Exception ♥ 7 - The Guy In Hood

29 3 4
                                        


Jamie's POV

Isang linggo na ako dito sa PSA (Pacific States De Academy). Grabe, ang laki na talaga ng pinagbago ng school na to.

At ang iba, under constructions pa!

Parang dati sa sobrang liit pa nito at iilan lang ang mga rooms noong iniwan ko ito 3 years ago.

Pero ngayon, WOW! May dumadagdag na mga buildings! Yung mga para sa library yung side dito , tapos mga canteen etc. Basta ang dami talagang nagbago! Namiss ko tuloy yung dati.

Pero dahil free time naman namin, napagisipan ko muna libutin ang school at tignan kung ano pa ang meron ditong bago.

Pagkatapos kong libutin ang school, may isa pang lugar na nais kong puntahan.

Ang rooftop.

Pagdating ko sa taas, wala namang tao kaya tumambay muna ako at tignan ang view ng buong school.

Ang ganda na talaga, ang dami ng nagbago dito. Yung tipong lumawak ang field niyo, dumagdag ang pools at nag-expand din ang school.


One week na ako dito at madami na ang nangyari. And more of them ang nakakainis! 

UNA, naelect akong Vice President ng classroom. Kamusta naman ang bagong balik niyo dito sa school niyo diba?! Mageelect na nga lang, sa Vice pa! Takte. Kasunod doon ang Elected President namin na si Chean. Siya rin naman kase ang Pres. last year. Tutal hawak na nga niya ang buong school, hawak pa niya ang classroom. Nakakapagod rin yung ganun noh?

PANGALAWA, muntikan na ako manominate na Muse! Takte nga eh, pero buti na lang sinalo ako ni Steff at siya ang naelect na muse. Buti na lang konti lang ang bumoto sakin 'mga five lang', overqualified daw kase. Joke lang!  Maganda naman kasi talaga si Steff, or pangit lang talaga ako? 

Ewan ko nga kung bakit pa ako ninominate eh ang pangit pangit ko! Buhaghag ang buhok, may malaking salamin sa mata, at makapal pa ang kilay! Saya ng face ko diba? Pang beauty contest, este pang UGLY CONTEST. For sure, lagi akong defending winner dun!

Speaking of Steffani Jane, minsanan na lang kami magusap. AS IN MINSAN! Nakakapanibago talaga! She is effin weird! Ganyan na siya since first day of school. Tinanong ko na rin kung ano ba talaga ang problema niya pero sabi niya 'next time na lang kapag pwede ko na sabihin sayo'. Kaya ayun, hinayaan ko na lang muna siya. Pero all those times, magkasama pa rin kami papunta at pauwi ng school.

Minsan nga kapag malapit siya kay Justin my crush, (OO! CRUSH KO SIYA! PROBLEMA MO?!) lumalayo agad sa kaniya si Steff. Crush niya rin kaya si Justin kaya iniiwasan niya?

.

.

.


"ZZzz.."

Hala, ano yun?

May natutulog ba dito? Bat di ko napansin kanina? 

Alam kong medyo creepy ang gagawin ko pero dahil sa curiosity ko, hinanap at nilapitan ko ang natutulog.

Estudyanteng lalaki siya, nasa senior year na rin ata siya at parang nasa age ko lang din.

Nakaupo lang siya sa bench ng rooftop. Nakacross ang arms niya at nakayuko habang suot suot ang hood ng jacket niya.

Ang init init nakajacket, nilalamig ba kamo sa ilalim ng araw?

Nacurious ako sa mukha niya, pero di ko makita kasi nakayuko nga, pero sa itsura ng katawan niya ay parang matangkad din siya.

Hala! Tumigil siya sa pag"ZZzz.."! Baka nahalata niya na may tao malapit sa kaniya.

Hmm.. isip ka Jamie kung paano ka niya di makikita at makatakas! BILIS!


*Isip isip*..


Ting!


Alam ko na! Tatakas na lang ako tapos tatalikod ako tapos di ko ipapakita mukha ko tapos tatakbo ako ng mabilis! Iisipin ko na lang na walang nangyari! Yes tama ka Jamie ang galing mo! Woot woot!

Nagtiptoe ako paalis sa kaniya at pinlanong bumaba tapos tatakbo palayo dun!

.

.

.

Pero huli na ang lahat!

Pagtalikod ko palang sa kaniya, nagsalita na siya agad! Omo Jamie, lagot ka!

"Hali ka dito."

Hala shet! Wag po! Bata pa po ako! Maawa po kayo sa akin kuya! Huhuhu!

Parang malat pa yata ang boses niya dahil bagong gising lang siya. Pero infairness ateng, medyo husky ang voice niya ha. Hindi yung aso na husky ha! Iba naman yun.

"Ha?" sabi ko, juice colored! lalapit ba ako!?

"Lumapit ka sabi." hala galit na siya! huhuhu, lord magpapakabait na po ako! Wag lang sana ako saktan nitong lalaking ito!


*Dug tug. Dug tug. Dug tug.*


Hinarap ko siya nang napakadahan dahan, yung parang mas mabagal pa sa free wi-fi dyan?

Nakayuko pa rin siya at di nagbabago ang posisyon, nakacross pa rin ang braso niya.

"What brings you here in my teritory?"

"Uhm, may hinahanap lang po kasi ako." ayan sige Jamie, mag patay malisya ka pa! Be a great liar! Ipush natin yan! Wait! Teritory niya?

Maya-maya, tumayo na siya at umalis pero nakayuko pa rin. Ayan tuloy, hindi ko nakita yung mukha niya. Magsosorry na nga lang ako.

Pero wala na eh, umalis na siya. Nakababa na yata siya ng rooftop?

Lagot ka talaga Jamie! Nakaistorbo ka na nga ng hibernating man, hindi ka pa nakapagsorry. Two points for Jamie Lazaro! Parteh parteh! Ilabas ang confetti at isabog sa mukha ko! WOOH!

Bumaba na rin ako pagkatapos nun, sinubukan kong hanapin yung lalaki pero wala eh. Wala na talaga siya, soooo sad. Hehe, joke lang.

Sino kaya yun?

Aiish! Bahala na nga, kakain na lang ako!

"Hi Jamie! Saan ka galing?" lumapit sakin si Chean, yung School Council President?

"Uy hello, sa rooftop lang. Tambay tambay. Hehe."

"Oh okay, malapit na matapos ang break time. Kumain ka na ba?"

Eto yung gusto ko kay Chean eh, concerned all the time! "Hindi pa eh, habol na lang ako dun sa cafeteria. Sige bye Chean!"


*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Steff's POV

I wanted to be alone tonight. Alone under the midnight moonlight. No company, just fully alone.

Lumabas muna ako ng bahay at tumambay muna saglit sa Café De Amour para mai-spend ko manlang ang oras ko para sa sarili ko lang.


"Bakit ka ba bumalik dito?" bulong ko sa sarili ko.


Masaya ka na dun sa pinanggalingan mo diba? 


Ang kapal din talaga ng mukha mo eh noh?


Sana hindi ka na lang bumalik! Sana hindi na lang kita nakita! 


Kung hindi mo nagawa yun sa bestfriend ko matagal na, edi sana hindi ako galit ng ganito sayo ngayon! 

.

.

.

.

Damn you Justin. Just Damn you!

The Only Exceptionحيث تعيش القصص. اكتشف الآن