Jamie's POV
*Day of enrollment*
"Beshhiiee, good morning!" bati sa akin ni Steff habang inaalog-alog ang likuran ko.
"Hmmp?" walang ganang sagot ko.
"Ano ba!? Di ka ba ready! Mageenroll na tayo! Emesoweggzoited!"
Oh, di ko pa pala nasabi na mageenroll kami ngayon ni Steff sa papasukan naming school. Pacific States De Academy ata tawag dun? Hindi joke, dun din ako nagaral last 3 years.
Balita ko maraming ng mayayaman, magaganda't gwapo, maarte at kung anu-ano pa dun! Haystt, ganyan talaga kapag exclusive school ang papasukan mo.
"Heh, ang jeje mo bal." wala ring ganang pangangasar ko sa kaniya, saka bumangon at nagstreching.
"Ayun, babangon din pala tong mokong. Hahaha." bawi sa'kin ni Steff.
Di ko nalang siya pinansin kase wala 'rin akong gana makipag-usap kapag bagong gising.
"Oy g*ga, may laway pa na nakakapit sa bibig mo! Hahaha!" sigaw niya habang papunta ako sa c.r.
Pumunta na nga ako sa c.r. para tingnan kung meron nga.
"Ay putakte ng manok! Meron nga!" gulat na sinigaw ko nang tiningnan ang sarili ko sa salamin ng c.r.
+++++++++++++++
Steff's POV
"Bye Manong! Tawagan nalang po kita kapag susunduin mo na kami. Salamat." maamong pagpapasalamat ko sa driver namin.
Hoy. Minsan lang ako maging maamo, kaya habang maaga-aga pa ay lubus-lubosin niyo na.
"Ah sige sige. Ingat sa inyo." sabi ni Manong Nestor.
At tuluyan nang naglaho si manong.
"Bal, neexcite ako na kinakabahan. Taeng bantot na 'yan." pagaalalang sinabi ni Jamie habang mahigpit na hinahawakan ung sling ng bag niya.
"Ano ka ba? Masasanay ka 'rin dito sa'min ulit." natawa na lang din kasi ako sa sinabi niya. "And besides, meron pa naman yatang nakakakilala sa'yo dito eh." dugtong ko.
"Okay, halika na." -Jamie
+++++++++++++++
Jamie's POV
Shemayy, enrollment palang pero parang kinakabahan na ako. Di ko naman alam yung gagawin ko. Ay nga pala! Sinabi naman ni Steff na may nakakakilala pa naman sa'kin dito. Buhay pa kaya yung mga yun? Hahaha. Ang sama ko talaga.
Papunta na kami ni Steff ngayon sa room kung saan gaganapin ang enrollment. Marami akong nakitang mga estudyante na nageenroll din sa araw na 'to, although late na kami nag-enroll ay marami pa ding maghahabol tulad namin.
YOU ARE READING
The Only Exception
Teen FictionJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
