sa loob ng restaurant.

Napahinto akong bigla sa paglalakad, nilingon ko ang aking ulo nakita kong nakasiksik si Shinsuke sa isang sulok ng kotse.

Tumingin siya sakin at matagal siyang tumitig sa mga mata ko. Nakita ko ang pawang lungkot sa mga mata niya.

Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya kahit alam kong masikip..

"School festival na namin bukas. Pumunta ka. Maghihintay ako." sambit ko ngunit wala akong narinig na salita sa kanya.

Pagkatapos, tumayo rin ako kaagad para iwan siya.

"Nakakalungkot ang nangyari sayo nung nakaraang linggo. Pero mas walang lulungkot pa sa masasaksihan mo bukas." sa isip ko

Alam kong mas ikakasakit ni Shinsuke ang pwede niyang makita kong pupunta man siya bukas. Sa katunayan, hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang mangyayari pero aking nadarama na meron magaganap bukas kaya sinabi ko sa kanilang lahat na pumunta sila.

Bahala na kung makakapunta nga sila, ang mahalaga nagawa kong magyaya sa kanila.

**

"Jhe's POV"

-Senior hallway (Lunch break 12:11pm)-

Pagkatunog ng bell for lunch break kaagad kaming pumunta ni Heartlalus sa 4th floor para salubungin sina Kurt Sha, Aikee at Shinsuke. Pagkatapos, sumunod narin si Seeley samin dito sa taas.

Sa ngayon, nakatayo kami dito sa gilid ng hallway para pag-usapan kung kakain muna kami sa canteen bago pumunta sa momo high school sa pinapasukan ni Arisu.

Kasi, nagyaya na naman siya kahapon sa restaurant eh, ekek! Kaloka naman kung hindi kami pumunta ngayon eh first time lang nangyaring niyaya niya kami.

At syempre, medyo nanahimik ang lahat sa kakaisip kung kakain muna kami dito kaya nagsalita na ako,

"Huwag na tayong kumain sa canteen. Kahit doon nalang tayo kumaen sa school nila Arisu para foodtrip total school festival naman sa kanila ngayon."

Pareho ko silang tinignan sa mukha..

"Sabagay, pwede naman kumaen sa labas ng school kapag break time at alam naman yun ng guard. Ganun kasi ang ginagawa ng mga ibang estudyante dito. " sabi ni Aikee

Narinig ko ang buntong hininga ni Sha habang nakasandal ang likod sa pader, "Kung ganun tara na para makapunta na tayo agad sa momo high school." yaya niya

"Okaaaaaay!" taas kamay na sinabi ni Seeley, pagkatapos yumakap siya kaagad sa isang braso ni Aikee.

Nagalit nalang si Heartlalus ko sa ginawa ni Seeley. Sumigaw siya at humawak sa magkabilang bewang niya.

"HOY CHAKABELS KA! Bakit nakayakap ka na naman sa braso ng asawa ko? Ang kapal talaga ng kulangot mo! Maglinis ka nga muna ng ilong mo!"

Nilapitan niya si Aikee para yumakap naman sa isang braso nito at makipag-agawan kay Seeley.

Ako naman, nang makita ko ang ginawang pagkayap ni Seeley sa braso ni Aikee bigla nalang akong kinilig sa dahilan na pumasok sa isipan kong gawin ko din yan kay Kurt Sha whahahah!

Dahan-dahan kong nililingon ang tingin ko sa boyfriend ko YIIIEEEH pero di ko magawang idiretso sa mga mata niya.

SHEEEEMAAAAYSSS! BAKIT PARANG NAHIHIYA AKONG TUMINGIN SA KANYA? SIGURO DAHIL SA BINABALAK KO SIYANG YAKAPIN SA ISANG BRASO NIYA.

Tulad Mong Isang PrinsesaWhere stories live. Discover now