12

4.5K 127 28
                                    


**

NAGING mahaba ang biyahe. Ang traffic kasi. Ewan ko ba. Inabot pa kami ng dalawang oras pero kung tutuusin 20min lang naman 'yong byahe. Katabi ko si Paul, he's on my left, pero hindi naman kami nag-uusap. Kinuha ko ang phone ko't tinignan kung may text galing sakanya, galing kay Ramces. Meron nga. Sinabi niyang di raw niya 'ko masusundo kasi sobrang traffic din sakanila. So ayos lang pala talagang nauna na 'ko.

Nang makita ko ang establishment na nagpapa-alala saking malapit na 'ko sa subdivision namin, hinila ko na ang lubid. Tumingin ako kay Paul at ngumiti siya, I smiled back. As if saying "Una na 'ko."

Pagkababa ko, malakas pa rin ang ulan kaya naman agad muna akong sumilong.

"Hija?" Napatingin ako sa tinderang araw-araw ko'ng nakikita. Nasa labas siya ng subdivision, nagtitinda. May silong kasi kaya dito na rin sila natutulog. "Po?" Nakangiti ko'ng tanong sakanya.

"May payong kami rito, ikaw nalang muna gumamit." Tsaka niya inabot sakin ang payong na kulay dilaw. "Sigurado ho kayo? Okay lang naman po. Baka po lumakas ang ulan, e. Kayo nalang po gumamit." Kasi diba, maliit kasi ang silong nila dito tapos ipapahiram pa niya. Kailangan ko pa kasing maglakad sandali para makapuntang guardhouse at makasakay ng tricycle.

"Sige na, ayos lang naman kami rito. Kunin mo na para makauwi ka."

"Naku, 'wag na po. Hintayin ko nalang na medyo tumila ang ulan."

"Hindi agad-agad na titila 'yan. May bagyo raw eh." Oh... kaya pala! Hay. Okay na rin 'yon. Para mag-suspend na. Hihi.

"Uhm, sige lang po. Kunin ko kapag 'di talaga." Magalang ko'ng sagot. Tumango naman siya at ngumiti sakin.

Hay. Wala pa akong dalang jacket man lang. Kinuha ko ang cellphone ko't tinext siya.

San ka pupunta? Nasa labas na ko ng subdiv, love. Hintayin pa ba kita?

Hinigpitan ko ang hawak sa cellphone ko't niyakap ang sarili ko. Ang lamig huhu.

Maya-maya lang, tumawag na siya. "Hello?"

"Ram?"

"Naka-FX ako. Hintay ka nalang sa guardhouse. Diba't may hintayan naman dun?"

"Ah, oo, sige-sige."

"Sige. Siguro mga 20min. I love you."

"Love you more."

"May payong ka ba?" Napakagat ako ng labi ko. "Uhm... kanina wala. Pero pinahiram ako ng tindera dito sa labas, love."

"Paano kanina? Nabasa ka ba?"

"May nakasabay ako kanina, eh. Sige na, see you later, ba-byeee." Bago pa siya makasalita, na-off ko na ang tawag ko. Mamaya ko nalag ie-explain sakanya. Baka kasi kung ngayon, ma windang siya't lumipad yung jeep.

"Ah, ate, hiramin ko nalang po papunta sa guardhouse. Balik ko nalang pag dumating na si Ramces."

"Ahhhhh. Yung pogi mo'ng boyfriend. Sige lang, hija." Pogi raaaawww. Pogi naman talaga. Hihi. Nang makapunta ako sa guardhouse, binati ako ng isang guard. Tumango lang ako at ngumiti. Umupo ako sa waiting shed, nakapila naman na ang tricycles pero hihintayin ko si Ramces kaya 'di muna ako sasakay. Kinuha ko ang headphone atsaka nagpatugtog.

Pinatugtog ko ang mga kanta ni Ramces. Mostly naman kasi tungkol sakin, tungkol samin. Kaya sinong hindi kikiligin, 'di ba? Nakapag-guest na sila sa isang show sa ABS-CBN. Parang nabanggit nga sakin ni Kairo na may nakapag-sched na raw sakanila para sa isang guesting daw sa GGV. Nakakatuwa lang. Matatawa siguro ako sa mukha ni Ramces 'dun. Mahiyain kasi siya, e. Kaya ganun.

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon