Jamie's POV
Ilang buwan na akong nag-aaral dito. Wala namang bagong nangyari. Ganun pa rin.
Nandito na naman ako sa rooftop kung saan naman talaga yung tambayan ko dati pa. Nakaupo, pasenti-senti. Ganern.
Paano mo nga ba masasabing malaya na ang isang bagay? Kapag ba binitawan na siya? Kapag ba nagawa na siyang pakawalan?
Hayst. Bakit ganito? Bakit ganyan? Puro bakit nalang iniisip ko ngayon.
Bakit mahirap ang Math? Bakit minsan may nahalong Math sa Science? Bakit walang forever?
Bakit nanganganak ang lalaking seahorse?
Mga katanungang di ko pa rin talaga mahanapan ng kasagutan. Nakakainis.
Pababa na ako nang narinig ko na yung bell, which means tapos na ang break time. Kailangan ko nang bumaba. Habang pababa na ako, may natanaw akong hulma ng tao sa malayo. Papunta palang siya ng rooftop. Di ko naman makita ang itsura nito kasi masyadong madilim at malayo ako sa kaniya.
Pero naririnig ko lang yung heels niyang lumalagatok. Isang babae ang pupunta sa rooftop.
Di ko alam kung babalik ba ako sa taas o dederetsuhin yung dapat kong daan?
Teka? Ano bang problema? Di ko naman siya inaano. Kaya itutuloy ko nalang yung pagbaba ko.
Nang magkasalubong na kami, pinagmasdan ko yung presensya niya. Mas matangkad siya sakin, hanggang balikat yung buhok niya at maputi. Di ko siya kilala pero ang awkward ng atmosphere namin ngayon.
Ipinagpatuloy ko lang yung paglalakad ko nang magkasalubog na kami. Ngunit tumigil siya.
"Excuse me. Saan ka nanggaling? Hindi ba bawal yung tao sa rooftop?" wika niya.
"H-Ha? Alam ko pwede kapag break time eh." wait, SSG Official ba tong kausap ko or what?
"Oh right." sagot niya sabay tingin sa relo.
"Ikaw? Sa rooftop ka rin ba pupunta? Tapos na yung break time ah?" tanong ko rin. Di naman sa pagiging pakialamera pero diba? Kung ako binigyan niya ng interogasyon, edi karapatan ko ring bigyan siya nun.
"Di mo yata ako nakikilala, miss. I frequently go here."
Say what? Ako bawal pumunta tas siya pwede? Siya lang pwedeng tumambay at magpahangin? Aba sino ba siya? "Perhaps not po." sabi ko. Kahit ganito yung nasa isip ko ngayon, kailangan ko pa rin magbigay respeto kung sinuman siya.
"Okay. Just to inform you, I am the secretary of Pacific High. It is one of my responsibilities to check and observe organization and peace inside this school by listing whoever disobey the school's laws and regulations. Is it clear now?"
Oh tapos?
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
"Oi bal! Tignan mo yun oh! Isukat mo nga yan! Mukhang bagay sayo!" hinila na naman ako ni Steff papunta sa ibang area ng store na to. Ilang damit na yung dala-dala ko kanina pa, at ilang damit na rin yung nasusukat ko. Tae yan. Hindi ba napapagod tong babaeng tong magpasukat nang magpasukat? Nakakaurat.
ESTÁS LEYENDO
The Only Exception
Novela JuvenilJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
