Epilogue

5.7K 155 35
                                    


**

"AYOS na ba buhok ko? Okay naman mukha ko? 'Di ba ako mukhang puyat?" Sunod-sunod na tanong ko kay Kairo. Siya ang best man ko sa kasal ko. Hindi naman sa kadahilanan na siya ang pinakaclose ko pero siya kasi yung nanalo sa game nilang tatlo. Kumbaga, wala rin akong choice dahil isa naman sa kanila yung magiging best man. 

De loko lang, okay sakin kahit sino sa kanila. 

"Mukha kang tanga tol." Natatawa niyang sagot sakin. "Mukha ka pang natatae." 

Huminga ako nang malalim. "Hindi mo ko masisisi. Paano kung mag back out 'yon?" 

"Napaka nega mong nilalang. Excited pa nga 'yon sa'yo, e. At this time, pumayag na siyang magpakasal sayo. Diba dati hindi?"

"Geh, ipamukha mo pa." 

"Hahaha, joke lang tol. Pero meaning kasi non," Inakbayan niya pa ako. "Meaning non ay handa na siya. Sigurado na siya." 

Tumango ako. Tama nga naman. "Oh, ayan na si Renzel oh." Tinignan ko ang anak kong naglalakad papunta sakin. Wala pa rin kasing cute. Napakalaking bulas talaga. 

"Tatay!" Bumaba ako para magkalevel na kami. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi niyang sobrang taba. Sobrang pasasalamat namin sa Diyos na gumaling si Renzel. Isang milagro yung mabilis niyang pag-galing. Yung nawala yung sakit niya. Napakabait lang talaga ng Diyos. 


"Nakita mo na Nanay?" Tanong ko sakanya. Ako kasi dalawang araw ko nang di nakikita. Miss na miss ko na nga eh. 

"Hmm-hmm." Tango niya. "Doon siya Lola." 

"Hmmm. Ganda ba?" 

"Sobra" Napangiti ako. Hindi na ako makapaghintay na makasal sa nagiisang babae sa buhay naming dalawa ni Renzel. 


"Ah, Sir," Napatingala ako sa tumawag--yung organizer. "Andiyan na po 'yong bride. Kaya balik na po tayo sa pwesto." Agad naman akong nanlamig sa sinabi niya. Woooh. Totoo na nga. Eto na nga. 


"Nak, balik ka na muna kay Tita Cindy." Sabi ko at tinuro yung Tita niya na nasa malapit lang, nakikipagusap sa iba nilang kaklase dati. Si Japs yung maid of honor pero si Ariane tumutulong din at kasama ngayon ni Akeisha. 


Tumakbo siya rito at kinuha naman siya agad ni Cindy. 

Bumalik ako sa pwesto at kitang-kita ko na lahat nag-aayos, lahat nagre-ready na. Hindi naman gaano karami ang narito. Sakto lang. Yung mga close lang namin talaga. 

"Tangina," Napamura ako sa kaba. Ganito pala yung feeling? Eh mas kinakabahan ako rito kesa sa pagtuli sakin, e.

"Makamura. Nahiya naman sa'yo si Papa Jesus." 

"Ay sorry, sorry." Iling ko pa. 

Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay at inilagay sa may mukha ko. Totoo na 'to. Salamat, Lord. 


"'Wag ka nga diyan, pre. Mukhang kang ewan. Nakaka turn off. Dapat keep your cool." 

Gago. "Walang keep your cool kapag ikakasal ka na. Wala ka pa kasing fiance." 

"Bastos 'to ah. Pasalamat ka kasal mo." 

Pakiramdam ko nga tatalon na ko rito at yuyugyugin ko pa sarili ko para kumalma ng mga apat na porsiyento. 

Hinarap ko ulit si Kairo. "Brad, grabe, hindi naman siya tatakbo mamaya, diba?" 

"Ikaw isang kanegatron na lumabas diyan sa bibig mo aagawin ko sa'yo yang magiging asawa mo. Ikaw na nagsabi, wala pa naman akong girlfriend." 

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon