Jamie's POV
Saan to? Nasaan ako? Bakit may pool dito?
Bat andito ako?
"OY CHONGGO!" sigaw ng isang batang lalaki sa malayo. Mga 8 years old pa lang?
"Ako!? Chonggo!? Mukha mo!" sigaw din ng isang batang babaeng binababad ang binti sa pool, kaedad na rin yata yung batang lalaki. Ang cute ng batang to ha. Sa totoo lang parang kamukha at kasingcute ko siya noong maliit pa ako.
Hoy! 'cute' naman ako ah!
Tatlo lang kami dito, pero hindi ko lang alam kung nakikita nila ako dito. Kung makasigaw kase itong mga batang to akala mo silang dalawa lang yung nandito. Mga nawawalan ng hiya. Hehe, ang sama ko.
Yoohoo! May tao ditooo oh!
"Ewan! Halika ka na! Hinahanap na tayo ni Jeffie panget dun sa labas!" sabi ulit ng batang lalaki dun sa kasingcute kong bata. Actually may kamukha siya eh, di ko lang matandaan.
*Poof!*
Ay! Panaginip lang pala yun? Pero bakit ganun naman yung panaginip ko? At saka sino naman yung Jeffie na yun? Hayst, bahala na.
Eh? Ang aga pa lang ah. Tulog pa nga si Steff dito sa tabi ko eh.
Naramdaman ko nga siyang umalis sa tabi ko kagabi habang natutulog ako eh, pero I didn't gave a move. Baka may call of nature lang siya nun.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
"~Cause if you like, the way you look that much. Oh bebeh you should go and love yourself~"
Woop! Napapasabay na lang ako sa music dito sa phone ko. Natatawa pa nga yung housemaids nila Steff dito sa living room tuwing sa part na 'oh bebeh you should go and love yourself' eh. May nakakatawa ba dun?
Ang sarap pala magising ng maaga kapag Saturday noh? Parang nakakarefresh. Actually mga 7:00 AM pa lang gising na ako, and I don't have any idea why! Ngayon lang to eh.
Ah si Steff ba? Ayun, tulog mantika pa rin sa kwarto niya, pero maganda pa rin siya kahit tulog ha! Walang tulo laway effect.
Maya maya, may isang shelf akong nakita malapit sakin. Matagal ko na siyang nakita sa totoo lang pero parang ngayon lang ako nacurious sa mga nakalagay dun sa loob.
Nilapitan ko yun at tignignan kung ano yung mga nakalagay dun. Parang mga albums?
Uyy! May mga photo albums pala sila dito sa bahay nila? Hehe, matignan ko nga ang mga picture nila. Hehehe. *grin*
Kumuha ako ng dalawang album sabay upo sa sofa.
Grabe ang cute pala ni Steff dati nung maliit pa lang siya? So much kyoooot! Kinain na ata ng kahihiyan ang itsura ko noong maliit pa ako sa itsura ni Steff nung maliit din siya.
*tingin*
*tingin*
Uy, nalaglag yung isang picture dito. Bakit naman kasi nakaipit to?
Pinulot ko ang picture at tinignan.
Ay ang cute naman ng tatlong bata dito. Nakakatuwa sila. May dalawang batang babaeng nakatayo at may isang batang lalaki na nasa gilid ni Steff.
Ang kyoot talaga ni Steff.
Teka? Ako tong nasa kabilang dulo ahh?
ANG PANGIT KO DITO, SHET! Huhuhu, bakit ba ako pinagkaitan ng kagandahan sa mundo!?
YOU ARE READING
The Only Exception
Teen FictionJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
