Andito kami sa store para maghanap ng susuotin ko para sa Homecoming Party ng kaclose naming kaklase. Sinabi ko naman sa kaniya na kailangan kong magtipid kase di pa sapat yung allowance na binigay sakin ni Mama. Siya naman tong naguusisa na pauutangin niya daw ako. Ghad.
Matapos namin makabili ng susuotin, syempre kainan na! Lumarga na kaagad kami sa paborito naming fastfood chain at umorder ng mga kakainin.
Habang hinihintay yung order namin, sinabi ni Steff na magc-cr daw muna siya kase may call of nature daw siya, 'natatae' para sa mas simpleng salita.
Maya maya dumating na yung order namin at wala pa rin siya. Asan na ba yung lokalokang yun? Taeng tae lang talaga kaya di makalabas ng cr? Nanlalamig na yung pagkain niya dito, ano ba yan. Pero paano kaya kung unahan ko nalang siya kumain? Nagugutom na'ko eh! Nako mauunahan ko na talaga yung babaitang yun!
Pero nagdaan ang ilang minutong hinintay ko, wala pa rin siya. Ano na ba nangyari dun? Sinubukan kong puntahan siya sa cr, at pinabantayan lang muna sa katabi naming nasa kabilang table yung pagkain namin at yung pinamili at pinuntahan na siya.
Pagdating ko sa cr, walang namang bakas ng panget na Steff doon. Sinilip ko na yung bawat cubicle pero wala talagang tao. Oh Lord, saan pumunta yung babaeng yun? Medyo kinakabahan na ako.
Sa pagpapanic ko, nagmadali na akong bumalik sa pinagkakainan namin. At pagdating ko doon, nakita ko si Justin. Nakaupo sa upuan ng table namin.
"Uy." sabi ko habang papunta sa kaniya. Omg. Bakit andito siya? I am like so kilig to bones and muscles.
"Uy hello." sagot ni Justin. Tumayo siya at pinaupo ako. Well, ang gentleman nun ah.
"Uhm ano. Anong ginagawa mo dito?" sabi ko.
"May nagtext kasi saken na pumunta daw ako dito sa foodcourt tapos bantayan ko daw yung table na to."
"Sino nagtext sayo?" Omo. Si Steff ba may kagagawan ng lahat ng to? Malilintikan yung babaeng yun saken. Pero malaking pasalamat na rin kase kasama ko si Bebe Justin ngayon. Pero still, malilintikan pa rin siya kase hinayaan niya akong magmukhang tanga dun.
"Unregistered eh."
Eh? Tanga lang ba ako o masyadong assuming na sinet-up lang kami ni Steff dito? Hindi ba may number naman siguro si Steff kay Justin? Haystt bahala na nga.
"Pero paano yan? Pumunta ka pa dito para lang bantayan tong pagkain namin ni Steff?" sabi ko.
"Well. Kanina pa kasi ako nandito kaya nung may nagtext sakin nun, pinuntahan ko nalang." sagot niya. Hay nako baka nakaabala pa ako kay Bebe Justin. Nakakahiya tuloy.
Maya-maya nagtext saken si Steff.
From: Steff
"Uy Jamie. Umuwi na muna ako sa bahay kase may urgent meeting daw yung family namin. Di na ako nakapagpaalam kase ano. Uhm. Di ko alam. Basta sorry hahaha. Labyu bal."
Hayuuuuup. May gana pa siyang mang-iwan dito? So ano? Iiwan niya lang ako dito kay Justin? Hmm. Pwede naman yun. Kami nalang kakain nitong inorder namin hehe.
Habang kumakain kami ni Justin, di ako mapakali sa mga sulyap niya sa direksyon ko. Ano ba Justin? Gusto mo bang ibuga ko tong kinakain ko sa mukha mo? Hindi ako makakain ng maayos dahil sayo. Pisti ka hihi.
Nung napansin niya na sumusulyap na din ako sa kaniya, tinigil niya yung pagkain niya saka tinitigan naman ako. Woooooh shet. Ayoko na Lord! Pinapatay mo na naman ako ng maaga! Gusto kong tumili!
"Uhm may problema ba?" tanong ko. Kase naman eh. Titig ng titig saken kanina pa. Parang tanga. Ang sarap sipain sa lalamunan eh.
"Wala. May napansin lang ako." sabi niya.
Oh dear. Ano kaya yun? Na ang cute ko? Na ang ganda ko? Na mala-diyosa ang tangi ko? Hayst. Lagi kong nababasa yan sa libro. Laging ganun yung karugtong ng mga sinasabi ng lalaki kapag may napapansin siya sa babae.
"Na ano?" sabi ko sabay pangiti ngiti pa ng konti. Hihi. Naiihi ako sa kilig, shet.
"Ang kalat mo pala kumain."
"Ahihi. Alam ko. Ang ganda ko dib-" teka ano daw?! Ang kalat kong kumain? Hala. Oo nga! Ang daming kanina na natapon sa lamesa.
Sa pagpapanic kong ligpitin yung mga kanin, nasanggi ko na rin yung soda na inumin sana ni Justin. Natapon yun sakin at basang basa na ngayon yung pambaba ko.
Okay Lord. Pwede mo na akong kunin. Amen.
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"Uy nagenjoy ako sa meal ha. Kahit alam kong kay Steff yung kinainan ko, sinabi mo naman na umalis na siya. At okay lang sa kaniya yun. Pero sa susunod, treat ko naman." sabi ni Justin. Hinatid na ako ni Justin sa bahay gamit yung auto niya.
Medyo akward lang yung atmosphere naming dalawa kanina kasi hindi na ako nagsalita matapos yung nakakahiyang pangyayari sa harapan niya. Pero buti nalang, to the rescue yung nabili naming damit kanina ni Steff. No hassle yung pag-uwi ko kasi hindi naman na rin ako basa nun.
"Hala, sigurado ka? Thank you ha. Uhm sorry pala sa kababuyan ko kanina ha. May malalim na iniisip lang kasi ako nun hehe."
"Sus okay lang yun, parang di ka naman ganyan dati."
"Ha? Dati?" tanong ko. Nakakapagtaka kasi ngayon lang naman ako nagbaboy sa harapan niya at ngayon lang din kami nagkakilala.
"Uhm ano. Mga kwento lang sakin ni Steff."
"Ahh kaya naman pala.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at madali dali kong pinuntahan si Steff sa kwarto niya. At doon, nakita ko yung mukha niyang mahimbing na natutulog.
Hello Steff. Mukhang nagenjoy ka yata ngayon sa araw mo ah. Pasalamat ka, tulog ka ngayon pero humanda ka kinabukasan sa paggising mo! Whahahahahaha!
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Someone's POV
Kanina pa kayo masaya. Kanina pa kayo nakangiti. At hinding hindi yun p-pwede saken. May malaki kang pagkakamaling ginawa saken. At kailangan mo akong pagbayaran ngayon.
Balak ko na sanang magpakita sayo dati pa, pero sa tingin ko hindi pa tamang oras na ipakita ang pagbabalik ko.
Sa ating muling pagkikita, Jamie.
YOU ARE READING
The Only Exception
Teen FictionJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
Exception ❤️ 10 - The Mortification
Start from the beginning
