18

5.1K 154 19
                                    


**

"BAKIT na naman badtrip 'yang mukha mo?" Nilagay ko nalang ang headset ko at sinandal ang ulo ko. Matulog nalang kaya muna ako. Malayo-layo pa naman ang byahe.

Pinatugtog ko ang kantang kakasulat ko lang last month. Oo, kakasulat lang. Hindi kasali sa album. Signal fire. Sinubokan ko'ng ipikit ang mga mata ko pero mas malakas pa ang usapan nila sa record ko. Mas lalong nakakabadtrip.

"Hindi nga kasi nakasama si Akeisha," Rinig ko'ng sabi ni Luigi.

"Oo, pag gising niya nagpa-alam na raw kay Tita Karla, uuwi raw muna."

"Kaya ayan, galit." Tinanggal ko ang headset ko kaya napatingin sila sakin, pati si Kuya Kiko, kaya ako rin, napatingin naman sakanila. "Wag niyo na nga akong pag-usapan."

"Tinatanong kasi ni Kuya bakit ka highblood." Kairo.

"Bakit ba umalis?Nag-away ba kayo?" Tanong ni Kuya Kiko sakin. Umiling ako. Kasi hindi naman talaga. Yun nga yung nakakabadtrip, e. Okay naman kami tapos di man lang ako ginising o nagpaalam man lang sakin ng maayos na hindi naman pala siya makakasama. Ang sabi niya kay Mama may gagawin daw na project. Oh tapos? Di pwedeng gisingin ako? Wag niyang irason 'yang alam niyang pagod ako dahil alam naming dalawa na kahit sobrang pagod na ko ayos lang kahit gisingin niya ko. Kahit ma interrupt pa ang tulog ko basta siya naman yung gigising sakin. "Hindi, basta."

Naramdaman naman nilang ayokong pag-usapan kaya nanahimik na sila Kuya Kiko at mga kabanda ko. Binuksan ko ang cellphone ko. May text pala siya. Ngayon-ngayon lang. Oo ngayon lang talaga, kanina di man lang ako tinext kung bakit siya umalis. Hindi ba't nakakapang-init ng dugo?

May gig ba ulit kayo bukas? Kita tayo later, love.

Naiinis pa rin ako kaya 'di ko siya rereplyan.

Meron bukas. Punta nalang ako sainyo mamaya.

Sabing inis ako, e. Hay. 'Di ko naman matiis. Tangina.

Nagpatugtog nalang ulit ako.

The perfect words never crossed my mind,

Cause there was nothin' in there but you

Minsan talaga 'yang mga ganyang bagay napag-aawayan namin. Kasi naman, minsan kung umasta siya parang wala siyang boyfriend. Hindi ko alam kung nananadya ba siya o hay. Lalo pa ngayon na busy-busyhan ako, 'di ba? Dapat hanggang may time kami sulitin namin. Ganon.

"Gising na!" Dahan-dahan ko'ng minulat ang mga mata ko. Nakarating na pala kami.

Pumasok kami sa tent dito sa likod ng stage, sa grounds. May nakahandang pagkain at gutom ako kaya naman umupo na ko agad. Tulog kasi ako kanina, may binili sila sakin nung dumaan silang 7eleven pero tulog daw talaga ako. If I know, kinain lang yun ni Kairo.

"Uy, nagtext sakin si Keisha" Sinamaan ko siya ng tingin. Mas pinapainit niya ulo ko. "Seryoso nga ako! Ito parang ewan!"

"Ano?!"

"Pinapasabi niya na may pupuntahan daw sila ng family niya mamaya kaya 'wag ka nalang pumunta. Hihi."

"Tangina mo,"

"Seryoso ako, huy!"

"Patingin!" Ba't sakin 'di naman nag-text! Tangina.... Nanadya ba siya?

"Here," Confident niya pang inabot sakin ang phone niya. Halos itapon ko naman ang cellphone ni Luigi. Putangina. Ba't sakin 'di man lang nagtext? Bakit kailangan kay Luigi pa?! Tangina talaga.

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon