Exception ♥ 4 - The First Day

36 7 1
                                        


Jamie's POV

"Are you all set, ladies?" 

"Yes po tita." tugon ko.

Sumakay na kami ni Steff sa kotse at sumunod naman si Tita Monica.

Pumasok na si Tita sa kotse nilang napakaganda at marahan siyang sumakay sa driver's seat nito. "Okay, wala na kayong nakalimutan ha?" 

"Wala na nga po Mommy! Pangbente niyo na po yang tanong." sumingit naman toh si Steff at sumimangot. Kulit talaga. "Gora na kase Mader! Malelate kami lalo neto ni Bal sa kakatanong mo eh." 

Tumawa nalang nang mahina si Tita at saka ipinaandar ang kotse patungo sa Pacific States De Academy.


Yes, pasukan na namin ngayon ni Steffani at .. OO! KINAKABAHAN TALAGA AKO! First day of school nga naman. At ang sosyal pa ng school namin ha! Isa to sa dalawang high class na school dito. 

Wala kaming masyadong dala ni Steff. Ballpen, isang notebook, handkerchief at cellphone lang naman ang laman ng bag namin. Wala naman kasi talagang gagawin sa first day eh. And as usual, eepal na naman si 'introduce yourself' at paguusapan lang naman ang mga rules and regulations doon, ganyan lang naman ata ang gagawin sa first day diba?



++++++++++++++

Shet! Ang dami ng tao dito! Maingay, magulo at maraming tao ang una kong napansin sa pagpasok ko sa gate ng school. 

"Uy! Namiss kita!"

"HAHAHA, ano section mo pala!?"

"Yes! Classmate ulit tayo!" 

Iyan ang mga ilan sa narinig ko mula sa iba't ibang tao habang papunta ako sa board kung saan nakalagay ang pangalan namin at kung saan kaming section nakasaad.

"Bal! Section 1 ako!" hinawakan ni Steff ang magkabilang balikat ko at heto, ramdam ko ngayon ang pag-aalog ng katawan ko dahil sa excitement niya.

"Yes! Same here! Hahaha." sabay kaway-kaway sa hangin. 

So far so good, at magkaklase kami ni Bestie. Ang hirap kaya kapag magkahiwalay kayo ng section noh? Di mo masasabayan ang trip niya at di ka rin niya masasabayan sa kalokohan mo.


"Hi." kinalabit ako ng isang babae at nginitian ako. 

Sa di kalayuan, maganda siya, mas matangkad kaysa sa'kin at nagmumukhang matalino sapagkat may nakasabit na salamin sa mata niya. 

"Hello." binawian ko nalang din siya ng ngiti.

"Section 1 kayo?" mahinhing tanong niya. Mukha namang mabait tong kaharap ko ngayon, ang hinhin eh!

"Uhm, oo. Ikaw?" sinagot ko na lang siya at saka nginitian muli. 

"Same tayo." mahinahong sagot niya.

"Ay wow, ano name mo?" nakangiting tanong ko sa kaniya.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng pangangalabit sa likod ko. Kaya wala na akong ginawa pa kundi tumalikod at harapin ang kumalabit sa likuran ko. "Ehem?" tinaaasan ako ng kilay ni Steff.

Yumuko ako at itinapay ang bibig ko sa tainga niya. "Ay, sorry bal." bulong ko. Juice colored. Kung wala lang curiosity tong kaibigan ko, malamang ay iniwan na ako nito.

"First day palang, pinapalitan mo na ako kaagad? Ang bad mo." aba, sinimangutan pa ako nito ngayon. Grabe siya oh.

Dahan-dahan akong humarap kay .. ? Ay, di pa pala niya sinasagot ung tanong ko. Marahan kong iniharap si Steff sa kaniya at ipinakilala. "Uhm, si Steff nga pala. Kaibigan ko." nginitian ko ulit siya. 

"Kaibigan lang? Grabe ka talaga! Namumuro ka na sa'kin!" tiningnan ako ni Steff at ngumuso ng madiin. Kitang-kita ko ngayon sa mukha niya ang selos at inis. 

"Sorry na." maamo kong paghingi ng tawad. "Si Steff, bestfriend ko." sinadya ko talagang diniinan ang pagkakabigkas ko ng salitang iyon para makuntento na tong nagmumukmok sa tabi ko.

"Nice to meet you, Hi. I'm Janella De Lacosta." itinaas niya ang kanang kamay niyang nakabuklat at iniabot ito sa akin na nagpapakita ng 'greeting'.

"Nice name." nginitian ko ulit siya at iniabot din ang kamay niya. "Jamie. Jamie Allison Lazaro." 

At nang bumitaw na kami sa pagkakamay, dahan-dahan niya naman itong inabot kay Steff. 

"Hello, I'm Jane--" 

Ipinutol naman ni Steff ang sasabihin niya. "Yeah yeah. I know." masungit na dugtong niya. "Name's Steff. Steffani Jane Perilla." itinaas niya rin ang kanang kamay niya katulad ng ginawa ni Janella at nakipagkamayan.


"Good Morning to all students!" napalingon na lang kami sa stage sa harapan nang marinig ang bati ng isang matandang babae.

"Ay! ayan na si Ms. Principal Masungit!" ani Steff.

"Oh? Bakit miss pa rin?" nagtatakang tanong ko.

"Ih, wala kasing nanligaw eh. Ang sungit kasi." pilosopong sagot ni Steff.

Natawa nalang ako sa sinabi niya, gayundin si .. sino nga ulit 'yon? 

Nagikot sa buong school ang hiyawan ng mga estudyante dahil sa excitement. Nakakabingi nga lang medyo kasi may mga sumisigaw-sigaw pa. Tae.


"Are you all excited to meet your classmates?" malapad na ngiti ni Principal Masungit.

At pagkatapos niya kaming tanungin ay naghiyawan ulit ang mga estudyante .. kasama na dun si Steff.

"Whooh! Kanina paaaa!!" sigaw ni Steff. 

Jusme, kailan ba magkakaroon ng hiya itong babaeng to?


"Okay. Because of that, I want you all to carefully set up a line according to your section." tugon ng Principal. 

Maya-maya ay nakakita kami ng mga taong nakahilera sa harapan ng stage at may itinataas na signboards. "We prepared some signboards for your according section. Again, please carefully go to your given section and prepare a straight line. Thank you." at bumaba na sa stage ang principal.

"Hali ka na bal." hinawakan ni Steff ang kamay ko at hinila papalapit sa linya namin.

Susunod na sana ako, pero natandaan ko si .. sino nga yon? Tae naman. 

"Ay wait! Isabay na natin si Janella." tumalikod ako para hanapin siya pero nabigo ako, wala na pala siya. "Nasaan na siya?" tanong ko kay Steff.

"Aba, wag ako ang tanungin mo." pilosopong sagot niya.

Napagpasyahan nalang namin na pumunta nalang sa pila, pero nang makarating na kami doon. Doo na namin nakita si Janella. May iba siyang kasama pero so far, nagtatawanan naman sila kaya hinayaan nalang namin.


+++++++++++++++

AUTHOR'S NOTE:

Sorry sa 1-week-no-update, alam niyo naman na 'busy' ako diba? Hahaha. 

Be ready for the next UD.







The Only ExceptionOnde histórias criam vida. Descubra agora