A/N
Kamusta naaa? Sorry nga pala kung nagkaroon ulit ako ng 2-week-no-update, nawalan kasi ako ng gana magsulat. Pero woot woot! At last, sinipagan din ako magupdate! Well, ang totoo kasi niyan ay nainspire ako gumawa dahil sa mga nababasa kong mga libro. Thank you sa paghihintay mga readers!
x=x=x=x=x=x=x=x=x=x=x=
Justin Aguas' POV
Alam niyo ba yung pakiramdam na gusto mo nang tuluyang bumuka ang lupa na tinatayuan mo ngayon at bigla-biglaan ka nalang lalamunin at di ka na makakabalik pa sa mundo?
Well. Kung posible sanang mangyari yun, SANA MANGYARI NA YUN NGAYON! AS IN N-O-W!
"Wooh!"
"Go pare!"
"Kaya mo yan!"
Iyan ang mga nadidinig kong mga hiyaw na nagmula pa mismo sa mga kaibigan ko. Mga KAIBIGAN ko nga sila! Thank you po Lord dahil nakilala ko pa 'tong mga toh! Grabe sila.
Hiyang-hiya na talaga ako ngayon. Alam kong nangungulay kamatis na 'tong mukha ko ngayon dahil sa hiyang yan. Kaya sana nama'y bumuka na ang lupang inaapakan ko dito at lamunin na ako!
Nanatili akong nakatayo ngayon sa harapin nila, 'niya' apparently. Di ko alam ang sasabihin ko, isasagot actually.
"Ha?" litong tanong ko kung tama ba talaga ang dumaang katanungan dito sa tainga ko, well almost hundred percent naman akong sigurado sa nadinig ko kasi alam kong naglilinis naman ako ng tainga ko. Gusto ko lang naman talaga ipaulit
Ms. Jane, our adviser had glanced and utterly smiled beside me. "Once again Mr. Aguas," she said calling my surname. "As you stayed here in the classroom, who is the first person, perhaps a girl who completely caught your eye?"
--------------------
Jamie's POV
Omayghaad, namumula talaga siya. Which makes me turn on more to him. If being almost perfect is a sin, siguro demonyo na 'tong lalaking toh! Hmm, ano kaya isasagot niya sa tanong? Kenekeleg akis! Woot woot!
.
.
.
.
.
"Uhm, can I skip the question ma'am?" halos mga limang segundo ang lumipas bago siya tuluyang sumagot.
Bakit kaya hindi niya sinagot yung tanong? Baka nga meron! Nahihiya lang siya, ahihihi. Sana ako na lang yun kapag meron man. Charr!
Well, if you look closely naman kase. Imagine a guy with a messy but cool dark hair, pure black-colored charming eyes, averagely pointed nose, alluring red lips at matangkad pa! Oh diba? Saan ka pa?
"Oh okay." itinaas ni Ma'am Jean ang kanang kilay niya to indicate na nabigla siya ng kaunti. Iiniaabot niya muli ang maliit na box sa harap ni Francis. "But before you do that, please roll the paper you've selected and drop it back in this box."
"Okay Ma'am." he once again rolled the small piece of paper and put it back inside the box.
Bago pa man siya muli bumunot ay hinalo muna ng adviser namin ang mga papel sa loob ng box. Habang hinahalo ang mga papel, ay naisipan ko munang tanawin si Steff sa tabi ko.
YOU ARE READING
The Only Exception
Teen FictionJamie Allison, a typical highschool student whose surprisingly left by special someone in her life three years ago. She shed tears, became depressed and cried like a little girl she was before. But after years of coping up with the help of her loyal...
