Exception ❤️ 9 - The Confusion

31 4 1
                                        


dedicated to leyadyosa

A/N: Hello guys! I'm back! Sorry na naman sa late update! But then, after a century, mabuti't buhay pa ang story na to. Promise! Babawi talaga ako this chapter. Lablabs.

Jamie's POV

Myghad. I feel so tired! Nakakapagod tong araw na to!

Dali-dali na akong pumasok sa kwarto ko at humilata sa kama. Ahh, my precious bed. Kahit alam ko na hindi pa ako nakakapagpalit ng damit ay humiga na ako kaagad sa kama. Isa lang ang masasabi ko sa sarili ko ngayon maliban sa pagod.

NAGAALALA.

Kanina pa bumabagabag sa utak ko yung nangyari kanina. Parang ayaw magsink in sa mismong utak. Teka, may utak nga ba ako? Ay oo meron! Ano ka ba talaga Jamie? Hay oo.

Well, ano ba kasi ang nangyari kanina sa mall? Heto lang naman kasi yun.

FLASHBACK

*Beep beep*

"Andyan na siya." ani Steffani.

"May kotse ba si Justin?" tanong ko. Malay ko ba kung mayaman o hindi si Justin, kaano- ano ko ba siya?

"Wala. I'm sure dinekwat na naman niya yan sa kuya niya." sabi naman ni Steff na may kasamang taray at poker face. Yung totoo besh? Wala ka na bang ikakatuwa ngayong araw? Kanina ka pa nakabusangot eh. PMS mo ba. Ha?

Pero wait? Paano niya nalaman yung sa kuya etc? Iniistalk niya ba si Justin? "Ah okay." yan nalang ang nasabi ko bago pa siya magsalita ulit.

"Let's go." ani Steff.

*~*~*~*~*~*~*~*~*

Andito pa lang kami ngayon sa tapat ng bahay ni Steff, hinihintay yung pagluwal ng isang prince charming mula sa kotseng kasing mahal ng ginto.

At heto na ang pagluwal ng Prince Charming. Nakita namin si Justin palabas ng driver's seat. Suot suot nito ang simpleng dark blue jacket na may white shirt sa loob, faded jeans at navy blue na slip-ons.

Pero huli atensyon sa akin yung nasa leeg niya na silver necklace, di ko lang nakita yung pendant nito pero alam kong maganda. Pero nevermind, ang ganda lang kasi ng porma niya.

At si Steffani? Suot niya naman, isang magandang white floral dress na kung gaano kaganda ito, ganun din kamahal. Sinamahan niya rin ang dress niya ng pearl white flates at gold purse.

Ah! Ako rin ba? Ahm ano. Yung favorite Tshirt ko tapos pantalon then sneakers na white. Oh diba? Kinabog ko ba si Steff? Hindi.

Papunta na si Justin sa amin at bumati na may kasamang ngiting tagumpay. Tagumpay patungo sa puso ni Jamie. Ha? Ano daw?

May sinabi ba ako? Diba wala? Oo wala.

"Hi Steff." sabi ni Justin at binuksan yung pinto sa likod.

Myghad Lord kunin mo na ako, sinusundo na po yata kami ng anghel mo sa harapan ko ngayon. Ang bango pa ni Justin. May pagkalavender na pagkalalaki. Basta ayun.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now