32

3.9K 154 39
                                    

**

"BAKIT ba di mo 'ko pinapansin?" Naiinis ko nang tanong sa girlfriend ko. Kanina pa kasi to. Di man lang ako binibigyan ng tingin. Sobrang snob kala mo naman.... wala.
Pero nakakainis kasi.

"Busy nga kasi ako."

"Busy ka sa alin??" Eh wala naman siyang ginagawa! Nakahiga lang tapos nakapikit.
Ang busy nga.

"Wag ka ngang makulit." Sabi niya pa rin habang nakatalikod sakin.
Humarap nalang ako sa ceiling. Nakalagay ang isang kamay sa tiyanan.


Hanggang sa 'di niya pa rin ako pinansin!. Anak ng teteng naman!

"Di mo ba talaga ako papansinin?" Naaasar ko nang tanong sakanya. Ganoon pa rin ang pwesto.

Hindi siya sumagot. Instead, kinuha niya lang 'yong unan malapit sakin at tinakip sa kanya.

Galing. "Hindi ka nakakatuwa." Seryoso pero may halong pagkabwisit ko'ng sabi sakanya. Nilingon ko siya habang ganoon pa rin ang ayos.

"Same to you." Napapikit ako. Nakakainis. Wala naman akong nagawa para ganyan ang iakto niya sakin ah? Tingin ko nga pwede na ko palagyan ng statwa para sa Hari Ng Kasweetan sa sweetbones ko. Ewan ko ba, 2 araw lang kaming di nagkita ganyan na siya.

"Akeishaaaa!"

Narinig ko siyang huminga ng malalim.

Kabanas lalo eh, tangina.

Humarap ako sakanya at niyakap siya from the back. "Mahal, okay ka lang ba?"
Ibinaon ko ang ulo ko sa leeg niya. Hinalikan ko rin ang parteng 'yon. Kahit na kanina niya pa ko inaasar isinantabi ko muna 'yon basta lang pansinin niya ko. Babababa rin ng pride pag may time.

"May problema ba?" Nag-aalala ko'ng tanong. Pinisil ko ang parte ng tiyan niya kung saan nakalagay ang kamay ko.

Hindi siya sumagot. Napakunot lang ako ng noo kasi yung kamay niya... kumapit ng mahigpit sa unan na nakatakip sakanya. Galit? Galit ba siya?

"Keish..?"

Narinig ko ang paghikbi niya. "Keish..." Naalarma na ko. Tangina. Bakit 'to umiiyak? Umiiyak siya alam ko. Sinong nagpaiyak sakanya?! Anong dahilan ba't to umiiyak?!

"Wag ka nga.." Eh paos na nga siya eh. Iba na boses niya.

"Tumingin ka nga sakin?" Sinubukan kong tanggalin yung pagkakatakip ng unan niya at ang pagkakayakap niya rito. Pero ayaw naman niya. "Wag.."

"Mahal, tingin." May awtoridad ko'ng sabi. Pero di naman siya nagpatinag. Napatikhim ako. "Ano ba?"

Hanggang sa umiyak na talaga siya. Hindi nalang mumunting paghikbi, hagulhol na talaga. Ano bang nangyayare? Bakit ba siya nagkaganito? Bago naman kami maghiwalay nung isang araw ayos kami ah. Tangina naman.

"Halika nga.." Hindi naman siya nagpapigil. Umiiyak pa rin siya. Sumandal ako sa headboard at pinalingon siya sakin. Pinabaling siya sakin. Niyakap niya ko agad. Nakahiga siya at nakasubsob ang mukha sa may dibdib ko.

"Bakit ka ba umiiyak?" Inaayos ko ang buhok niyang nababasa rin dahil sa luha niya. Yung mumunting hibla ng buhok niyang nasa harap ng mukha niya. "Mahal..." Tawag ko sakanya nang 'di siya sumagot.

Tanging iyak lang ang nasagot niya... Pinunasan ko ang mga luha niya. "Come on, tell me."

Naramdaman ko ang mahigpit niya pang pagkapit sa damit ko. Tapos ay umiyak pa siya lalo. Hindi ko alam, wala akong ideya bakit siya iyak ng iyak.

Isa lang ang alam ko. Nasasaktan akong nakikita siyang ganito. Puno ng pag-aalala ang mukha ko habang tinitignan siya. Bumaba ako, medyo nakahiga pero nakasandal pa rin ang ulo sa headboard ng kama niya.

LISTEN CLOSELYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon