46

4.3K 136 23
                                    

**


NAKAUWI na kami sa bahay after three days, bumalik sa normal ang lagay ni Renzel pero hindi muna namin siya pinapasok. We also decided that it was best for Akeisha to stay back here. Para mas maalagaan namin si Renzel. Binigyan kami ng reseta ng mga gamot and we were told to really watch out for our son because pneumonia is not a joke. 

He has bronchopneumonia meaning many areas of both lungs are affected. Pinayuhan kami ni Doc na tawagan agad siya kapag may naramdaman na naman ang anak namin. Dapat rin magpahinga and drinking plenty of fluids. 

The Doctor was very honest with our son's situation. He told us that if Renzel's having a trouble breathings or having chest pain, kailangan na talagang iconfine ito. There's a greater chance of making it to severe pneumonia. 

Gabi na at pinatulog na namin si Renzel. Kailangan nga niyang umalis para kunin lahat ng gamit niya sa condo unit ni Japs, sabi niya sakin kanina habang kumakain. Tumayo siya sa kama at sumunod ako. "Sasamahan na kita." 

"Kaya ko na."

"Pagod ka na. Iiwan ko na muna si Renzel kina Jen at Grace. Dito muna sila." Dire-diretso ko'ng sabi. Mukhang aayaw pa siya kaya kinuha ko na ang susi at hinawakan siya sa balikat, isinama sa paglabas, kaya wala na siyang magawa. Saktong nasa kusina namna sila kaya di na kami pumunta sa headquarters. "Ate, kayo na muna kay Renzel. Tutulongan ko lang si Akeisha kumuha ng gamit."

"Sige po." Agad na pumunta si Ate Grace habang si Jen ay sumama muna para masarado ang pinto. 

Pinagbuksan ko si Akeisha ng pinto para makasakay siya. Sumakay ako sa kabila at pinaandar ito. 

"Hindi ka pa kumakain." She glanced at me and pursed her lips. 

"Kain muna tayo?" Alok ko. Hindi rin ako nakakain ng maayos kanina kasi nakabantay lang ako sa mag-ina ko. Siya kasi nagpapakain kay Renzel. Kita ko kung paano niya pilit na tinatago yung pag-aala, lungkot. Kaya mas nasasaktan ako. 


"Wag na, baka magising si Renzel, hanapin tayo.." Mababa ang boses niya nang sabihin 'yon. Pagod na rin talaga siya. 


"Keisha, kailangan mo ring kumain. Paano kung ikaw naman magkasakit.." Puno ng pag-aalala yung boses ko. Baka pumayat pa siya lalo kung ganyan siya ng ganyan. 


"Oh sige, after nalang siguro natin kay Japs? Baka naghihintay na 'yon." 

"Okay, sige." 

--


PAGDATING kina Japs, niyakap niya agad si Akeisha. "Pupuntahan ko kayo this friday. Day off ko." Sabi niya habang papalit-palit ang tingin sakin at kay Akeisha. Ngumiti lang ako at tumango. 

"Thanks, Japs." Sagot ni Akeisha sakanya at dumiretso na sa kung saan nakalagay yung mga gamit niya. Hindi naman karamihan yung mga gamit niya, e. Nakalagay na nga yung iba sa box dahil inunahan na ni Japs. Para daw mas mapa bilis kami. 

Ibinaba ko na yung isang box. Maleta niya nalang ang naroon. Nasa elevator pa ko pero panay pa rin ako ng isip sa kung ano pwedeng mangyari. Pinapostponed na nga ng management yung meeting kung kelan ang concert at yung release ng album. Saktong tapos kasi sa pagrerecord. Pero dahil nga sa nangyare, pinacancel muna ang meeting. Kailangan ko munang magfocus sa anak ko. Dapat gumaling siya. Kailangan namin siyang gumaling. 


Pagkabalik ko sa unit, nakaupo silang dalawa sa may counter. Seryosong nag-uusap. Napaangat ang tingin sakin ni Akeisha nang dumating na ko. 

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon