Exception ♥ 1 - The More It Hurts

84 8 0
                                        

Jamie's POV

Dahan-dahan kong ibinuka ang mga mata ko. Sinubukan kong iginalaw ang mga daliri kong nakapatong sa magkabilang parte ng hinihigaan ko. Sobrang tamlay ko. 


Nasa isa akong ospital, tumingin tingin ako sa paligid ko. Wala akong nakitang tao. Mag-isa lang ako doon sa may kwarto. Natakot ako, nalungkot at gustong umiyak sa kadahilanan na mag-isa lang ako. 

At baka may mumu pa dito, huhuhu! Ilabas niyo na ako dito! May tao ba diyaaaan? Helloooooo!


Eeek! Blag! 

Omayghad! Whu izz dat!?


"Oh anak?  Kanina ka pa ba gising? Kamusta na ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba? Heto, bumili lang ako ng pagkain sa baba." rinig ko sa mga sinabi niya ang pagaalala. Hinawakan niya ang noo ko, pisngi at leeg upang tingnan kung may masama pa akong nararamdaman.


Ang OA naman ni Mader, akala mo may nangyari saking masama.

Ay, may nangyari ngang masama sakin (+_+)"

Agad akong bumangon. "Okay na po ako ma. Baka po napagod lang talaga ako kanina, kaya po ako bumagsak." sagot ko.


"Ah ganun ba anak?" umupo siya sa sofa malapit sa hinihigaan ko. Binuksan niya ang paperbag na dala-dala niya. "Oh heto anak, bumili lang ako ng makakain natin." Inabot niya sa akin ang isang tupperware at isang bote ng tubig. Kinuha ko 'yon at sinimulan nang kumain.

Mama? Bakit puro atay-atay (animal liver) yung nandito!? *with matching disgusted face*

"Ay masarap yan nako! Tsaka may kanin naman yan! Kaya kumain ka na. Wag nang choosy!"

Mama talaga -_- tinatanong ko lang kung bakit puro atay yung nandito.

Atay ng baboy, atay ng baka pati atay ng manok nandito! Hayst. Makain na nga lang. Sayang pa.

Mmm! Infairness masarap siya ha! ^_^

"Ma," tiningnan niya ako at nagtaas ng kilay upang ipahayag kung ano 'yon. "Sino po ang naghatid sa'kin dito? Nasaan po pala si Steff?" tanong ko.


"Ah anak, si Steff ang naghatid sa'yo dito. Tinawagan niya ako at sinabi kung ano ang nangyari sa'yo. Nagalala naman ako kaya agad akong dumeretso dito." sagot ni Mama. Hayy, baka nakaabala pa ako sa trabaho niya. Ang layo pa naman nun!


"Ah ganun po ba ma? Eh nasaan na po si Steff?" tanong ko ulit at saka itinuloy ang pagkain.

Mmm! Ang sarap talaga! Lasang atay! Whoo!

Bago siya sumagot, uminom muna siya tubig niya. "Umuwi na siya, may gagawin pa daw siya sa bahay nila." tugon niya. Itinuloy na rin niya ang pagkain.


"Ah mama, bakit niyo nga po pala dito ako dinala ni Steff? Bakit di na lang dun sa bahay?"

Natahimik bigla si Mama at tumigil ng sandali sa pagkain niya.

May sinabi ba akong masama?

"Ahm anak--," tumigil ulit siya at parang may malalim na iniisip. "W-wala nga kasi ako kanina sa bahay diba? E-eh wala pa namang magbabantay sayo dun kaya dito na lang kita pinagpahinga."

Tinitigan ko lang siya *_* parang nauutal kasi siya eh. At kapag nauutal siya, means may tinatago siya. Pero hayaan na lang natin.

Tumango nalang ako. Tumingin-tingin ako ulit sa paligid at nagmasid-masid. Nakita ko ang cellphone ko na nakapatong sa end table. Kinuha ko 'yon at binuksan. 


'2 messages'


From: Steff


"Bal, sorry kung iniwan kita diyan ha. May gagawin pa kasi ako dito sa bahay. Dumidilim na rin kase kaya umuwi na ako kaagad. Ingat ka bal. Love you, mwuah!"


Pinindot ko ang message box at sinimulang sumagot. 


"Okay lang bal, andito naman si Mama. Salamat nalang. Sorry na rin sa abala. Love you too bal!" ani ko.


Tiningnan ko ang isang message. Nanlaki ang mga ako sa nakita ko.

From: Mike ^_^

"Jamie, okay ka na ba? Nabalitaan ko ang nangyari kanina sa'yo. I felt sorry kase di manlang kita inalagaan at binantayan. Pero pumunta ako kanina diyan. I left a message for you at the table beside you."


Heh! Ang kapal din talaga ng mukha netong makipagusap sakin ah! Pagkatapos niya akong saktan ng ganito! Mukha niya kamo!

Hinanap ko 'yon. May nakita akong papel na nakatupi. Binuksan ko 'yon at doon na nagsimula ang pagtibok ng malakas ng puso ko.


"Hi Cupcake, I know you received my message for you. May I give you a favor? Please , 'uhm..' read and fully understand the next paragraphs that you will approach. Thanks :) 

Excuse me? Cupcake? Ano yun? Yung ba yung tawagan ng mga taong bagong break? Oo, yun nga yata yun.

Hi again, 'uhm..' I know we've been through many months. And I wanted to say is thank you. Thank you Jamie for everything. Every bit of nice thing that you've given to me. I truly appreciate your kindness, your love, your passion of care for me.  And those are the causes which made me fall for you.


FALL!? F-A-L-L!? BIG WOOORD!

Baka 'those are the causes that made me WANT TO PLAY WITH YOU'! Mukha mo ulit!


But, I'm sorry for my negligent habits, my bad traits. I apologize for being miserable, stubborn, and being an imperfect guy you wished for.


OO! MISERABLE KA! WALA KANG KWENTA!

Ugh, nadadala na ata ako sa mga emosyon ko.

Itinuloy ko yung pagbabasa ko sa 'worthless letter' niya. T___T


I know it's hard to say this to you pero.. aalis na ako mamaya papuntang Amerika. 11:00 PM ang flight ko papunta doon. Doon muna ako titira ng ilang taon upang bantayan si dad. Inatake siya sa puso. Alam mo naman siguro na may cancer siya  sa puso diba? Maiintindihan mo naman ako, diba? Doon na rin muna ako mag-aaral. I hope you understand this kind of situation. Mahirap. Mahirap para sa'yo na magkahiwalay tayo.


I'm sorry Jamie, but I have to do this. I have no more choice. I love you Jamie, goodbye."


~Mike 

MABUTI NGA KUNG GANUN!

Ay teka, tama ba yung inisip ko? Natutuwa ba talaga akong aalis siya?

Masaya ba ako dahil mawawala siya?

HINDI >_>

Oo, alam kong 'niloko' niya ako dahil kita naman sa ebidensya diba?

MAY HINALIKAN SIYANG BABAE KANINA!

After ko naman maencounter ang ganung pangyayari, sobrang galit ako. Parang naging leon ako, pero umiyak naman.

Teka, may leon bang umiiyak?

Tanga mo talaga Jamie, siyempre wala! >_<

Pero bakit ganito yung pagtibok ng puso ko? Parang bumabagal?

Nalulungkot ba ako?


Bakit mo ginagawa ito sa'kin Mike? Tanggapin ko sana kung nagpaalam ka sa akin ng maayos. Tatanggapin ko sana kung kinausap mo ako. Pero wala na akong magagawa dahil..


'Wala ka na."



The Only ExceptionWhere stories live. Discover now