Exception ♥ 2 - The Comeback

54 6 4
                                        

3 years after..

Jamie's POV

I dropped my feet on the airstair, closed my eyes and took a moment to perceive the air of my home once again. 

Yes, nasa airport ako ngayon. Galing ako sa probinsiya ko sa Bacolod, City of Smiles 'ika nga. 

Sa kasamaang palad kasi, di namin inaasahan na inatake ng stroke ung grandfather ko 3 years ago, sa side ni Mama. Kaya ayun, umuwi kami ng wala sa oras upang bantayan at alagaan siya.


Doon ko na rin ipinagpatuloy ang pag-aaral ko. I felt sad at first kase iniwanan ko yung kaibigan kong BALiw dito. Di bale na, kaya niya naman ung sarili niya, haha. Kamusta na kaya yun? Siya daw ung magsusundo sa'kin eh.

+++++++++++++++


After I grabbed my baggage from the baggage claim area, I immediately ran to find Steff.

Kanina pa kase siya naghihintay dun. Mga dalawang oras na yata siya naghihintay sa'kin, juskoo baka makalbo ako kapag nakita ako nun! Huhuhu, mahal ko pa ang buhok koo!

Nakatayo na ako ngayon dito sa labas ng airport. Nagmamasid, nakatulala at patingin-tingin sa phone ko para bawas inip.

"Nasaan na ba kase yung baliw na 'yun?" bulong ko sa sarili ko habang kinakamot ang ulo.

"Jamie Allison S. Lazaro!" sigaw ng isang babae. At sa sigaw pa lang katulad 'nun, kilala ko na kaagad kung sino 'yun. 


Hinanap-hanap ko ung taong bumungad ng sigaw sa labas ng airport. Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, pero wala akong makitang BALiw. 


Nakabuhol na ang magkabilang kilay ko kase halos isang minuto ko na hinahanap ung sumigaw.


"Tae naman oh." tumingin nalang din ako sa malayo para hayaan nalang na siya ung lumapit sa'kin.


"BAAAAL!" sigaw ng babae na tumawag sa BUONG pangalan ko. Nagulat nalang ako at napamura ng 'dis oras. Napalingon sa likuran ko upang malaman kung sino man ang kupal na sumira sa eardrums ko. Tiningnan ko nalang siya ng masama at nilakihan ko ang mga naiinis kong mata sa kaniya. Nakasuot siya ng puti na sweater at itim na denim pants.


"Maalat na Letche Flan! Saan ka ba nanggaling kang BALIW ka!?" sigaw ko rin sa buong pagmumukha niya. Huh, akala mo ha. Nakabawi 'rin sayo. 


"Bal naman, namiss kita nang sobraaa! Huhuhu!" iyak niya sabay ibinalot ung mga braso niya sa leeg ko. "Bumalik ka na 'rin!" dugtong niya.


"Andrama mo, iyak na ba tayo?" asar ko sa kaniya habang magkayakap kami. Rinig ko sa likuran ko ang hagulgol niya, nakakatawang isipin lol. "Heto naman kung maka-iyak, akala mo di naimbento ang skype at facebook. Hahaha." pang-asar ko ulit sa kaniya.


"Arghh, nakakasira ka ng moment! Ang ipot mo pa'rin talaga eh noh!?" reklamo niya, saka inalis ang pagkakayakap niya at humalukipkip.


"Sige na nga, I miss you too bal!" sabi ko. Inilapat ko ang mga daliri ko sa magkabilang pisngi niya at saka kinurot nang madiin na madiin! "I love youuuuu!!" saka diniinan pa ang pagkakakurot ko sa kawawang pisngi niya.

The Only ExceptionWhere stories live. Discover now