39

3.8K 107 14
                                    

**

"SO, kumusta naman ang bakasyon sa Japey?" Tanong agad sakin ni Japs nang makalabas siya mula sa CR. Expected na agad na uusisain niya 'ko kasi 'yon naman ang sinabi niya pagkapasok na pagkapasok dito sa condominium unit niya.

Ibinaba ko ang phone ko. Pinapanood ko kasi yung mga videos ni Renzel sa phone ko. "Okay naman, nag enjoy naman siya."

Kinuha niya ang dryer at umupo sa gilid ng kama niya. "Eh kayo? Wala bang Nanay-Tatay moment?" Nakangisi pa siya at nagtaas baba ang kilay.

"Wala no. Ano bang klaseng tanong 'yan. Tsaka minake sure ko ngang 3 days lang kasi alam kong awkward." Sabi ko at kinuha yung kumot na nasa upoan. Sa couch kasi ako natutulog. Siyempre nakahihiya naman kay Japs kahit na gusto niyang tabi kami.

"Hay nakooo, ayusin niyo na kasi 'yaaan."

"Ganon lang kadali?" Tumingin ako sakanya bago humiga. "Alam mo Japs. Hindi pa ito yung tamang panahon. Kailangan muna naming mag grow." Umistraight ako ng higa, nakaharap sa ceiling.

"Hindi porket nami-miss mo lang, babalik ka na."

"Awtsuuu. Pero may point ka naman diyan, te. Take your time ganon."

"Talaga." Nakatitig pa rin ako sa ceiling pero naiiyak na naman ako. "Minsan kasi kailangan nating magsacrifice. Kahit na nahihirapan tayo as of now. Magiging worth it din naman lahat, 'diba?" Pinunasan ko ang luhang tumulo galing sa mata ko at tinignan siya. "Ilang years na kaming magkasama eh."

"Oo nga. Siguro masyado rin kayong locked sa isa't-isa. Kailangan niyo mag grow individually. Kaloka naman kasi kayo. Since high school!"

I chuckled. Oo nga no? Sobrang tagal na rin 'yon. Hindi naman ako nagsisi. Pero hindi ko rin alam bakit ganon kaaga. Siguro nga kasi hindi pa kami matured nang magsimula kaya may ugaling nadala naming kahit noong lumaki na kami.

"Hindi ba kayo nakapag-usap?" Nilingon ko siya ulit. "Tungkol samin?"

"Oo?"

"Hindi eh. Pero pinapakita niyang he cares for me. Like kapag kumakain kami, tapos inaalalayan niya ko. Pasimple lang. Parang pinaparamdam niya saking...mahal niya pa rin ako."

"Hindi niya lang kasi masabi." Tinignan ko si Japs na nakahiga na rin at nakatalikod sakin.

"Kasi may mga bagay na mas okay kapag pinaparamdam muna kesa sa sinasabi agad. Kasi ganon tayo eh. Kapag nagsalita yung isa, kapag may sinabing maganda, kapag may sinabing kakilig-kilig, wala na. Bibigay na agad. Okay na rin 'yong ganito. Yung nagpaparamdaman muna kami. Kahit hindi na gaya ng dati basta pinaparamdam pa rin."

"Oo nga. Kesa wala."

"Oo," Natawa ako nang marahan. "Kesa wala."

"Oh tama na 'yan. Matulog ka na. May pasok ka na agad bukas. Hahaha!"

"Hay, bakit kasi ang aga." Mas naiyak tuloy ako nang maalala na may pasok na kami agad bukas. Pagod na pagod na kasi agad ako. May work pa ko. Huhu. Pero everytime naman na naaalala ko si Renzel, nagaganahan akong mag work, mag-aral. Kasi this is all for him.

"Good night, Ate girl."

"Good night, Japs. I love you."

"I love you, too."

--

As usual, medyo sabay kaming nagising ni Japs. May work siya at may work din ako. Mamaya pa ang klase ko kaya magtatrabaho muna ako. Ang hirap nga kasi siyempre may kailangan pang gawin for school pero siyempre din, kailangan ko ng trabaho. Kailangan ko'ng kumita. Tinext nga ako kanina ng boss namin. He reminded us na ngayon ang payday. Buti nga naremind ako eh. Nakalimutan ko pa naman! Haha

LISTEN CLOSELYWhere stories live. Discover now